hey nineteen

ngayon ang ika-labingsiyam na anibersaryo ng kasal namin ni jet. gusto ko yung nineteen kasi prime number. medyo malayo-layo na rin ang narating namin simula nung kinasal kami sa munisipyo ng kalookan city, reception grande sa jollibee, pagtira sa bahay ng mommy ko sa novaliches hanggang sa nakabili ng bahay sa antipolo, paglipad sa singapore at eventual na paglipat sa amerika.

labingysiyan na taong sobra sa bilis. labingsiyan na taon na pakiramdam ko’y parang panonood ng pelikula ni dolphy – may kantahan, sayawan, drama, iyakan at katakut-takot na tawanan.

ilang taon na lang at malapit na tayong mag 25th anniversary. siguro pwede tayong mag pakasal ulit sa munisipyo ng kalookan kaya lang, baka patay na yung nagkasal sa atin. pero ganoon pa man, maligayang anibersaryo sa iyo, mylab.

punong-puno ng pagmamahal,
jay

7 thoughts on “hey nineteen

  1. ang bilis no? at sabi nila, time flies when you’re having fun. and fun it was… still is. maraming salamat Pa. I really am happy with the life we’ve made. happy 19th. I love you. 🙂

  2. ang sweet ng love story nyo, kakainggit. and ang bilis ng panahon! dati nasa Singapore lang kayo nakatambay, ngayon ‘merika na! 🙂

    kami namang mag-asawa sa taas ng shakeys sa tapat ng manila city hall ikinasal almost 12 years ago. wala na rin yun ngayon kasi sm manila na. pero mas sosyal naman ang reception, sa max sa sm centerpoint, pero kami kami lang din. ang sarap balikan ng nakaraan no?

    again, congrats sa inyong dalawa!

  3. Aba sobra sobrang nakakaaliw naman ang mga sinusulat mo…relate na relate ako, pati sa lengwaheng ginagamit mo. Ang saya! I’ll post your link to my blog, para maaliw din mga kaibigan ko. hehe salamat!
    Belated (super) happy anniv sa inyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *