THE MEANING OF HOME

huling gabi na ng christmas vacation…shitdapwetnamalagkit talaga, ang bilis ng araw. nakakainis. tangna talaga, sarap sana kung pwede pang isang linggo na extension pero wala na talaga – balik singapore na kami bukas.

three weeks din ang tinagal namin dito. three weeks, parang ang bilis pag nagbabakasyon. pero hindi na rin masama: ang daming nangyari itong mga nakaraang araw, maraming kaibigang nakitang muli at maraming napuntahang lugar.

masarap talaga dito sa pilipinas. kahit maraming problema ang bansa natin, di mo pa rin siya matatalikuran. iba talaga pag nasa sariling bayan. mas masaya, mas makahulugan.

pasko at bagong taon… sabi ng mga kapitbahay ko, di na raw kasing dami ang mga paputok ngayong taon at di na kasing tagal ang putukan. in short mas maganda ang celebrasyon ng mga nakaraang taon. para sa akin naman eh, wala akong paki kung mas kaunti ang mga paputok ngayong taon. ang mahalaga eh nandito ako sa pilipinas ng pasko at bagong taon. nung mga nakaraang taon medyo nawalan ng saysay ang pasko sa akin. ngayong taon ay iba – nadama ko talaga ang saysay ng “merry christmas” at “happy new year”.

malungkot man akong iiwan ang pilipinas, masaya na rin ako at nakauwi rin at nakapiling ang mga kaibigan at mahal sa buhay. pag balik ko sa singapore, dala ko ang ala-ala ng tatlong linggo ko rito. tatlong linggong punong puno ng kahulugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *