HAPPY BIRTHDAY MYLAB

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.

ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET

mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

2 thoughts on “HAPPY BIRTHDAY MYLAB

  1. grabe naman, na-touched naman ako sobra sa entry mo na to. ayan tuloy hindi ako makahinga…

    *singhot…singhot…

    seriously, kaka-inspire talaga! 🙂

  2. hi…sweet nio nman…sana ganyan din kami ni carlo ko…labs na labs ko din un eh…happy birthday s labs mo…God Bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *