He took a face from the ancient gallery

mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin – kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit – kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko.

just the other day, nagpa HIV at syphillis test kami. di ba yun yung kalaban ng mga israelites? hindi raw. on the same day, nagpa bakuna rin kami sa kaliwa’t kanan na braso, with matching TB test pa. next week naman, additional blood test dahil inorder ito ng doctor ko as part of my routine physical. pakiramdam ko nga, parang preview ito sa kung anong mangyayari sa akin ngayong tumungtong na ako ng 40. iba na talaga – you schedule your life around doctor’s appointments and worst of all, hindi mo na rin makain ang mga paborito mong pagkain tulad ng taba ng sinigang na baboy na sinawsaw sa patis na may sili. gardenget.

26 thoughts on “He took a face from the ancient gallery

  1. hey, hey, hey… life begins at forty nga kasi. diba exciting.di mo alam kung ano ang madi discover ng mga doctors mo. 😉

    kidding aside, good luck sa tests! 🙂

  2. hi jay. I can relate. Wala “pa” naman akong highblood pero I see a consultant every week. Nakakainis nga, I almost like a hypochondriac.

    First there was the carpal tunnel. Now it’s tennis elbow + golfer’s elbow. Hassle sa schedule but then I wouldn’t want to lose my arm, it’s my livelihood at stake.

  3. carpal tunnel? aray! minsan nararamdaman ko na rin ang strain sa mga fingers ko. when i stopped smoking, i have been taking less and less breaks. it’s even lesser now that i’ve started dieting – less trips to the free vending machine. i need to watch this otherwise, i’ll get it too.

  4. Pwede pa naman mylab e. The name of the game is moderation, not abstinence. Otherwise magiging frustrated ka lang sa pagtanda. And I think we’re lucky that we can avail of health benefits like this. Kung nasa Pilipinas tayo, unless hindi ka na makalakad or hindi ka na makahinga, di ka pa magpapatingin sa doktor dahil sobrang mahal ng health services.

  5. oo nga mylab. and it’s probably best to take advantage of all the medical benefits while we are here. moderation… hmm. parang gusto kong tikman yung bagong jalapeno burger ng carl’s jr.

  6. helo po!!!

    nakaka-relate ako sa mga cnabi nyo pro consider yourself lucky kasi 40 na kyo nagkaron nyan. ako po na-diagnose na high blood nung 25 ako. at 26 palang ako ngayn. my bp was 140/110. So d po kyo nag-iisa. gayunpaman, masarap naman ang buhay db? lalo na pag may mylab 🙂

  7. tama kayo jan, super ingat nga ako. sabi ng doctor mag-exercise daw lagi. Kaya laging nakangiti ang asawa ko ngayon. hehehe 🙂

  8. Sir Batjay,
    Nasa lahi naman namin yung mataas ang cholesterol. Although mababa ang bp ko, kailangan pa ring mag-control sa intake lalo na sa mga fats at type ng meat (no red meat, chicken skin, coconut milk.. etc). Kailangan ding part na ng lifesyle yung exercise. Magaling lang ako pag katatapos ko lang mag-lipid test eh.

  9. Ako din bosing nagbago buhay ko once I hit 40. Kasi this was the time I got hit by diabetes and from that day on, parati na lang akong nasa doctor, kuha dugo, doctor kuha dugo…

  10. sir, hope ur tests results are all negative, or within the healthy range.

    ako rin, natatakot na ako sa high blood pressure kase both of my parents are suffering from it as well. so konting ingat lang.

    i still have to the HIV test though.

  11. buti nga wala ka na dito kung hindi lalaki pa ako ng husto….wala na kasing magpakain sa akin dito ng libre….pero mula ng madiagnose ako na may diabetes last August, I already lose 10kgs…imagine kung gaano ako kalaki non…pero napako yoong weight ko kasi nagholiday…subukan ko uli…ang hirap din ng may sakit, minsan napapraning ka kasi di mo makain ang gusto mo…

  12. but the symptoms of aging is starting to show… hirap na hirap na nga ako magpapapayat… dati, puyat lang, payat agad…

    ngayon, gutom, pagod, puyat… tabachingching pa rin…

    hayyyyyyyyyy… di bale narin lang, at least legal sex… hahahahah

  13. but the symptoms of aging is starting to show… hirap na hirap na nga ako magpapapayat… dati, puyat lang, payat agad…

    ngayon, gutom, pagod, puyat… tabachingching pa rin…

    hayyyyyyyyyy… di bale narin lang, at least legal sex… hahahahah

  14. malamang may makikita sa akin – most probably mataas ang cholesterol level ko. nag iba na nga kami ni jet ng diet. puro isda na ngayon at manok.

    musta na riyan growen? miss na namin kayo.

  15. naku, nabanggit mo yang dugo. nag pa blood work ako last week. apat na test tube na malalaki ang kinuha sa akin. gulat nga ako ng makita ko kung gaano karami. kinuwento sa akin ng kumuha ng dugo ko na toxic daw sila dahil maraming mga nahimatay. buti na lang hindi ako takot sa dugo kasi baka mabukulan ako kung sakaling mahimatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *