I never met a piece of chocolate I didn’t like

mayroong malaking pile ng brownies sa pantry ng opisina ngayon. hindi nga ako mapakali kasi naririnig ko yung demonyo na bumubulong sa akin: “sige na, kainin mo na. wala namang nakatingin. wala namang makakaalam. hindi ito makaka apekto sa diabetes mo. sige na”. sikat kasi ang brownies sa opis namin. una, dahil libre ito at eat all you can. pangalawa, talagang masarap. impak, its one of the best i’ve tasted ever – hindi siya matamis pero malasang malasa ang tsokolate. pag kuha ko nga ng tubig kanina ay nakita ko agad yung brownies. bigla akong nanghina. nadedemonyo talaga ako. para tuloy gusto kong kumuha ng holy water at wisikan ang brownies habang sumisigaw ng: “THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU. THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU!”

28 thoughts on “I never met a piece of chocolate I didn’t like

  1. thank you…maraming salamat…thank you to the invisible force that makes you write…thank you to your wife jet who inspires you to write (oo napunta ako sa website nya dahil sabi mo noon magpunta sa website nya at sabihin sa kanya na sabi mo magpunta sa website nya)…homesick ako…very very homesick…pero pag binabasa ko ang mga articles mo (articles dahil they deserve a special place in a very lewd newspaper na ikaw ang editor…i mean that as a compliment) napapatawa ako…minsan nalulungkot…pero mostly i remember home…medyo bastos rin kase ang mga barkada ko. maraming salamat mr. batjay. for all the things that I hate about manila, I am reminded of all the wonderful things back home when I read your own brand of komiks.

  2. I can relate to what you went through with the brownies. Nangyari na rin sa kin yan. Ang sama tumingin ng mga brownies kaya ang ginawa ko, inupakan ko. Ang maipapayo ko na lang sa yo, pagpasensyahan mo na lang yang mga brownies.

  3. Don’t despair, may recipes for brownies using splenda ( artificial sweetener) and uses less flour. May diabetes din kasi ang in-laws ko and they usually prepare their desserts using recipes for diabetics. Masarap din. Mahirap kasi ang puro pagpipigil. If you have the chance this weekend baka pwede ka ipag-bake ni Jet.

  4. Ang problema, hindi ako nagbe-bake… hehehe. Mylab, pagtyagaan mo na lang muna yung sugarfree chocolate muffins na binibili natin sa Henry’s. Masarap din naman yun di ba? 😀

  5. jay!!! we thought about you guys this evening while having dinner sa may Pasir Ris park. sabi nga ni eder papakainin ka kahit ano when you come by for a visit nga eh. miss na miss ka na niyan…haha!!

  6. hi leah. naalala ko nga parati yung mga kain natin sa pasir ris park. habang tumatagal, lalo namin nami miss ang singapore at yung mga masasaya nating ginagawa diyan. sana nga makabisita para naman magkita kita tayo ulit. miss na namin kayo.

  7. hi robs.

    thanks for dropping by. buti ka pa, you’re going home. make the most of the trip. i know it’s not the most perfect place in the world but it is home. take lots of pictures, eat all the great food, meet all your friends and relatives and go to all the nice places so when you go back to the cold place where you live, you’ll still feel warm.

    ingat,

  8. ang sweet ‘nyo talagang mag-asawa. hayy…buti na lang may ‘kwenton tambay’, i feel good after being here. In a few minutes, andito na mga estudyante ko… sana di namman sila masyadong pasaway.

  9. Hi Kuya Batjay!

    Magawa nga yang pagwisik-wisik ng anti-brownies holy water… summer na dito at dapat magkasya na sa beytingsut.

    Cheers,
    Mona

  10. oo nga mona. march na pala. it’ll be really hot soon over there. here it’ll be spring and the weather will be better. pero kailangan na rin magpapayat dahil sa diabetes ko.

    good luck sa anti-brownies mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.