If evolution really works, how come mothers only have two hands?

Grow old along with me, The best is yet to be dear mommy,

happy 81st birthday. sorry kung hindi ka namin makakasama ngayon. kung pwede lang sanang mag jeep papunta diyan sa novaliches from singapore, eh di mamaya sanang pagkatapos ng trabaho, diretso kami ni jet diyan sa bahay ninyo. kaya lang, mayrong south china sea na naghihiwalay sa atin. sayang. di bale, uuwi naman kami ngayong june at pag dating namin, punta na lang tayo sa tagaytay para makapag enjoy naman kayo kahit papaano. o baka gusto mo namang magpa liposuction sa clinic ni vicky bello? sagot kita! you deserve to have a break. kayo kasi, masyadong mapagmahal sa mga anak ninyo at apo. ayan tingnan ninyo tuloy, hanggang ngayon nag-aalaga ka pa rin sa kanila. dapat nagpupunta ka na lang araw araw sa parlor ni bien sa talipapa para magpakulot o kaya magpamanicure o facial. pero hindi, ikaw pa rin nagluluto ng pagkain nila. ikaw pa rin ang peacemaker. ikaw pa rin ang umaalalay. kung sabagay, alam ko naman na isa ito sa mga nagpapalakas sa iyo. pinaka exercise mo na siguro ang pagsilbi sa mga mahal mo sa buhay. i know everybody loves you for all the big and little things that you do. eh sa akin lang, ang laking bagay ang ginawa mong pag alaga sa akin. especially nung umalis na ang daddy sa bahay. ikaw umasikaso sa pagpapa aral sa akin. ni hindi ko alam kung kanino ka nanghingi ng pera para lang matapos ako. looking back, it must have been hard for you during those days. i know i was having fun and living a normal life when you were probably so busy thinking about how we’d move from one day to the next. ngayon ko lang ito na appreciate ng husto. alam ko hindi ko ito magagantihan but i just try my best by being a good son.

so how does it feel to be 81? alam ko gusto mo pang mabuhay ng matagal. sana nga you live as long as you want to na punong puno ng katatawanan at kaligayahan. actually, hindi ka naman mukhang 81. sabi nga ng mga kaibigan ko, parang 55 ka lang. hehehe… naalala ko tuloy, inis na inis ka pag tinatawag kang lola o kaya inang. kaya yan tuloy – mommy ang tawag sa iyo ng lahat ng tao. happy birthday ulit mommy. maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin.

with so much love, ang iyong bunsoy na kwarenta anyos na ngayon taon.
jay

45 thoughts on “If evolution really works, how come mothers only have two hands?

  1. And a good son you continue to be mylab. My favorite metaphor for you still holds true… that not only did you grow and bear fruit, but a whole forest sprung up where you stood. For that, you remain her fortress.

    Happy birthday Mommy! 🙂

  2. now I just have to pray for a son like you who will greet me like you just did on my 81st birthday 🙂

    you are a wonderful son, friend and person Jay

  3. hi batjay, happy birthday to your Mom! You are right, di sya mukhang 81! My in-laws look so much older than her pero ganun naman di ba? mas maaga mag-age ang mga puti? hehe

  4. hi christine. thank you sa bati. oo nga, mas matagal mag age ang mga asians. i guess dahil na rin sa skin. mas sun friendly ang kutis natin. genes din – mga baby face kasi ang lahi namin eh. tingnan mo ako, baby hippopotamus.

  5. Your post title came from Milton Berle and it says a lot on the real role mothers play in the lives of their children. Tama ka. Dapat octupus na ang mga mothers. Pero di ba nakakatakot naman yun? Seriously, I’d like to add another quote from a great poet and author:

    “The real religion of the world comes from women much more than from men — from mothers most of all, who carry the key of our souls in their bosoms.”

  6. Perskasin Batjay, Maligayang kaarawan kay Mommy! Ang beauty niya ay wala paring kupas. All the best po sa inyo…god bless!!! Kainan na!!!

  7. mga perskasin don lorenzo and imo!

    maraming salamat. makakarating ang mga bati ninyo. siguradong matutuwa ang mommy pag namalaman niyang nag greet ang mga mahal niyang mga pamangkin from the states. maganda talaga ang mommy hanggang ngayon. alam mo naman sa angkan ng mga sereno, pag pangit, hinahagis na agad sa ilog pag baby pa lang. kainan tayo pag punta namin ni jet diyan sa inyo!

  8. ayos doc, ang galing mo talaga. para ngang octopus, pero more like that indian god – ano ba yon: Siva, and Ganesh who had multiple hands. ang galing din ng mother quote mo. eto pang isa:

    “All women become like their mothers. That is their tragedy. No man does. That’s his. ”
    ~Oscar Wild

  9. wow so touching! sana pagdating ng araw my son Raine will think that i am worthy enough of a tribute close to this.
    yan talga yata ang tanging pride ng mga nanay…when they’ve proved to world that they’ve raised great men and women of their sons and daughters. mabuhay ka manong batjay!
    at ang iyong mommy of course.

  10. ate glo!!!

    maraming pinag daanan ang mommy ko para lang magkaroon ako ng regular na childhood. nag split kasi sila ng daddy ko when i was 13 and all along, my mom was the one who found the money for our food and my studies. she’s a tough lady, and at 81, she’s still at it, making sure that the family is ok.

    i’m sure your son will turn out ok.

  11. 41 na si Mommy mo when you were born. I guess you know what they say about babies born after 40…

    they border between genius and insanity…

    what im sure- youre so sweetik to your mom!

  12. Happy Birthday to your mommy!! No kidding, she’s 81? She really does look young. I would have guess 50s too, no more than 65.

    If she raised a sweet son like you, she must be really great.

  13. Unkyel Batjay,

    Maswerte ang mommy mo for having a son like you.
    Hindi nakakalimot kahit nasaan ka.

    Makikiss na rin ako sa mother mo sa b-day niya.

    Remember kaya tayo nagkalapit as friends dahil sa post mo rin tungkol sa mother mo when she visited you diyan sa Singapore.

  14. Happy Birthday Mommy! She’s still as beautiful as her sepia pictures here at home. Still statuesque too! Hope your inaanaks get her (and her brother, their Lolo Tatay’s) height!

  15. PRADAMAMA PERSKASIN RENEE!

    kamusta na diyan sa modesto?

    i’ll tell mom about your greetings. she’ll be pleased. pag binabanggit ko nga ang pangalan mo sa kanya, she always smiles. marami siyang happy memories with you and don lorenzo in manila. oo nga, sana makuha ni reanna ang tangkad ng sereno. dami niyang papaiyakin when she grows up. babaha ng luha if she grows up tall.

    ingat!

  16. Batjay, happy birthday to “mommy” (o ha, naki-mommy na din hahahaha). Wow, she had you when she was 40 (magaling ba ako sa math or what?). She does sound like an amazing woman, kaya may anak siyang amazing bat.

  17. hi yasmin! thank you – makakarating ang bati mo. yes, my mom had me when she was 42. almost unheard of in 1965. buti na lang pinanganak ako ng normal. well, let me rephrase that – buti na lang pinanganak ako. hehehe. she is an amazing lady and had gone through so much. i love her world war 2 stories. i should blog about that one of these days.

  18. hi mona.

    kinukulit ko nga mommy ko every sunday. i call her up in the morning. part of my routine is to call her up before she cooks lunch. if i fail to call my sister sends me a text message saying “dear jay, mom is worried. why didn’t you call”.

  19. oo nga ate Ca T. parati pa rin akong tumatawag sa mommy ko every sunday morning. yon lang ang bonding time namin. pero madalas ang dalaw ko everytime i come home. pinagluluto pa rin niya ako hanggang ngayon ng paborito kong menudo, lumiang shanghai at tokwa’t baboy.

  20. correction ka junnie. 42 na ang mommy ko when she had me. kaya yan tuloy – totally insane ako. na inggit kasi ang mga parents ko sa ate ko na buntis nung 1965. kaya yon humabol sila kaya dumating ako sa mundo.

    BWAHAHA!

  21. naiyak ako dito!

    belated hapi bday mather, parang mahal ko na tuloy kayo! 😉

    jay, sensya busy-busyhan lola mo… i will really give you a call one of these days … at please tell mama jet na proud at happy ako sa another addition sa collection of laurels nya! congrats talaga!

  22. JENNYPENG!

    mababa pala luha mo. maraming salamat sa bati, makakarating sa mommy ko. ano bang pinagkaka abalahan mo’t di ka mahagilap? sana mapapagkwartahan mo ng husto. hehe. kailangan ngayon june mo gawin ang give us a call kasi medyo touch and go na ang situation sa july. kasi baka now you see us, then now you don’t.

    ingat at musta na lang kay amor!!!

  23. she looks young…galing naman ng dedication ng writing na ito.. happy birthday po sa greece they say
    NA EKATOSTISEIS YOU MAY LIVE TILL THE HUNDREDTH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *