I AM HUNGER

gugutom na tuloy ako. hehehe… malapit na kasing lunch time. kahapon ulam ko – tokwa, tenga ng baboy at isaw. sinawsaw sa hot sauce at may side order na flat noodles na may sabaw. sarap! marami rin ditong lamang loob eh. mahilig mga chekwa sa ganitong pagkain. masarap din naman kaya lang iba ang sawsawan. di uso rito ang suka, toyo at sili. dito kasi sili, sili at sili. hehehe… toyo nila malapot maalat na matamis. pab bibili ka ng kikoman o kaya yung toyo natin – sa supermarket ka pa pupunta. may suka sila rito pero medyo matamis na maasim.

sabi ko nga sa mga taga rito – the vinegar from philippines is made from coconuts! (wow – bilib sila! hehehe). we have many kinds of vinegar – paombo, iloko and datu puti! sometimes we make it into wine, but that’s another story! (mas bilib sila!) and then we make funny faces when we sip the vinegar! sometimes we have contests on who can make the most crumpled face. we imitate the actor named pugak! (lalong bumilib!)

5 months nakong walang pinoy food. di pa kami nagluluto ni jet sa flat dahil mas mahal – kaya lang pag lipat namin sa august, magpapaluto na ako sa kanya. simple lang naman ang mga nami-miss ko: adobong baboy na ibubuhos ang mantika sa kanin. sinigang na baboy na may maanghang na patis. pritong baboy at monggo. naglalaway na ako… fishball sa macapagdal gate, lumpiang prito sa notredame canteen…. haaaaaaaaaaay! valencia-pinipig!

alala nyo pa si haaaaay-valencia-pinipig? good lunch sa inyong lahat.

One thought on “I AM HUNGER

  1. hello there! diko alam kung pano ako napunta dito pero naaliw lang ako dito sa archive na to. first, dahil galing akong olga and macabagdal eh very vivid ang memories ko dito. ansarap ng fishball dun! pati yung sawsawan! im sure di nagkakalayo ang batch natin – kasi yung later days ko dun wala na yung fishball-an. all my brothers sa notre graduate.
    at eto pa: yung nagtitinda ng valencia pinipig?? as in super naaalala ko! dumadaan din kasi yun sa bahay namin sa 10th avenue!

    🙂 yun lang.
    G

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *