If toast always lands butter-side down

dear unkyel batjay,

nagising na lang ako kaninang umaga na may malaking sugat sa paa. hindi ko alam kung paano ko ito nakuha. palagay ko ay nakamot ko ito habang ako ay natutulog. hindi ko nga ito namalayan – sobrang lakas siguro ng pagkamot ko. mahapdi nga ngayon at nahihirapan akong maglakad. ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

sa susunod kasi, maliligo ka muna bago matulog, at huwag kang maglakad ng nakatapak. ganito na lang gawin mo: magdasal ka ng tatlong ave maria pagtapos buhusan mo ang sugat ng tubig na pinaglagaan ng dahon ng bayabas. sabayan mo na rin kaya na magpatuli para hindi sayang. pwede mo rin kasing ipang-langgas yung dahon ng bayabas doon sa sugat ng tuli mo.

best wishes,
unkyel batjay

6 thoughts on “If toast always lands butter-side down

  1. or maglagay ng mittens bago matulog… parang batang may bulutong tubig, para hindi kuko ang magagamit na pangkamot…

    o magpajama at magmedyas pag matutulog… problema lang pag sobrang init

  2. BAka naman somnambulist (yun ang tawag dun, diba?) si gentle reader, naglalakad habang natutulog at nakaapak ng pakong me kalawang. Mahirap yun, baka sya matetano.

  3. baka naman si gentle reader e binarubal ng esmi sa paa para di makaalis o kaya napanaginipan nya na magkakapera sya ng marami (ay sa kamay ba yon o sa pwet?)anyway, kung walang ngumatngat, palagay ko tibak na na impeksyon, o kalyo na nagasgas…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *