I hear the blood of my blood

dahil sa diabetes, tatlong beses sa isang araw akong nagsusukat ng blood sugar. madali na lang ito ngayon kasi mayroon nang mga glucose meters na digital at mura na ang mga ito. impak may mga model nga ngayon na less than $10. ang catch dito ay yung mga test strips dahil ito ang mahal. ang isang 50 piece nga na packet ay mga $20. simple lang kumuha ng blood sugar: tusukin mo ang daliri mo, kunin ang dugo at ilagay sa test strip na nakapasok sa glucose meter. after a few seconds lalabas na yung blood sugar mo.

may lanseta na ginagamit sa pagkuha ng dugo. sa umpisa ay masakit pero pag tagal ay masasanay ka na rin. buti nga hindi ko kailangan ng insulin kung hindi panibagong tusok na naman yon. naiinis lang ako doon sa lansetang ginagamit ko dahil minsan tinutusok ko ang sarili ko pero walang lumalabas na dugo. pinaglihi yata ako sa elepante kasi sobrang kapal ng palad ko. iniisip ko nga baka dahil sa panay ang mariang palad ko nung bata ako kaya kumapal nang husto ang kalyo ko sa kamay.

12 thoughts on “I hear the blood of my blood

  1. i myself is diabetic technique ko para me dugo palagi na lalabas pisilin mo yung daliri mo habang tinutusok mo nang lancet u wanna make sure that your fingertips is pointing downward and let the gravity work.Goodluck!

  2. I never imagined that your blood sugar condition was this serious. Talagang tutok pala ang monitoring. Ganyan talaga yan. Sanayan lang. Ako once a week lang kung mag-check. I use Roche’s Accu-Chek and Multiclix Lancet Device. Konting sakit lang at may dugo agad. Dito sa atin, P2thou ang isang 50-pack set ng strips. Napapatagal ko yan ng 1 year.

  3. bawas na sa kanin, no mayonaise, non of those sweet and sour sauces. and if at all possible, no sodas and sweet juices. if u have to, diet sodas na lang. sodas are usually the culprit.

    candidato rin ako ng diabetes a year ago, but not anymore. hallelujah!

  4. hi doc emer.

    oo medyo serious ako sa pag monitor ko. i do it 3 times a day and even have a blog for it – http://batjaychronicles.blogspot.com/

    serious din ako sa pag diet at iba na talaga ang food namin ngayon sa bahay. puro healthy na. no red meat. puro cereals, fish at veggies.

    serious din ako sa exercise ko and i work out 3 hours a day now for a month. so far, i’ve lost 20 pounds in 28 days.

    ayoko kasi mag gamot as much as possible and i want to get rid of this by diet and exercise.

  5. kaliwat kanan din ako mag tusok, pareng rene. impak – para akong nagpapatugtog ng piano. one finger at a time left hand to right hand. then left side of finger to right side of finger para hindi mabugbog ng sugat.

    ten fingers times two sides = 20 tusok per cycle.

  6. Sabi naman sayo mylab e, either i-close open mo yang palad mo or iwagwag mo yung kamay mo pababa para mag-drain sa mga daliri mo yung dugo. It will help, subukan mo.

    Labyu! 🙂

  7. diabetic din mama ko and i was with her when she was first diagnosed. from drawing blood to injecting insulin, nakita ko lahat sa kanya. hopefully, you won’t have to and by the looks of it naman, your determination and discipine will pull you through. PLUS may private nurse ka na, loving wife pa!

    sige, we won’t tease you na about the chili crabs, or the curry fish head, or the beef hor fun here in singapore. 😛

  8. SIRAULO!

    hehehehe… inggit na inggit nga kami sa inyo dahil hindi na namin natitikman yung mga pagkain na kinakain natin nung araw. may bisita nga kami ngayon sa opis na mga taga singapore, panay ang kwento sa akin tungkol sa pagkain – gusto ko ngang sapakin eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *