bukod sa kumain, ang isa ko pang paboritong gawin pag nasa restaurant ay basahing maigi ang menu. mas masaya pag nag-ta-travel sa asia-pacific dahil almost every time, mayroong entry na magpapasaya sa iyo. take this menu from a restaurant in tokyo.
bukod sa kumain, ang isa ko pang paboritong gawin pag nasa restaurant ay basahing maigi ang menu. mas masaya pag nag-ta-travel sa asia-pacific dahil almost every time, mayroong entry na magpapasaya sa iyo. take this menu from a restaurant in tokyo.
hehehe… naalala ko tuloy yung old time favorite natin na nakita natin sa Pinas noon…
Isda best!
Hipon coming back!
Pusit to the limit!
hahaha!
oo nga mylab. yung nasa kamias na seafood restaurant yon. buhay pa kaya siya?
sa singapore din, ang daming masayang menu – parating naroon ang paborito kong “cutter fish”
Haha! Hindi na yata mawawala iyan kahit saan. Kahit dito sa Pilipinas meron niyan. May isang post ako na nakuha ko sa Quiapo, nakakatuwa ang karatula. “Install for Rent” daw sa halip na “Stall for Rent”. I think hindi lang sa Asia Pacific meron niyan, meron din karamihan sa european countries. 🙂 Ganda ng post!
“install for rent” – ayos. naalala ko tuloy yung classic na :
BAWAL UMEHE DETU
ANG MAHOLI, BOGBOG
OO nga! he he he!
Eto pala ang link kung gusto mong makita iyong mismong pic. 🙂
Ayy, nakalimutan ko ang link! he he he! Eto na talaga!
http://sapot-litrato.philsites.net/index.php?paged=20
hehehe. galing.
NAgkalat ang ganyan. Kahit siguro sa ibang mundo na hindi lang natin alam ang salita o paraan ng pagsulat.
Nakakatuwa nga.
fascinated ako sa effort na ginamit sa pag translate from local language to english. sa pagbasa mo ng menu, kita mo yung paghihirap ng local translator habang pinipilit niyang i-translate literally word for word yung japanese na pagkain into its english equivalent.
and i commend kung sino man hapon ang gumawa ng menu na ito. i could never ever translate an english menu into japanese.
dito sa sendai,miyage lagi ako dumadaan sa tapat ng “nevermind” store. hindi nalang pinapansin.
ey, batjay, los banos, laguna ba yung sinasabi mong binibilihan mo ng kesong puti?
… at yung Bali Gulp na katapat ng Valley Golf?…
Sir Batjay,
Gusto ko lang ipaalam saiyo na well ang blog mo ay nagsisilbing taga-aliw sa akin dito sa Nigeria, africa habang nilalabanan ang homesick, takot na makidnap, gulo at ano ano pang kaututan na nangyayari habang nagtratabaho ako. Breaking News pala, iyong Pinay na nakidnap kahapon ay patay na raw. Tumalon sya sa sa speed boat habang tinatakas or tinatakbo sya kahabaan ng creek/swamp ng mga kampon ni Satanas. Nakakainis, tangina, wala pang 40 yrs. old ata iyong pinay na iyon at 2 ang anak. She was married to Iranian who has a construction business here in Port Harcourt, Nigeria.
Masalimuot talaga ang buhay lalo na tulad nating OFW. So far 24 seamen at 1 instrumentation engineer (hindi rin sya siguro gumagawa ng gitara) ang hawak ng mga itim na rebelde. Ito ba ang tinatawag nilang occupational hazard bwisit.
Kung napanood mo ang interview sa mga 24 pinoy hostages sa CNN ngayon ay mangingiyak ngiyak ka dahil kita mo ang hirap sa kanilang mukha dahil napansin ko na mumuo ang luha sa gilid ng kanilang mata kahit anong pilit nilang wag umiyak. Syempre gusto mo ba namang makita ka sa buong mundo na umiiyak sa telebisyon. Mababawasan ang pogi points. Pero man this is a real drama… Pagtitiis ng OFW na hindi pinahahalagahan ng mga pulitiko sa atin.
Kung interested kang makita mga pictures ng mga pangyayari dito just email me and willing to sent them for your virtual conception of what is happening here.
Maraming salamat ulit sa mga kwento mo at kahit paano naiimbsan ang takot ko at nanunumbalik ang aking tamang pagiisip.
magandang umaga sa iyo
maraming salamat sa pagsulat. natutuwa ako pag kapwa ko OFW ang sumusulat sa akin. nabasa ko nga yung mga kidnapping sa news. medyo nakakainis nga. delikado pala talaga diyan sa nigeria. parati kong nababalitaan yung mga nagnanakaw diyan ng langis, yung mga kidnapper at yung mga nagpapadala ng mga bogus na racket sa email. ngayon nga lang, nasa CNN ang barilan na nangyari diyan. kung sino mang bwakanginang kidnapper ang kumuha sa mga kabayan natin, sana magkaroon sila ng galis na hindi gumaling.
alam kong kailangan ninyong magtrabaho kahit delikado diyan dahil mahirap ang pera sa bayang magiliw. kaya mag-ingat na lang kayo. sana ay pakawalan na rin yung mga na kidnap na pinoy.
ingat,
jay
PS – sige, padala mo na lang ang mga pictures dito.
OO nga mylab – Bali Gulp. parating nadaraanan pero hindi pa napupuntahan. maganda ang view dahil overlooking manila.
naku madami ding ganyan dito sa thailand! two i remember: flied lice in many menus in your humble turo-turo, cock (for coke) sa isang by-the-roadside na kainan sa tapat ng central world (at buong ningning na nagorder ng madaming cock ang kaibigan kong gender-bender)…
flied lice – BWAHAHAHAHA. reminds me of a friend in sinagapore who calls those funny australian marsupials… “kangaloos”.
and the scene in “lost in translation” where the japanese lady says to bill murray – “lip me”