isa sa mga paborito kong pinoy na salita ang…
bukang liwayway – sunrise. ano ba ang literal meaning ng salitang ito? “break of dawn”, siguro. bukang liwayway, bukang liwayway, bukang liwayway. banggitin mo ng banggitin at matutuwa ka dahil punong puno ito ng pangako at kahulugan. pero pag naririnig ko ang salitang ito, naalala ko si elias na namatay na di man lang nasinagan ang bukang liwayway. medyo corny nga for a dying man to say, but what the heck. here are his last words…
“I die without seeing the dawn brighten over my native land! You, who have it to see, welcome it–and forget not those who have fallen during the night!”
actually, mas maganda itong pakinggan sa tagalog. teka nga at ma-translate…
“mamamatay akong di man lang nasilayan ng aking bayan ang bukang liwayway! kayong mga nakakita ng liwanag: salubungin ninyo ito ng masaganang palakpakan — at huwag ninyong kalimutang tulungan ang mga tangang nadapa nung kinagabihan dahil wala silang dalang mga flashlight!”
minsan din, ang maaalala ko sa salitang “bukang liwayway” ay ang pinoy magazine na “liwayway“. sikat ito nung araw at parating binibili ng mga auntie ko. dito mababasa ang mga kwento ng isa sa mga paborito kong cartoon characters – si kenkoy. 1922 pala nung magsimula itong ma publish. nakakalungkot nga na marami nang nagsara na mga publication companies. tinalikuran na kasi natin ang mga komiks at magazine na gawang pinoy nung sumikat ang tv at internet. sayang.
hmm pwede palang gawing mantra ang salitang bukang-liwayway, no?
Si Elias pala nagsabi non? Akala ko si Simoun sa kamay nung pari. Oh, whatever, basta, si Rizal ang may akda nyan hehe
si elias ang nagsabi ng “without seeing the dawn” farewell speech, bossing.
ang audience niya, kung hindi ako nagkakamali ay si basilio. ito yung scene after tinulungan ni elias na makatakas si crisostomo ibarra.
Sa dinami-dami ng tinuring mo dito sa blog mo mylab, ang naging striking saken e yung pagkakabanggit mo kay Kenkoy. Naalala ko kasi, si Kenkoy, di ba yung misis niya yung matangkad na seksi at maganda? Parang prototype nila Roger Rabbit at ng asawa niya… hehehe.
O di ba, orig tayo this time. 🙂
ah, oo nga mylab. naalala ko na. naalala ko rin yung pinakapaborito ko sa kanilang lahat – si engot. yung tulo laway na sinto sinto.
parang ako.
Sa liwayway ang paborito kong series yung babaeng tubig(?). Ewan kung naaalala mo pa yun or ng kahit sinong readers mo, basta galing ng concept. Pag submerged sya sa tubig may human form sya, out of water, e transparent water form sya.
babaing tubig? galing – kamaganak ba niya ang isa ko pang paboritong komiks character, si astrobal (ang lalaking pating).
si agua bentita yun =), naku meron din kmi nyan sa bahay noon at mga wakasan komiks
“agua bentita”… di ba ito ang ginagamit na panglinis sa sugat?
…agua oxenada naman ata yung panlinis ng sugat e…
ang naaalala ko sa kengkoy eh yung shiny nyang buhok…
ah, oo nga. agua oxenada – hyrdogen peroxide (H2O2). magandang gamitin na pang blonde ng buhok.
kundi ko pa nabasa dito hindi ko pa maaalalang hindi pala si simoun ang nagsabi non. kailangan na ata talagang ibrush up ang aking fil.literature,kabilang pa naman sa mga paborito kong nobela ang noli at el fili.
agua bentita? muntik ko nang mapagkamaliang “agua bendita” yung sinasaboy ng mga pari pag may aswang o kaya sinasapian. gusto ko dun sa kenkoy komiks e yung batang pipi na masiba at si talakitok. those were the good old days where filipino comics were one of the best pastime.
si simoun? i don’t think he’s capable of saying this. by the time he showed up in the “el fili” novel, he was already a bitter, disillusioned and broken madman.
laro sa baga ang peborit ko sa liwayway heheh
laro sa baga – di ba ginawang pelikula ito?
yup, ginawa nga pong pelikula yung Laro sa Baga. Titilating Film.
sabi na nga ba eh. pareho ba yung nobela sa komiks doon sa pelikula?
hmmm.. novel ni Edgardo Reyes na ginawang film naman ni Chito Roño.. Siguro mejo malapit naman yung story nila sa isa’t isa.
ah so iba pala – sa title lang nagkapareho.
penge ng kopya ng talambuhay ni edgardo m. reyes…
project kasi e,,,
ooops liwayway sali ko dyan,yan ang paoborito namin nuon sa saudi.bukod duon sa laro sa baga meron din yung halik sa apoy (same writer) doun ko lang na appreciate yung liwayway kundi pa nag saudi.gusto ko rin yung gorio and tekla lalo na pagnaglalambing si tekla kay gorio ang tawag nya “gors”.pinoy na pinoy.
ang lupit ng translation. natawa talaga ako mag-isa. idol tlaga kita!
pereho pele teyE peberit ke rin se kenkoy e.he!he!