TURNING JAPANESE, PART 3

hello ulit my love.

lumabas ako ngayong lang para bumili ng maiinom. kahit allowed kami eh ayoko kasing galawin ang mini bar dahil nanghihinayang ako. bumili ako ng 2 malaking bote ng oolong tea. isa pa, gusto kong maglakad lakad ng kaunti para maramdaman naman ang winter evening. hehehe. sigurado kasi pag-uwi ko diyan sa singapore eh papawisan na naman ako.

bumili rin ako ng kaunting makakain dahil baka magutom ako mamaya. sa bullet train kasi kami nag-dinner at take-away na bento lang na kaunti ang kinain namin. ang ganda ng packaging ng takeout food dito sa japan. naka lagay ito sa cardboard box na parang regalo. Pag bukas mo ay organized lahat ng kakainin mo dahil may mga maliliit na compartment ang bawat isang putahe ng ulam at kanin. sa presetation pa lang ng take-out box eh sulit nang binayad mo eh.

sa train station ako bumili ng pagkain at drinks. marami pa rin tao sa labas kanina. feeling japanese na naman ako… lakad lakad na kasama ang evening crowd, wala naman talagang pinupuntahan. hehehe… aimless walking.

bukas ay siteseeing day, according to my partner, ikegami-san. mabait din siya. dapat ay magpapahinga na lang sa bahay eh gagawa pa siya ng lakad para sa akin. marami siyang binibigay na suggestion kung saan pupunta. tingnan ko na lang kung saan talaga kami paroroon. mas gusto ko yung mga typical lugar na pinupuntahan ng mga taga rito at hindi sa mga tourist traps. kung sabagay, simula nang dumating ako eh parang taga rito rin ako
dahil lahat ng pinuntahan namin eh yung mga typical na pinupuntahan ng mga engineer na hapon. kaya so far ay masaya ako rito na nagmamasid kung papaano sila nabubuhay.

sige. till next time ulit. ingat na lang diyan – ilang araw na lang.

labU. jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *