I SHIT YOU NOT, JAPAN: THE PLACE TO BE PAG MAY LBM

the flowers of spring. sana may spring din sa pilipinas para pwede akong mag alaga ng ganito kagandang mga bulaklak. kinuha ko ito kahapon sa labas ng conference venue namin sa seoul. sana may spring din sa pilipinas para pwede akong mag alaga ng ganito kagandang mga bulaklak. iaalay kong lahat sa iyo, mylabopmayn. narito na ako sa tokyo. nagpapahinga after the byahe and the meetings. nalasing ako kagabi dahil ang lekat na mga kasama ko eh nagbidahan sa pag-inom. hindi ko alam kung paano ako nakauwi. one moment, i was outside the restaurant waiting for a taxi, the next moment, i was waking up in my hotel room. pag tingin ko sa kwarto, naka handa na ang aking damit at naka pack nang lahat ang maleta ko. nagawa kong lahat yon on autopilot. never again, gardenget.

after all the drinking and the eating in korea, i’m having a belated case of loose bowel movement. kung magtatae ka, do it in japan. upo ka lang sa automated trono at siya nang bahalang mag hugas ng pwet mo. habang naka upo nga sa toilet seat ay napag isip-isip ko: international na talaga ang beauty ko… lahat ng kinain ko sa korea ay itinae ko sa japan.

anyway, kakatawag lang ni jet kaya masaya ako. ang sarap ng pakiramdam when you’re traveling tapos you get a phone call and hear a familar voice. kahit papaano nababawasan ang lungkot. ingat ka mylab. ilang araw na lang. lab U!


LESSONS LEARNED FROM MY TRIP TO KOREA:

lesson #1: do not attempt to outdrink a korean.
lesson #2: do not be in the company of a person who is attempting to outdrink a korean.
lesson #3: do not drink soju with whiskey.

korea – land of the morning calm? it’s more like korea – land of the morning hangover. hehehe.

7 thoughts on “I SHIT YOU NOT, JAPAN: THE PLACE TO BE PAG MAY LBM

  1. Mylab, labs kita talaga. La lang… kasi kahit asa malayo ka, napapatawa mo ko… hehe πŸ™‚

    Goodluck sa conference bukas ha. Haaay, finally… last na yan. Ingat sa byahe pabalik.

    Labyu!

  2. hahaha! kaw talaga, kahit nagtatae, patawa ka pa rin. yung bespren ko na parating naman dito sa jersey after ng convention sa vermont, per tay nagtravel. sa japan ang stopover. aba ang burha sa sborang aliw sa inodoro sa japan, kinunan ng picture.
    did i tell u koreano ang mga batang tinututor ko? oo nga anlalakas uminom ng mga yan!
    naku, excited na excited na si jet sa pag-uwi mo!

  3. Musta na mylab? Kalmado na ba ang gut feeling mo? ahihihi… joke lang. Sana ok ka na. Hirap mag-stay sa conference na may ganyang pakiramdam. Buti na lang talaga hi-tech ang mga inidoro nila, at least namamaximize mo ang full potential. Labyu! πŸ™‚

  4. Ganda ng flowers, wa ko say sa LBM mo, ikaw hanggang Japan nagkakalat ka!

    Sarap talagang marining tawag ni Jet, e ang lambing niyan e, pinakamalabing na kaibigan ko…mabait pa, at matalino (like me)

  5. hahahah! salamat batjay at pinatawa mo ako. :p sana okay na ang tiyan mo, buti na lang sa japan ka inabutan, hihihi! happy trip home!

    oo nga pala, si chienovela ay younger sister ko. la lang :p

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *