How to use the Hoover Dam to take a shower

HOOVER DAM kung engineer ka at nasa las vegas para mamasyal, hindi pwedeng hindi mo puntahan ang hoover dam. malapit lang ito sa las vegas strip – mga 30 to 40 minutes by car. exciting kasi dadaan ka sa scenic na desyerto ng nevada (mas maganda nga kung nagpunta ka rito sakay sa kabayong walang pangalan – tangina, ang corny ko). para sa akin, comparable ito sa pagpasok sa simbahan para magdasal. para sa isang engineer na interesado sa elegance ng design, it is a religious experience. constructed in just five years (two years ahead of schedule) during the depression, testament ito sa galing ng mga engineer nito sa pagplano at pag construct ng isang mega structure. although hindi na ito ang pinakamalaking dam sa buong mundo, it still is an imposing structure na admirable, hindi lang ng laki ng size kundi pati na sa ganda ng design nito.

ang alam ko, nakikinabang din kaming mga taga southern california sa hoover dam dahil yung tubig na panligo namin at yung mga ginagamit sa pandilig ng mga plantation dito ay galing sa colorado river kung saan located ang dam. nung naroon nga kami ni jet last week, nagpunta kami doon sa pinakataas na portion ng dam overlooking the water below – para ngang gusto kong tumalon. idol ko kasi si harrison ford at gusto kong gayahin yung ginawa niya doon sa “the fugitive“. natakot lang ako kasi malamig yung tubig, baka sipunin ako.

8 thoughts on “How to use the Hoover Dam to take a shower

  1. hahaha… uu nga. bigyan mo lang ng konsumisyon at sakit sa ulo si ma’am jet kung pagkatpos mong tumalon eh, tinrangkaso ka…

    happy, new year, happy three kings at advance happy valentine’s day na rin? batiin na rin kaya kita para sa birthday mo? buwahahahaha!!!

  2. Gusto ko Papa mga ganitong trip. There’s so much to see in this world, we ought to be making time for it, every chance we get.

    Hoover Dam is amazing. It’s one of the things that would really put pride in a race.

  3. I’ve seen the documentary of the making and maintaining(on TV) of the mega-structure Hoover Dam. It very impressive what engineering can do. Maybe someday, we’ll be able to go there too.

  4. Laking pasalamat namin ni Jerry at Junnie na sa awa ng Diyos nakita namin ang Hoover Dam nung kami’y nasa Las Vegas nung May’06. May bonus pa nga, kasi dinala din kami ng host namin sa Grand Canyon… Wala kaming nasabi kundi- AWESOME! 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *