TURNING JAPANESE, PART 5

halo my lab.

simple lang naman ang binili kong gift sa iyo. sana magustuhan mo. oo nga pala, nakabili na ako ng japanese biscuit. ubusin mo yon ha! mahal eh. hehehe. pag dinner ko dito sa tokyo ay bumibili lang ako sa train station at dito ko sa hotel room kinakain. una, ayokong kumain sa labas at pangalawa nahihirapan akong umorder dahil di sila marunong mag-english. pero mababit naman ang mga japanese. di naman ako mukhang hapon pero di ko nararamdaman na mayrong discrimination sa akin. baka nalalakihan sa akin at natatakot. hehehe… buti na lang matangkad ako.

seriously, mababait nga sila – at least yung mga nakakausap ko. very gracious at polite. halos lahat ay soft spoken. sa mga engineers na kausap ko, nakangiti agad at feel at home ako sa tabi nila. sa mga restaurant at shops din ay mahusay ang service. a bit refreshing for me na galing sa singapore na sanay na minsa’y nakakarinig ng sigaw sa mga harassed na shop owners at nabubwisit sa mga engot na crew ng mga fast food.

ito siguro (sama mo na ang lamig) ang mami-miss ko sa japan pag uwi ko bukas diyan. ang maganda lang eh uuwi na ako at makakasama ka. ano ba yong kasabihan? i’d rather spend an eternity in hell with you than spend a day in heaven (or something to that effect).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *