VALENTINES DAY IN JAPAN

gandang gabi my love…

just arrived at the hotel sa tokyo. tapos nang osaka leg ng trip ko at mukhang ok naman ang seminar namin. sa wakas nakasakay na rin ako sa pinagyayabang nilang “shinkansen” (aka bullet train). masarap naman talagang sakyan dahil mabilis at very convenient. nakatulog nga ako eh. hehehe. nawala tuloy yung balak kong tumingin outside the window of the train to look for mt. fuji. sana di ako humilik – nakakahiya sa kasama kong hapon.

yung bullet train ay nagsisimula sa tokyo station – to go there from my hotel which is in a place called shinagawa, kailangan ay sumakay ka ng isa pang train. umalis kami dito sa tokyo ng alas otso at alas diyes medya ay nasa osaka na kami. para ka rin namang nakasakay sa eroplano pag nasa loob ng train. sa sobrang bilis ng takbo eh parang bulang mawawala ang mga sites sa labas. kaya siguro ako inantok.

we ate lunch at a very small sushi bar near our hotel – as usual, nagustuhan ko na naman ang restaurant. pag pasok mo ay may traditional greeting at patakbo silang lalapit sa iyo – sarap. parang ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay nila. masarap din ang sushi sa pinuntahan namin. simpleng lunch lang na may standard na miso soup.

nag simula ang seminar namin ng 1:30 at after the usual introductions ay nagsalita na ako. first time kong nag present na may interpreter. yung interpreter ko ay talagang hired for conferences. magaling naman siya at tuloy tuloy ang pag-bigay ko ng presentation ko. siympre di ko alam kung tama ang translation dahil di naman ako marunong mag-hapon. mukhang gets naman nila dahil di naman sumisimangot ang mga nakikinig. oo nga pala, yung mga powerpoint slides ko ay japanese kanji kaya may kodigo ako na word for word translation sa english sa tabi ko. mahirap palang mag present pag hapon ang power point – hehehe… tantyahan na lang kami. iba talaga ang business sa asia – bawat bansa iba ang salita at mag-aadjust ka every where you go. yung mga counterparts ko sa USA eh english lang at walang problema sa mga culture differences.

masarap obserbahan ang business practices ng japanese – from the presentation yesterday, medyo nakuha kong mindset nila. very methodical ay very organized. nagsimula ito sa preparation pa lang. nag practice kami ng translator ko ng actual presentation at inoorasan nila ako. dapat ay matapos ako sa eksaktong oras na ginawa nila sa schedule. every important word ko ay pinapapaulit ng pinapaulit para makuha ng translator ang exact meaning. during the presentation itself sinusundan talaga ang oras at buti naman at sakto ang oras ko.

de numero sila kung mag-isip: “jay san, tomorrow we go to train station at 7:20. and then we ride bullet train at 8:00. we arrive at 10:30 then we have early lunch at 12:00 after 30 minutes we go to conference room to talk to translator until 1 pm then we start at 1:30. at 2:00, you will speak for 1 hour then we have 10 minute break. after that you will speak again for 30 minutes. then you have 1 hour free time before we have our party.” natatawa na lang ako… sa isang banda ay maganda naman dahil organized. pero sa isang banda sa tingin ko ay nawawala ang, what’s the word… “sponteneity”.

after the presentation ay may konting party. dito ko naman nakita ang kanilang mga rituals. may business rituals din sila sa entertainment ng mga guests. una, may magsasalita sa harap to welcome the guests. tapos ilalabas ang mga alak at gagawa ng toasts ang hosts. pag salin ng beer ay kailangnan ibang tao ang magsasalin sa baso mo. di pwedeng ikaw. kaya pag nabibitin ka sa inom eh sorry ka na lang. hehehe… pwede siguro, kalabitin mo ang katabi mo at sabihin mong “can you fill my glass with beer?”

sa pag introduce mo rin sa sarili mo ay may rituals… kailangan nakahanda ang business card mo at magpapalitan kayo ng may kasamang bow. bow, bow, bow ng bow. hehehe… di ko nga alam kung tama ang pag bow ko. sa kanila kasi ay 2nd nature na yung bowing gesture. maraming pagkain ang inihanda nila for the after presentation party at tuwang tuwa sila pag marami akong kinakain. di nila alam, peborit ko ang japanese food.

pag tapos ng kainan – may magsasalita naman na guests para magpasalamat sa aming hosts ng seminar. tapos may toast at palakpak. hehehe… sarap panoorin eh. tulad kong outside observer ng culture at business practices nila, nakaka aliw.

o siya, happy valentines day. gusto ko lang naman ikwento ang araw ko rito sa japan. sana natuwa ka kahit papaano. ilang araw na lang balik na ako diyan sa singpaore. lab U… jay

p.s. kanina nang naghiwalay kami ni ikegami-san, ang aking alalay dito sa japan. sabi niya: “jay-san, we meet at 10am tomorrow. tomorrow is our site seeing day”. hehehe… mamasyal na lang eh organized pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *