HEALTHCARE FOR ALL?

dahil naroon ang mga kaibigan kong doctor, sa st. lukes ako nag pa admit. maganda ang hospital na ito. maasikaso ang staff, bago ang equipment, mabilis ang serbisyo at magaling halos lahat ng mga doctor.

siyempre, may katumbas na presyo ang magandang serbisyong ito. ang standard appendectomy sa st. lukes ay nasa 70,000 pesos (10,000 pesos lower kung semi-private room). hiwalay pa rito ang professional fee ng mga doctor ko. total na binayad ko sa kanila? 30,000 pesos sa surgeon at 12,000 pesos sa anesthesiologist. may tawad na yon. ang galing ano po?

total hospitalization cost ko? over 100,000 pesos. that’s the best money can buy para sa isang appendectomy sa pilipinas. sobrang mahal ano? kung sa pilipinas ako nagtatrabaho, di ko ito kayang i-afford. buti na lang at mayron kaming health insurance sa pinagtatrabahuhan ko. kung hindi, talagang mauubos ang pinagputahan ko.

8 thoughts on “HEALTHCARE FOR ALL?

  1. Hey Batjay. Are you OK after your appendectomy? Well, I wish you well. So thank goodness for your health insurance that you received excellent healthcare.

    Earlier this week I was hospitalised for three days for a liver problem. The specialist has yet to identify the problem and to date, I have already dished out about 40,000 pesos worth for tests, consultation and the stay in the hospital!! Thank God for health insurance. By the time I have done something for my liver, I will bet that the cost will come to more than 150,000 pesos! I have another date with my doctor for more tests…

    Take care.

  2. Bosing, ang galing ng may hmo no? Ako din, tuwing ma-oospital, insurance ang nagbabayad. Yung huli kong pagtanggal ng bato, ang laki dapat ng nagastos ko. Pano kung wala, e wala naman akong ipon. Ayun, mamatay na lang sa sakit.

    I’m glad you’re back.

  3. hay… i know what you mean… salamat at may hmo si mommy. šŸ™‚ st. luke’s talaga is one of the best hospitals, pero dapat handa din ang bulsa :p pero in fairness, gusto ko yung food ng st. luke’s. hihihi!

  4. amen to that brother batjay!

    kaya nga when i left corporate slavery, i kept my insurance. mahirap na baka kailanganin ko ng emergency liposuction pag umokey yung application ko sa viva. šŸ˜‰

  5. graveh…mahal pa ang appendectomy mo sa panganganak ko! Kaya lang sa perpetual las pinas ako nanganak. Sa sama ng “aftercare” nila sa akin talo ko pa yung pinanganak ng Viet Cong.

  6. jay!!!!!!!!!!!! glad you’re ok na.

    mahal talaga sa st. luke’s..uubusin pera mo. remember mo yung kwento ko sa inyo ni jet. my sister had brain surgery there. total cost of operation ay tumataginting na Php800,000++

    Php400k for hospital expenses at Php400k for the prof fees! mabuhay ang mga doctor sa st. luke’s!
    =(

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *