“I do think the patriotic thing to do is to critique my country. How else do you make a country better but by pointing out its flaws?” – Bill Maher

kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.

para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.

ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.

23 thoughts on ““I do think the patriotic thing to do is to critique my country. How else do you make a country better but by pointing out its flaws?” – Bill Maher

  1. makikiraan pong muli.

    bossing sabi dun sa main 2 comments na?

    akin din di ko kabisado ang cp no ko,,, hirap ng di tinatawagan palagi ang sarili.

  2. tunay ng na may mga bagay-bagay ka na naaalala kahit matagal na ang nakalipas pero meron namang mga bagay na di mo maalala kahit na nung isang linggo lang nangyari.
    pero wag na wag kakaligtaan ang bertdey ng misis at ng wedding anniversary at tyak yon, outside da kulambo ang abot. may kasama pang pukpok sa ulo!

  3. madaling araw
    ay nagnanakaw
    ng manok sa kulungan

    nagising si mang teban
    sa umagang anong ganda

    may bagong silang
    may bago nang buhay
    bagong ganda
    bagong galaw
    sa bagong lipunan

    i must admit, as a propaganda song, “bagong lipunan” is a classic. levi celerio did a good job composing this song.

  4. hi transience.

    long time no hear. i hope all is well in one of my favorite blogger’s world. i found out about the new version from tito rolly. i didn’t even know there was one till he told me about it.

  5. sinubukan ko nga ring tawagan ang sarili ko baka kako may sasagot. wala, busy rin. ngyehehe. galing ni alvin ano? hindi lang marunong mag tagalog, kabisado pa niya ang Panatang Makabayan. yung original version nga lang.

  6. Na-homesick ako bigla. Naalala ko tuloy ang flag ceremony tuwing lunes. Ngayon,kahit araw-araw kong ni-rerecite ang Pledge of Allegiance mas marerecite ko ang “Panatang Makabayan” ng walang mali.

  7. may pag-asa pa tito batjay. kain ka ng mga good for memory foods rich in B12, etc.

    ako naman di ko na memorized ang panatang makabayan. hanggang umpisa lang ako. pero ang home number namin, never ko naman matandaan. hehehe.

  8. Ganun talaga mylab. Long-term memory is always more deeply ingrained than short-term memory. Kaya don’t worry, sa katagalan mame-memorize mo rin ang celfone no. mo… probably by the time you get another celfone no. hahahaha! kidding! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *