I got a cold mind to go tripping ‘cross that thin line

dear unkyel batjay,

ano po ba ang magandang gawin para po hindi malamigan pag malamig ang panahon?

nagmamahal,
gentle reader


dear gentle reader,

ah simple lang yan. eto ang mga basic necessities pag malamig ang panahon at giniginaw ka:

una, magsuot ng tamang damit. para sa akin ang pinaka effective na defense sa lamig ay ang leather jacket. ok ito lalo na pag malamig at may hangin kasi talagang mabisa ito sa ginaw dahil it keeps the cold out and the body heat in. ito na rin ang dahilan kung bakit napipikon ako pag may nakikita akong naka leather jacket sa pilipinas. wala naman kasing point except na pumorma. hindi safe gamitin ang leather jacket sa pilipinas dahil una, baka magka heat stroke ka. ikalawa, baka may mayabangan sa iyo at magulpi ka ng wala sa oras.

ikalawa, protektahan ang mga parte ng katawan na lamigin. ano-ano ba ito: tenga, paa, leeg, bunbunan at oo virginia – betlog. ay teka muna, mas maganda nga pala sa betlog pag malamig kasi namamatay daw yung mga semilya pag pinagpapawisan.

ikatlo, panatiliin ang ugaling pinoy at maligo araw-araw kahit may snow storm. karamihan naman ng mga kilala kong pilipino ay naliligo kahit urong na ang titi sa lamig. with a few exceptions. mayroon akong kilala na matakpan lang ang araw kahit sandali ay hindi na naliligo. ang pangalan niya ay tata 45. kaya may “45” ang pangalan niya ay dahil mas malakas pa sa 45 caliber na baril ang putok niya.

o ayan, sundan mo lang ang mga payo ko at siguradong hindi ka na makakaramdam ng lamig.

ingat,
unkyel batjay

12 thoughts on “I got a cold mind to go tripping ‘cross that thin line

  1. hehehe.. galing!
    ask ko lang dun sa ikatlo, sa ugaling pinoy na maligo araw-araw kahit may snow storm, kailangan ba sa labas pa rin ng bahay maligo tulad ng dito sa pinas?

  2. Me problema lang yata ng konti ang paggamit ng leather jacket dyan, bosing. Me mga ultra animal rightists na magagalit sayo. Like one time, ikinukwento nung kaibigan kong amerikana, sinira daw ng isang kasamahan sa trabaho yung leather jacket ng kasamahan nya kasi nagalit at nagsuot siya ng leather jacket.

    Speaking of paliligo, me tip ako jan. Napansin mo bang ang unang buhos lang naman ang talagang maginaw? So, ang gawin mo, pag gumagamit ka rin lang ng tabo, yung unang buhos, ilampas mo sa katawan mo. Then, yung tatama sayo, pangalawang buhos na. Hindi na gaanong malamig, di ba?

  3. dito kahit walong beses ka maligo sa isang araw kahit may blizzard sa labas okay lang, kasi heated naman tubig, pwera na lang kung naputulan ka ng gas o kuryente..on sekantot tagal ko na ring di nakapag buhos ng malamig na tubig para maligo like sa pilipinas..kasi naman ang cold water dito galing sa gripo e talagang cold lalo na pag winter..

  4. nasubukan ko ng tumira sa bundok na walang hot water. naliligo kami sa cold water spring na galing sa tuktok ng bundok. doon ko nakita yung ugaling pinoy na kahit nanginginig na sa lamig ay maliligo pa rin. it’s part of our culture. at least for most of the pinoys i know.

  5. dito sa parte namin ng california tito rolly eh wala naman akong nababalitaan na mga ultra right animal activist. sobra naman sila – pati ba naman leather jacket. dapat sa pilipinas sila dalhin para gulpihin nila yung mga nagsusuot ng mga leather jacket sa tropical country.

    naalala ko tuloy yung kwento tungkol sa pitaka na gawa sa titi ng crocodile. pang lalaki lang daw ito kasi pag nahawakan daw ng babae, nagiging maleta.

  6. na-experience ko rin ‘yung maligo sa batis/ilog, batalan at garahe. siempre, dahil bata pa ‘ko wala akong pakialam kahit kita ang aking “essence” kasi bata pa ‘ko nun. ngayon, running water na at bathtub na ang paliguan ko…malayo-layo na rin ang narating ko.

  7. wag naman sana akong hikain sa pollen season. btw pantanggal ginaw ko ay ang pagbubuhos ng isang tabong malamig na tubig bilang final rinse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *