I RUN FOR LIFE

alt= bukas ng umaga, pupunta ako sa newport beach para sumali sa Susan G. Komen Breast Cancer Foundation “Race for the Cure” – naglakas ako ng loob para tumakbo sa 5k timed race. sumali ako hindi para makakita ng maraming magaganda at sexy runners na labas ang pusod (although marami doon bukas). gusto ko lang kasing ibalik yung mga natanggap kong benefits sa aking almost 10 month long exercise program to take care of my diabetes. may group akong sinalihan at sama-sama kami bukas na tatakbo. baka gusto ninyong mag donate. lahat ng pera ay mapupunta sa paghanap ng cure sa breast cancer. kung titingnan ninyo yung aming team page, ako ang may pinaka maliit na donation kaya kakapalan ko na ang mukha ko rito para makiusap: sige na naman, mag donate na kayo para naman medyo lumaki ang amount sa pangalan ko. bilang incentive, lahat ng mag bigay ay papadalhan ko ng picture ko na nakahubo. promise!

NOTE: pwede pang mag donate kahit tapos na ang race, kaya huwag na kayong mahiya.

oo nga pala, ang appeal na ito ay para lang sa mga overseas. kung nasa pilipinas kayo at gusto ninyong mag donate, ibigay ninyo na lang kay pyro. maraming salamat.



PS – linggo na ng hapon dito sa california at tapos na ang 5K race. imbis na mangulangot, basahin nyo na lang ang kwento ko tungkol sa aftermath sa berks cafe. bagong topic kasi namin ngayon sa “rebels without because” ang tungkol sa mga pinoy sa diaspora at sa mga naiwan sa bayang magiliw. punta kayo roon and huwag ninyong kalimutan na mag comment.PS#2 – nakapost na ang results ng race. kung tiningnan ninyo ang resulta, i finished 659th place out of a total of 1630 coed runners. i had a time of 29:59 (average of 9:38 a mile). galing ano?

8 thoughts on “I RUN FOR LIFE

  1. Who would have thought? Oo nga, napakaraming possibilities dito. Malay ko bang darating ang araw na kailangan kong harapin ang manibela araw-araw, malay ko ba na magiging parte ulit ng weekend natin ang pumasok ng simbahan, malay ko ba na babalik ako sa pag-aalaga ng mga bata?

    Sana nakuhanan ko ng litrato yung pag-uwi mo kanina. Napakarami mong bitbit na kung ano-ano’ng supot, nagmamadaling pumasok ng pinto, abot tenga ang ngiti at excited magkwento. Para kang batang nanggaling sa peryahan.

    I hope I will always have the company of that little boy Pa. Whenever he comes out, I just know I can keep on going.

  2. CONGRATS, CONGRATS, CONGRATS, unkle b.! that is really a big accomplishment, and let me be one of the first to say i’m very proud of you! 🙂

    sayang at mejo late ko na nalaman na you were raising funds for this…promise next time i’m going to support your cause. in other words, mey next time, diba? hehe.

    so…did you bring home a week’s supply of bananas? 😉

  3. thank you petite.

    i know you know how i feel. you too just run your first race here in the US. ako, i run my first race – EVER. ibang klase pala ang feeling ng accomplishment pag cross ng finish line. i was so happy.

    actually, hindi pa late. if you want to donate. you can still go to the website and donate even if the race is over.

  4. fafajay! katuwa naman… this weekend sasali din ako sa breast cancer dragonboat race sa marina bay… proceeds ng registration eh mapupunta din sa breast cancer research… kaya pareho tayong magbabanat ng buto alang alang sa kapakanan ng ating mga mga suso!

  5. wow, ang galing mo naman. teka muna – bakit ang aga mong gumising? maaga ba yang gumising o hindi ka pa natutulog? sino ang mga kasama mo sa team?

    nakapost na ang results ng sinalihan kong 15th annual Susan G. Komen Orange County Race for the Cure kahapon. pang 659th place ako, out of a total of 1630 runners. hindi na masama para sa 40 year old lolo. hehehe

    sarap ng pakiramdam ng tumawid sa finish line. sana masarap ang experience mo, jennypeng. ako nag enjoy ako dahil marami akong nakitang suso. kulang kulang na 30,000 ang nag attend.first race ko ito kaya memorable sa akin.

  6. hinde pa ko natutulog nyan!
    sumali ako sa canadian dragonboat team dito sa singapore.. ang saya nga eh kasi hinde naman puro canadians, may ibang pinoy din — welcome ang lahat, tas libre pa drinks and snacks after each practice at lafang to the max after the competition! haha.. hilig talaga kumain eh no!

    WOW! congrats! that’s a very respectable showing.. at alam ko ang feeling ng pagtawid sa finish line! last year ang first marathon ko.. i did the 10k run, tapos this year i’ll do it again — last year eh pang 4,743rd place ako.. mga 10,000 yata sumali! i finished it in 1hr 28mins… tapos nakalagay sa certificate ko na 9th place among Canadians ako.. tuwa naman ako, yun pala 13 lang ang sumaling Canadian citizens! hahaha

  7. wow – team canada sa dragon boat race. ang galing naman. sayang, sana nariyan kami sa singapore para makasali rin ako. pero baka kung nandiyan pa kami eh mataba ako, tamad at ayaw mag exercise. laki rin ng nagagawa ng paglipat sa ibang lugar na medyo obsessed sa health.

    10K – mas hanga ako sa iyo. yan siguro ang next step ko. marami rito sa socal na mga races almost year round kaya na excite ako ng husto. dahan dahan ko ngang tinataas ang level ng pagtakbo ko.

    ingat at kamusta kay amorsky.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *