I had the blues because I had no shoes

bumili ako ng sapatos nung linggo. mabuti nga’t narito kami sa amerika. dito lang kasi ako nakakakita ng disenteng sapatos para sa paa ko (oo virginia, dalep-endarayt). size 12 kasi ang paa ko. you know what they say about people with big feet, don’t you? they have big cocks shoes. nagsimula ang problema ko sa shoe size nung pagtapak ko (pun intended) ng 1st year high school. around this time, bigla na lang humaba ang paa ko (oo virginia, parang jinakol dahil biglang laki) at nahirapan na akong bumili ng sapatos sa pilipinas. karamihan kasi ng mga stock sa mga tindahan ay hanggang size 9 lang. swerte na kapag nakakita ka ng size 10. ang ginagawa ko nga bago pumasok sa mga shoe store ay magtanong muna kung ano ang pinakamalaking size na available. nakaka disappoint kasi kapag may kursunada kang sapatos tapos biglang sasabihin sa iyo ng tindera na hanggang size 9 lang sila. ang ginagawa ko nga during those days ay bumisita sa marikina shoe expo sa cubao before the start of classes. nung araw kasi, dito ka makakakita ng mga murang sapatos na may malaking mga size. malapit lang ang shoe expo sa COD. naalala nyo pa ba yung COD? ito yung department store sa cubao na nagpapalabas ng malaking puppet at animatronic show sa balcony nila pag pasko. dinadayo ito ng mga taga maynila during the 1970’s and i remember watching it as a child with my dad. buhay pa kaya ang COD at ang marikina shoe expo? i hope it’s still there.

TO BE CONTINUED TOMORROW

34 thoughts on “I had the blues because I had no shoes

  1. Nakakalungkot man isipin bosing pero wala na yata pareho yung sinasabi mo. Wala nang palabas ang COD twing pasko at wala na rin yung Marikina shoe expo sa gilid nito.

  2. Sir wala naman yan sa size ng shoes at haba ng ano mo….pagwapuhan lang yan!

    Ala eh…halatang “lolo” na si sir! Nagbabagong bihis ang Cubao…with the new Gateway Mall connected to two MRT stations…yung dating Fiesta Carnival Shopwise na po ngayon, sa outdoor na yung mga rides…

  3. asus, RIP na pala ang COD. baka kaya na DOA ng BIR, SOB na yan, oo.

    teka lang, di ba may-ari ng COD e yung family ng swimmer na si ral rosario? lumalangoy pa kaya sya? tsaka yung puppetry show daw, sa malacanang na lang pinalalabas, whole-year round pa, say!

  4. I remember the same thing on Ever Gotesco every Christmas. Sad lang since nagkaron na ng Ever Grand Central e they stopped doing the Christmas display like COD.

    shoe size and big C**ks, does it really apply sa mga pinoy? hehehe

  5. swerte mo batjay, mas madalas i sale yung mga shoes na size 9 pataas. hanggang 70% off pa. pero mas mahal naman yung condom na malaki size, hehehe.

  6. pareho tayo ng problema fafajay. ako din hirap bumili ng shoes kasi malaki din ang paa ko. buti na lang may mga shops na nagcacater sa mga big feet like me. unlike before, parusa talaga.

  7. andun pa yata ang marikina shoe expo and (on a side note) pati na rin yung bellini’s italian bistro na parang na-OP pero pagkasarap sarap.

    at ang animatronic show naman ay yung nasa may greenhills na yata ngayon, tuwing pasko din sya nabubuhay.

  8. opo sir bukas at malakas pa ang marikina shoe expo. pero ang COD ay sarado na daw sbi ng isa asawako. CDO na lang bukas (bilihan ng karne at karne products)Ang dinadayo sa cubao ay yung andun sa kabilang side ng MRT 2. andun ang Kulasisi, Takusa at Bartolina. Para din silang mga animatronix pag sumayaw! hanep!!! yun lang po.

  9. yung COD naging supermarket na eh. tila lahat ng bata pa naman na nakatira malapit sa cubao ay minsan sa buhay nila nakapanood ng puppet show dun pag christmas

  10. oo nga roselle. lahat ata ng taga quezon city ay nakanood ng puppet show sa balcony ng COD every christmas season during its heyday. naalala ko pa nga, ang hirap itong panoorin dahil maliit pa ako during the time at ang kapal ng mga tao na nanonood..

  11. nung bata ako (ESTE tayo pala), kung hindi COD, sa Rustan’s makati rin makakakita ng puppet show at may Santa Claus na nakasakay sa helicopter…ewan ko ba, pero nung araw, tuwang tuwa na tayong makakita nang ganoon…di tulad ngayon, kelangan PS at I-POD ang kalaruan para sumaya ang mga bata

  12. dennis, maraming salamat sa feedback. so buhay pa pala ang shoe expo. that’s great. naalala ko pa nung araw, doon lang talaga ako nakakakita ng sapatos ko. at talagang namimili ako kasi once a year lang ako nakakabili ng shoes at ito na ang suot ko for the whole school year. pag pangit ang napili ko, isang taong pangit ang sapatos ko.

  13. HAYDEE! mayroon nga ata rin sa ever gotesco ano? i should know dahil batang grace park ako. i think there was pero not as good as what COD had.

    yang ever gotesco na yan, dami naming beer na nainom diyan nung high school kami.

  14. you should see araneta center cubao today. very different from the old araneta, ang linis at maganda… now known as araneta GATEWAY. there are cafes, bars and restaurants surrounding the big dome…and it is very accessible dahil andon na din ang mrt ng aurora blvd…wala ng 3m pero may starbucks, gloria maris, etc….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *