Holding hands and skimming stones

dear unkyel batjay,

ano po ang pagkakaiba ng “alligator” at “crocodile”?

nagmamahal,
gentle reader


dear gentle reader,ang crocodile nasa senado, yung alligator nasa congress.

ingat,
unkyel batjay

P.S. baka interesado kang malaman: ang tawag sa mga taga palasyo ay semi-dragon. perfect example ay yung gwapo nating justice secretary.

28 thoughts on “Holding hands and skimming stones

  1. leeches sana kaya lang nakakahiya naman sa mga linta. pero hindi naman lahat ng mga general ay gago, yung may mga malalaki lang na bahay galing si di maipaliwanag na kayamanan.

  2. tama! parehong buwaya ang mga yan. Dapat ikulong sila sa crocodile farm and make a spectacle out of them. Pinapanood habang ginagawang tanga ng trainer.

  3. mayroong crocodile farm sa amin sa novaliches nung araw. one time bumagyo ay may nakawala atang mga ilan. hindi na nila nakita ulit. siguro nagpunta sa batasan. malapit lang naman ang fairview sa amin.

  4. kadalasan “jay” (na buti na lang ay walang “H”). minsan “david”. paminsan minsan “nick-knorr”.

    pag nasa pinoy grocery “hoy, pogi”.

    pag nasa bahay “fafa”, pag galit “hoy, psst”

  5. bravooooo!!!

    pero, I think, we’re doing the crocodiles and the alligators an injustice. masahol pa sa mga buwaya yung mga senador at kongresista natin!!!!

  6. sabi ng ilan, siguro mas mabuti pa ang tao na may utak at nakakapag-isip kesa hayop na may utak nga, pero di naman gaanong marunong mag-isip.

    depende siguro sa iniisip. yung mga buwaya, puro instinct lang sa paglamon at kagutuman. yung mga tao naman, may halong talino ang pagiging hayok sa pera at kapangyarihan.

    siguro, the more complex life becomes, the more complex the temptations are.

    as it is, the political and governing systems in our country suck! we can all be sarcastic, pero dahil makakapal na ang mga balat at budhi nila, palagay ko, wa epek yan sa kanila.

    they spend billions of pesos campaigning pero sa ibang parte ng bansa, kitang-kita ang paghihirap. saan kaya parte ng kunsensya nila kinukuha ang kapayapaan na umidlip ng mahimbing sa gabi?

    will there be SIGNIFICANT change as a result of the coming elections?

    palagay ko wala.

    is there a politician out there who will really put the people’s welfare ahead of his own agenda?

    yes! pero mabibilang mo sila sa daliri ng isa mong kamay.

    mananalo ba sila?

    HINDI.

    anong mangyayari sa atin?

    WALA. ganoon na naman. back to square one.

  7. ang alligator, pabilog ang snout. and croc, patulis. hehe, alam ko yan kasi taga florida ako. pero yung distinction mo, parang mas accurate. nung kabataan ko at napabisita sa irawan crocodile farm sa puerto princesa kung saan pinagsama-sama ang mga buwaya by peers (matatanda, bata, sugatan), tinawag kami ng isang ka-tropa at sabi, tol! punta kayo dito, nagse-session na sila, sabay turo sa isang kulumpong ng mga bwayang tipong nagkokomperensya kung kelan sila lalafang. ayun! ayun si monching!, sabi nung isang hunghang, sabay turo sa tipong pinuno ng mga buwaya. napansin ko na di nagustuhan ng gwardya ang mga pakorni namin, until i realized, nasa palawan nga pala kami, balwarte ng mga mitra. haynako. kaya nga ba di ako nagsusuot ng lacoste.

  8. galing ng comparison mo kabayan jay, kaya lang kawawa naman mga totoong buwaya naihahambing sila sa mga politiko natin. hehehe

  9. pag nalaman nila na na compare ko sila sa mga politiko, baka kagatin ako ng wala sa oras.

    hehehe. monching pala ang pangalan. magagalit nga yung gwardya sa inyo. taga florida ka nga pala bossing. naalala ko last year, nung nasa orlando kami – kumain ako ng breaded deep fried croc. masarap pala.

    may kaibigan akong tatakbo para congressman sa davao doc emer. alam kong matino siya. i really hope he wins.

  10. Point taken tlga to! Injustice tlga sa mga alligator and crocodiles. So what better species could they be compared too? May masahol pa ba?

  11. Hay, kung pwede lang silang tirisin, no? Numero Uno kong pet peeve with politicians is their predilection for using their sirens on the road. Yun bang walang katuturang pag wa wang wang, kelangan silang mauna maski trapik. So different from NZ, where according to a kiwi friend of mine, she can go right up to a representative and just chat them up and tell them her concerns, walang ere. Dito kasi sa atin may sense of entitlement ang mga politiko, and it vastly overshadows their sense of obligation to their constituents. Kaya ako I’m seriously considering not voting for any candidate who’s part of any political dynasty. Kaso mukhang walang matitira.

  12. Ang alam ko, pag may mga pangil na nakausli palabas at pataas, crocodile malamang ito. Ang mga pangil ng alligator kadalasan eh walang nakausli pataas, kung hindi pababa lahat.

    Pero mas tugma at pang-entry sa textbook ng biology ang kasagutan mo, batjay. Batukan nga si Sec. DJ Gonzalez!

    Dadami na naman din mga bwaya sa senado pagkatapos ng halalan. Inakup!

  13. walang ipin sa ibaba kung ganon.

    hi mrs. UL – i understand what you’re saying. ako rin matagal nang hindi bumuboto. the last election i voted was when FVR was elected. talo yung binoto ko.

  14. Sabi nga sa Animal Farm ni George Orwell, “All animals are equal, but some animals are more equal than others.” Kanina nga, nasa Quiapo ako papunta sa opisina, antrapik, eto na yung mga hagad, nanghahawi, nagwa wang-wang, tangina red plate yung kasunod na ewan ko kung sinong animal na pulitiko ang nakasakay na parang napakaimportante ng ginagawa para sa bayan, AYAW MATRAPIK!? Ang kakapal ng balat, sarap gawing Lapid’s chicharon!

  15. hehehe…. i laugh a lot even here…. a bought the book version unintentionaly…… i just drop in morayta nationalbookstore…. i kept promissing not to buy book since im in a tight budget…. but when i open, read and burst to laugh….y not buying this one…. since i have a rayuma na….hehehe….. i can not stand for long period of time….. i donot know y…then i ended up in a cashier….but it worth…… hope u buy too fanatic of this site….. remember…… laugther should be contegious……

  16. maraming salamat sa pagtangkilik. alam ko na medyo mahirap bumili ng non-essential na item kaya greatful ako sa ginawa mo.

    ingat at good luck sa iyo kaibigan.
    jay

  17. ..unfair nga naman sa mga crocs & alligs kung i-compare mo sila sa ating mga politicians, kasi sila pag busog na hihinto na’t matutulog, eh ang ating mga politicians kahit busog na’t nagsusuka na’t nag e LBM na wala pa ring tigil sa kahuhuthot, para silang mga bomba ni malabanan nyehehehe…

    MrsUnlawyer…totoo yong sinasabi ng kaibigan mong kiwi, one time nag simba kami sa St. Paul’s cathedral sa Auckland , we saw Helen Clark na nag attend ng isang funeral doon, she came na nakasakay sa isang lumang kotse na walang kasamang bodyguards at walang wang wang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *