Oleanders growing outside her door

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.

28 thoughts on “Oleanders growing outside her door

  1. Magandang umaga po, Batjay. Ganyan din ang drama ko sa bahay. Kung hindi helmet, susi ang hinahanap ko. Mangiyak-ngiyak na ko sa kakahanap, hawak-hawak ko na pala. Nyemats na yan. Ngyaha. Salamat po sa bisita. Kelan naman kayo bibisita sa Angkor Wat? Dali na bago matunaw ang mga temples. Nagmamarunong kasi ang mga nag-re-restore, mga “experts” kuno.

  2. hi ZJ. thanks for dropping by. daming beses nang nangyari yan sa kin. sa mga susi, cellphone, wallet at kung ano ano pa. pinaka nakakatawa ay ang nangyari sa kumpare ko nung umuwi kami one time na nakainom – nakalimutan daw niya ang eyeglasses niya..

    KUMPARE #1: pare balika tayo, nakalimutan ko ang salamin ko doon sa lamesa ng pinag inuman natin.
    KUMPARE #2: naku. sige bubwelta ako.

    kumpare #2 then stops and makes a u-turn back sa pinanggalingan namin. after 5 minutes…

    KUMPARE #1: ay sige pare uwi na tayo. suot ko pala.

    sana naman ay hindi pa matunaw ang angkor. yan ang isa sa mga must see places ko sa south east asia. gusto ko rin yung pinsan niya sa indonesia na mas maliit ang scale – ang burubudur.

  3. hehehe! Sa palagay ko po ay d na kelangan ni ms.jet ang helmet. Sa tagal ko pong nagbabasa ng blog nyo, nakasisiguro ako na isang kang ulirang asawa! naks! hehehe! Mabuhay ka batjay!

  4. Dati uso pa ang pager, naiwan ko pager ko… tawag agad nanay ko sa 150-620496 (pager number ko) tapos message nya… “anak naiwan mo ang pager mo ‘andito sa akin”

  5. batjay pareho pala tayo(ulyanin) kasi sabi nang misis ko,buti na lang at nakakabit sa katawan ko ang patutoy ko kundi tagal nang nawala. he he he he

  6. hinakupow!susmarya – sobra katawa naman itong website mo Batjay! Niisa-isa ko kse mga blog ng nasa Blogkadahan and now its your turn. Mapapadalas ako dine.

    Good luck sa pag-bike…wag ka sanan makasagasa ng aso…hehehe

  7. hello trotskybee. saan ko ba narining ang pangalang “trotsky”? beri beri pamilyar. kilala ko yung russian na kaibigan ni stalin. sobrang kaibigan eh ayun pinapatay tuloy siya.

    maraming salamat sa dalaw. iniisa isa mo pala ang blogkadahan. bisitahin mong lahat ang mga iyan – mga tunay na tao. great writers too.

    mahirap kung makasagasa ako ng aso, pero mas mahirap kung yung aso makasagasa ako. somehow this sentence does not make sense.

  8. ako madalas, salamin sa mata. Suot ko na pala, hanap pa ko ng hanap. Minsan nga gigil na gigil na ko, biglang sasabihin nung anak ko, suot ko na daw.

    MAski hindi mo na helmetan si Jet, okay na yun. Ang lakas yata ng pagkakapalo mo e.

  9. ako naman eh mangilang beses nang umalis ng bahay na di pa nagtatanggal ng conditioner sa buhok. nakakalimutan ko sa sobrang pagmamadali. kaya yon, pag pinawisan na ako, bumubula ang ulo ko.

  10. Imposible ako’ng mauntog at magbago ang tingin ko sayo mylab. Pareho lang tayo e. Naalala mo ba nung nagsoot ako ng salamin at bigla ako’ng nahilo? Takot na takot ako nun, akala ko kung ano na nangyari saken. Yun pala, soot ko pa contact lense ko kaya nagdoble grado ng mata ko… hehe.

    Labyu! 🙂

  11. hi kuya batjay,
    kahit anong kulay as long as meron.pang protek na rin po sa init.ang init init po kasi d2 sa zamboanga.nakaka sunog ang itim ko pa naman.hehehe

  12. hehehe that was funny. I have done that too and lately due to my head getting banged (my excuse eh don’t argue with it) I have been using the line “Did I….” to get a confirmation on things I am not sure of.

    Looking for a key you already holding or sunglasses that you are already wearing ..sus it is the sign of old age but we have to refuse to believe that or else we will start feeling old and… well OLD!

  13. it happens to me more frequently now g. i don’t know. i guess my age is starting to show. sometimes it’s embarrasing – i can remember names of people who are in front of me.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *