I couldn’t commit suicide if my life depended on it

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE USA. isang babae na nagpakamatay sa delaware kamakailan ay napagkamalang isang holloween decoration. ayon sa mga reports, ang babae ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigte sa isang puno malapit sa sidewalk kung saan maraming mga nagdadaan na mga tao. may ilang oras nakabitin nang 15 feet (above sea level?) ang katawan ng biktima bago ito na discover dahil ang akala nga ng karamihan, ito ay isang holloween decoration. bayan, ang moral lesson ng report na ito ay – “kung may balak kayong magpapakamatay, gawin ninyo ito sa valentines day”.

ang balitang ito ay inihatid sa inyo ng “birch tree holland power milk, ang gatas na may gata”.



Note:

KUNG GUSTO NINYONG MARINIG ANG BALITANG ITO, click lang sa batjay’s newscast. mas maganda kung gamit ninyo ang iTunes sa pakikinig at siyempre mas maganda kung may speaker ang mga computer ninyo.

12 thoughts on “I couldn’t commit suicide if my life depended on it

  1. Hay naku, ang mga eccentricities talaga ng mga tao. They often make for incidental humor although more often than not, hindi naman katawa tawa, gaya nito. Kelan ba naman naging katawa tawa ang suicide? It’s unfortunate pero yung circumstances kasi.

    Anyway, I’m glad you found a way to do recordings again. Hopefully you’ll be making your cover of songs I like to hear you sing again. It’s been a while and I do miss it.

    Labyu!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.