HELLO, I LOVE YOU LET ME JUMP IN YOUR GAME

dahil magkakamukha ang mga tao sa south east asia, minsan mahirap kilalanin kung pinoy ang kaharap mo rito sa singapore. pero may mga tell tale signs na pwede mong gamitin para makilala mo sila. balita ko nga eh ginagamit ito ng FBI sa mga imbistigasyon. hehe.

HETO ang ISA – pag may nakiraan sa harap mo at nagsabi ng “excuse me”. malaki ang probability na pinoy siya. dito kasi pag makikiraan ang mga singaporean, ang kadalasan nilang sinasabi ay “hello”. as in – “hello! hello! hello!” – tapos dadaan na sila. weird nga nung una ko itong marinig. maghe-hello na rin sana ako at akala ko long lost friend. kung mga matatanda naman kadalasan ay “SQ”. as in “SQ, SQ, SQ” – short cut ito ng “excuse me” dahil di sila masyadong marunong mag english. parang ngang flight ng singapore airlines. pero ito, sigurado ako – pag may taong nag “excuse me” para makiraan, tapos itinaas ang dalawang kamay sa harap ng katawan niya na parang arms forward raise, at biglang iniyuko ang ulo. pinoy yon.

16 thoughts on “HELLO, I LOVE YOU LET ME JUMP IN YOUR GAME

  1. Nung nakatira kami sa HongKong many moons ago, kapag may nakita kaming color coordinated ang suot with matching shoes and bag – Pinoy yon sigurado!
    Ang mga Hongky walang excuse-excuse me, dadaan na lang basta at sasagasaan ka. Ang advice ko nga sa mga kaibigang dadalaw sa amin ay “magdala kayo ng arm pads”.
    At saka sa Singapore ba ay maraming mga oldies na uubo at dadahak tapos sabay dura sa sahig? Maraming ganun kasi sa HK – eeewww!

  2. marami palang spitting dragon sa hongkong manang kusinera. dito marami nung araw kaya lang bawal na ngayong dumura dito. may fine. singapore is a fine city!

  3. Ayun, kya ka pala naka-helmet sa harap ng computer dun sa blog ni jet. Baka masapak ka na naman, hehehe.

    Ba’t nga ba nakagawian natin yun no? Isa sa mga theories ko e ganito. Seryoso to ha. Nung araw, nung konti pa lang ang may tv, karamihan satin ay nakikipanood lang dun sa mayroon. Kaya pag may dadaan, at least, para ipakita yung pag-galang,yuyuko kahit alam mo na hindi pa rin naman makikita nong mahaharangan kasi nakaupo. Yun namang kamay ay para mahawi yung mga nakaupo sa sahig na mga bata. Ano sa palagay mo?

  4. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    oo nga. ako nga nilalagyan ko ang “pssst” ko ng kaunting twist para talagang pinoy na pinoy. ang sinasabi ko ay:

    “Hoypssssssssssssst!”

  5. hmmm…. maganda ang mga theory mo tito rolly. interesting. pero nakikita ko rin ito pag nakikiraan between 2 people talking.

    alam yung gesture na yan na pakikiraan na nakataas ang kamay, arms forward raise, na nakayuko ang ulo ay uniquely pinoy as far as i can see.

    i’ve travelled throughout south east asia and i’ve never seen the indonesians, malays or thais do this. baka mali ako pero i think it’s a pinoy invention.

    nakakatawa nga kasi ginagawa ko ito hanggang ngayon dito sa singapore and sometimes they look at me in a funny way. baka akala nila, magsasayaw ako.

  6. Gud am po! Dagdag ko na rin po ang salitang OPO na dinadagdag natin bilang paggalang. Sa ibang lingwahe po ba, meron itong katumbas? Uniquely pinoy ba ang ugaling ito? Ang mga pinoy, malaki ang paggalang sa matanda lalo na sa magulang, sa ibang bansa, pwede nilang tawagin by their name ang mga magulang nila…sagwa yata pag ganito, Pedro(tatay), pahingi ng pang tuition…baka sakalin ka ng tatay mo…hehehe

  7. hi xhean.

    maraming mga honorific sa mga iba’t ibang kultura, lalo na sa asia. yung pag respeto kasi sa mga nakakatanda ay isang malaking bagay para sa atin. kung may “po” at “opo” tayo, mayron ding mga equivalent sa kanila, kundi man sa salita ay sa mga gestures at practices.

  8. add ko lang: pag nagtatakip ng dibdib pag may pinulot…pinay yon. and yung nagtataasan lang ng kilay as a sign of “hi” or “hello”

  9. E2 pa nakikigulo lang po bakit pag pinoy bago kainin ang tinapay isasawsaw muna sa kape sino ang nag pauso nito paki paliwanag lang po naguguluhan na ako waaaaaahhhhh,……!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *