I was their American Dream ni Malaka Gharib

Katatapos ko lang basahin ang kwento ng buhay ni Malaka Gharib, pinamagatang “I was their American Dream” – isa sa mga pinakamagandang libro na nabasa ko lately, Mang Boy.

Lumaki si Malaka sa Cerritos, pugad ng mga Kapinoyan sa SoCal – siyudad na malapit sa aming puso, dahil ito’y parati naming pinupuntahan upang kumain sa Salo-Salo Grill. Natutuwa ako na isinulat niya ang kwento ng buhay niya bilang anak ng mga imigranteng Pinoy at Egyptian ng may lambing, pag-ibig at buong katapatan.

Napasaya rin ako na may kahalong pagmamalaki – ang kanyang kwento at ang mga kwento ng kanyang imigranteng pamilya ay kwento ko rin. Sa wakas nakabasa rin ako ng libro tungkol sa buhay ng isang tao sa Amerika, kung saan naintindihan, hindi lamang ng utak ko, ngunit ng kailaliman din ng aking puso.

Maraming salamat, Malaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.