HAPPY 12th ANNIVERSARY MYLAB

jayjetfs
happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na “hot date”. fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig… eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.

“good evening sir”, ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.

“hrrrmpppf”, ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.

inay ko, may asshole sa loob… very very bad. uwi na kaya ako. hehehe. buti na lang at lumabas ka na at hinarap kami. nagkaroon ako ng konting pag-asa sa prospects ng gabing iyon. attend ng party nontheless which turned out to be boring and dry. di ko alam kung sino sa mga kasama ko ang nag-ayang lumabas na lang at gumimick, pero bless his soul, it turned out to be THE fork in the road that led to our long journey together.

si pomy, si nancy, si gerry hangin, si darlene, ikaw at ako, sa isang inumang di ko na maalala. ang naalala ko lang ay nag-enjoy ako sa company mo kasi malakas ang tawa mo sa mga jokes ko. kahit wala pa sa punchline eh humahalakhak ka na. naisip ko nung gabing iyon na mayron tayong chemistry at baka pwedeng may next time pa ulit. na mayrong future together, kahit na sinalubong tayo ng daddy mo pagkahatid sa inyo ni darlene na may katakot-takot na “punyeta”, sigaw at tanong kung saang lupalop tayo galing at huwag na raw kayong magsinungaling dahil nag punta siya sa party at wala tayo roon. alam ko naman, in time, pag nakilala na ako ni pareng attorney crisologo eh mai-in-love din siya sa kanyang future cute son-in-law. at tama nga ako.

that first meeting was 15 years ago. it happened because of so many small coincidences and random events that seemed to have been conjured by some great magician. what happened afterwards was everything just falling into its proper place…three years of courtship and twelve years of marriage. wow, it has been a great big happy adventure. i would not trade it for anything else. kung mag end of the world na bukas, wala akong magiging regrets. i have lived a full life with you and have enjoyed every minute of it.

thank you for being my hot date.
thank you very much for being my wife this past twelve years.
thank you for making me complete.
thank you for making me a better man than i could ever expect myself to be.

labUsomuch, jay

p.s. oo nga pala, di naman ako perpektong tao. kung sakali lang naman na mag-screwup ako, o kaya, may gawin akong di mo magustuhan. i.e., when you wish upon a star and your fairy godmother turns the prince into a frog, isipin mo na lang na at the back of all the muck is the fact that i love you. always had, always will.

8 thoughts on “HAPPY 12th ANNIVERSARY MYLAB

  1. Hi Batjay,
    natapos ko ng basahin yun libro mo.. OO nga , medyo bastos, pero nakakatouch ang mga ibang kwento mo lalo na ang mga sulat mo kay Jet.

    Gusto ko sanang i-link itong post na ito sa gagawing kong posts regarding love letters.
    I hope you dont mind.

    Happy Valentine’s sa inyo ni Jet.

  2. I think natandaan ko na yung boring and dry na party…18th birthday ni Len sa Jordan Heights Subd….Damong Maliit…katabing bahay namin sila tapos sabi nung iba naming mga kaibigan “Uy..na meet niyo na ba yung bagong BF ni Jet?”…. balita nga naman may pakpak…im happy for the both of you…keep writing…ingat kayong dalawa!

    jenpot

  3. ang ganda ng sulat nakaktouch at nakakakilig din…………………………………..
    Sna patuloy kaung magsulat ngvery interesting at full of hapi moment peo parang di na ata mauulit pa..!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *