HOUSTON, WE HAVE A PROBLEM

that's one small step for batjay, one giant leap for batkind nung bata ako, pangarap ko talagang maging astronaut. nagsimula ito nang isama ako ng daddy ko sa basa air base sa pampanga. ito ang tahanan ng “blue diamonds”, ang aerobatic team ng philippine air force. ang gusto ko talaga ay maging unang astronaut ng quezon city. pero obviously, di ito natuloy. ako’y tumanda at lahat ng mga panaginip ng pagkabata ay sumama na kay puff, the magic dragon. now, i am 38 years old and a member of a travelling circus. tomorrow, i will fly to manila for a show – i will figuratively eat bubog, climb walls and walk through fire. it’s not a bad life really. enjoy nga ako sa ginagawa ko. di man ako naging astronaut – nagkaroon naman ako ng magandang pamilya, magandang buhay at nariyan si jet na kasama kong tatanda. lahat ng mga iyan ay di ko pagpapalit sa outer space. isa pa, i could never pass the physical exam dahil ako’y color blind. maraming salamat nga pala kay polo for making this photo. you don’t know how happy you made me, o mandy – kahit halatang bike helmet lang ang suot ko.

23 thoughts on “HOUSTON, WE HAVE A PROBLEM

  1. ay naku… yan din ang ambition ko nung bata ako… to be as astronaut or an astronomer (hindi astrologist ha)… pero mahal ang astronomy (sa abroad lang)…

    uy, puff the magic dragon… love that guy!!! my kids love them, too… teresa even knows 3-4 lines of the song… cute…

    and agree ako sa iyo, basta’t kasama mo na ang tao o mga taong gustong makasama sa pagtanda mo, buo na ang pagkatao mo… yun ang mahalaga, diba? kaya tayo, swerte tayo…

    pork jerky ko nga pala… sana… sana… sana…

    swerte naman ako talaga… kaya laging swerte talaga… hint hint hint

  2. Ayan, nakaalis ka na. Sanlinggo na naman ako’ng alone dito. Haaay!

    Pero buti na lang sandali lang, tsaka alam ko enjoy ka rin dahil kita mo na naman ang family and friends at may mami-meet ka ring bagong friends.

    Alam ko mami-miss mo ang bike mo, xbox mo, oolong tea and me… hopefully not in that order… hehe.

    Just be safe ok? I miss you already. Labyu!

    Magkaliwanagan lang tayo ha… sa Pinas ang punta mo hane, hindi sa buwan.

  3. Dear Unkyel Batjay,

    Kung color blind ka, anong kulay ang nakikita mo sa traffic light?

    Tsaka saan ka kumukuha ng inspiration sa blog titles mo. Ang galing.

    Tengks.

  4. hi manay monay d’ american spy.

    karamihan ng mga title ay galing sa mga paborito kong kanta. ang iba ay galing sa aking maduming pagiisip.

    ang color blindness ko ay partial lamang. there are certain shades of red and green that i cannot distinguish. especially yung mga ilaw sa mga camera at mga cellphone chargers. those look like amber to me regardless whether they are red or green.

    buti na lang at partial lamang ang color blindness ko at nadi-distinguish ko pa rin ang red and green ng mga traffic lights. but all the same, mahirap din para sa akin dahil iba ang tingin ko sa mundo in some instances.

    salamat sa pagdalaw. balik ka ulit.

  5. hello mylab!

    dito na ako sa airport. diretso na ako sa lounge mamayang kaunti. nakabili na akong regalo sa mga kaibigan natin. sana magustuhan nila. tawag ako pagdating ng maynila. ingat ka diyan ha!

    lab U!

  6. ay, ngayon pa lang pala ang trip mo dito sa manila, di umabot sa kasal ko, kala ko pa naman ay kakantahan mo kami sa saliw ng bamboo organ. 😀 enjoy your trip, ser batjay. at salamat sa iyong best wishes. 😀

  7. papa jay.. ako din i wanted to be an astronaut when i was young!!!

    anyway, ang cute ng picture mo, syempre… but the cutest i saw today is a pic of my colleague’s daughter in a mermaid suit… so syempre talo ka nya :0

    (btw, am not ashamed to promote the recipe in my blog that my Jojo loved… and that I cooked for him… check it out naman!!! lolz)

  8. bosing – me hawig ke pala ke “mini-me”……dyok lang po at wag di-dibdiben…he he he…. Talking about Blue Diamonds yung erpat ng bayaw ko ay isa sa mga yun di ko alam ang pangalan nya pero alam ko apelyido..Buenaobra…retired na ata sya.

  9. i dont know you pero your blog is simply entertaining. parang gusto kitang i-meet at iyong wife pagdaan ko ng singapore at magpa-autograph HAHAHA 🙂

    im guessing your from NDGM … kasi you have a link to batch83 on your site 😀 ndgm din here… batch 97 nga lang.

    keep it up,
    Mark B.

  10. Hanep and dating mo Mr. Batjay!!!! nakatatangal ng mga problema mga picture mo…ahahahah…isa nga pala ako sa mga avid readers ng blog site na to…ang galing…10 points para sayo…

  11. ako rin, gusto kong maging astronaut nung bata pa ako! :o) kayalang, when i told my relatives, they laughed at me. ayan, imbis na buwan, sa business ako nag-landing, like most chinese out there :o)

  12. kailangan kong sabihin ito..dahil ..nag uumapaw na ang aking damdamin para sa iyo. kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras na kras kitang tlga to the max to the nth power! haay lordness! ma’am Jet (ang asawa nyo) napakswerte nyo namanb bubae kayo..alagaan nyo po itong makulet na lolo na ito at sana ay laging me upd8 ang blog niya pare po pang twinkle twinkle ng aking mga mata bago ako magtrabaho. maraming salamat po BAtjay sa mga makukulet na entries. 😀

  13. hi linnor. ok lang kaya lang ay medyo malungko kasi di ko kasama si jet. but looking at the bright side – i saw my friends and we jammed with an old beloved teacher whom i have not seen in 21 years.

    thank you for your welcome doc emer. i am glad to be back home, thank you very much. masaya rin ako dahil nagkausap tayo. hope to see you soon.

    hi zork. thanks for the lovely comment. hehe. natuwa rin ako siyempre sa comment mo – a great compliment if i ever got one. balik lang at kung walang update, basahin mo ang mga lumang mga entries – you have 3 years worth right here. ingat sa iyo!

    hi jill. pwede naman sigurong businesswoman astronaut. or astronaut na bussiness woman. ako talagang panaginip ko yan. kaya tuwang tuwa ako nang mabisita ko ang air and space museum sa smithsonian – and i got a real kick doon sa space museum sa houston. it felt like going to church.

    hi luk-nog. 10 points din para sa comment mo at para na rin sa kakaiba mong pangalan. maraming salamat sa pagbisita. sana matanggal kong lahat ang problema mo. kung hindi makatanggal ng problema, at least makapag dulot ito sa iyo ng masayang pagutot.

    hi mark. yup, i am from notre dame. incidentally, my batchmates met with mr. guerra last monday evening. we had a great time – you can read about it in today’s blog entry. thanks nga pala sa comment mo. i appreciate it when people from my old school drop by.

    hey vanjo. tutuo yan – kamukha ko si mini-me. naala ko tuloy yung dati kong tao – maximo ang pangalan niya. pag galit ako, minimo ang tawag ko sa kanya. wow – may kakilala ka palang blue diamond pilot. that’s cool! sayang nga, i think inactive sila ngayon – but you can visit their website. there is a link in my blog entry.

    DAY-oh! mide-day-oh! thank you very much for your comment. mas cute ako sa personal. hehehe. sana ay di ka masyadong silent ngayong nakapag comment ka na. hintayin ko susunod mong pagpaparamdam. ingat sa iyo kung nasaan ka man.

    hi mec. di bale next time, magsusuot ako ng mermaid suit para matalo ko ang daughter ng kaopisina mo. ngyahaha! hey, let me look at your recipe when i get back, para naman mailuto ko rin. ingat!

    hi dinah. kamusta nang bagong kasal? sayang nga. sana kumanta ako sa kasal mo. maiiyak ka sana sa tuwa. hehe. di bale kantahan ko na lang kayo kung kailan tayo magkita. matagal ko nang gustong kumanta na kasama ang bamboo organ.

    hi mari. sayang nga wala si jet. di bale, uuwi naman kami sa pasko. ingat sa iyo!

  14. sometimes we have ambitions in life that is hard to achieve just like your story.But you know nakakatawa talaga ang kwento mo.siguro it was really meant to be.Im happy for you kasi kahit di ka naging astronout at least marami ka namang napapasayang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *