dear mommy,
kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.
pati yung opis nga namin nakisali rin sa celebrations. bukas ng alas dos ng hapon, yung isang building sa campus namin ay gagawing haunted house at open ito para sa mga empleyado at siyempre kasama ang buong pamilya. ang dami ring gulay ngayon na nakakalat sa buong paligid. in particular yung kalabasa na ginagawa nilang dekorasyon. ang galing dito sa amerika ano? ang daming mga gimmick. ultimo kalabasa, pinag kakwartahan ng mga tao. bakit nga ba associated ang kalabasa sa halloween? binabalak ko nga pong bumili ng sitaw at kakang gata mamaya para maigisa kasama ng kalabasa na kukunin ko sa balkonahe ng kapitbahay namin – masarap na itong kainin, pampalinaw pa ng mata.
may costume contest din sa opis namin bukas, at may premyo para sa pinakamaganda at pinaka original na costume. hulaan po ninyo kung ano ang isusuot ko bukas? tama – ilalabas ko ang aking darna costume ko. who knows (i don’t)? baka sakaling manalo ng premyo. i am sure mag-eenjoy kami ni jet ng husto. huwag po kayong mag-alala, pinalabhan ko na po ang bahag na isusuot ko as part of my darna costume. ingat na lang po sa pagpunta sa sementeryo – ikamusta niyo na lang ako sa daddy pag dumalaw kayo sa puntod niya.
ang inyong anak na nagmamahal,
jay
Bakit ganun? Alam ko namang comedy ang dating nito pero hindi ako natatawa. Nata-touch ako.
I read much, too much, in your words.
hehehe…happy holloween!!!!!
HAPPY HALLOWEEN! And yes, give out candy in case some kids come a-knocking. you don’t want to get egged!
hi miss buntis. will you be trick or treating tonight? you’re baby can start early. there’s a best costume contest today and a building within our campus was converted into a haunted house. that’s where all our holloween celebrations is going to be because i’ll be busy with work tonight.
happy halloween carol.
uy mylab. thank you for being sensitive enough to pick up these stuff. it’s hidden deep and probably only you can fathom it.
Great costume! lol Happy Halloween!
happy halloween barb. there’s this guy in the office dressed like a pimp – he’s in a neon yellow suit with matching yellow hat. he’s with the three ladies from shipping who are dressed as “charlie’s angels.
aba wala trick and treat dito sa greece… M who is swiss didnt grow up with such thing too, imagine when i told him yesterday I wanted to carve a pumpkin etc…akala nya nabaliw na ako… sabi ko nga baka nag withdrawal lang ko miss ko mga french!
kalo mina meaning happy month
aba wala trick and treat dito sa greece… M who is swiss didnt grow up with such thing too, imagine when i told him yesterday I wanted to carve a pumpkin etc…akala nya nabaliw na ako… sabi ko nga baka nag withdrawal lang ko miss ko mga french!
kalo mina meaning happy month
TRICK OR TREAT!!!!!!!!!!!
Pagkabasa ko nito, dahil inaddress mo kay Mommy Lita, ay tumawag kaagad ako sa kanya para basahin ang sinulat mo….at tawa ng tawa sa pinagsusulat mo….ako man ay natutuwa dahil iniimagine ko ikaw na naka-darna costume – ang sagwa!
hehehe. mukhang enjoy nga. bakit nakalabas ang isang utong ni wonder woman? :-/ hehehe.
malamig kasi.
hi lynne. maraming salamat – siguro natawa ng husto ang mommy ko ano? ngyehehe. sana mag internet na rin siya para nababasa niya first hand.
trick or trick na lang ninang! hehehehe.
hi sha.
so what do the greeks have that is similar to halloween? i am sure mayroon ding festival na masaya diyan. alam ko masayahin din ang mga greeks, di ba?