GUSTO KONG MALASING SA LAMBANOG

masarap makipag inuman, kasama ang mga kaibigan. ang paborto kong gawin ay mag imbita para mag ihawan sa bahay namin sa antipolo. sasabihin ko sa kanila, dumating ng mga alas 4. para maliwanag pa nagsisimula na ang saya. pagtapos, sabay sabay namin hihintayin ang takipsilim. there's nothing as enjoying as having a drink in the philippines while the sun sets.
ang “barik” ay isang malalim na salitang tagalog. ang ibig sabihin nito ay uminom ng alak. pag gusto mong magyayang uminom, pwede mong sabihin ang malambing na: “pare, katang mag-barik!”. sa traditional na barikan, siyempre ang masarap inumin ay lambanog ng quezon.

kalimutan nyo na yung mga commercialized na nabibili nyo sa maynila. the best lambanog is home brewed – yung gawa ng mga manginginom ng southern tagalog para sa kanilang personal consumption. kalimutan nyo na rin yung mga timplado ng pasas. the best way to drink lambanog is straight up. samahan mo lang ng chaser na pepsi (the choice of the lambanog generation).

for ambiance (mahal yon!), ganitong gawin nyo… gather 3 or 4 of your friends together, preferably sa isang kubong malapit sa dagat. bago kayo magsimula, maghawak-hawak muna kayo ng kamay. iwagayway ang mga puting panyo at sabay sabay nyong isigaw: “SAKSI!“. tapos, kumuha ng shot glass. ilagay ang gallon ng lambanog sa balikat. salin, tagay, inom. salin, tagay, inom… round and round (“like a circle in a spiral, like a wheel within a wheel“) hanggang sa maubos ang lambanog or makatulog. whichever comes first. siyempre, yung unang tagay ay ibuhos sa lupa. alay para sa mga yumaong manginginom. finally, mas maganda kung ibahin nyo rin yung mga accent nyo (ala meryl streep) to either batangueno or quezon tagalog (e.g. “Ala eh, ang kanin ay malata eh!“).

3 thoughts on “GUSTO KONG MALASING SA LAMBANOG

  1. thank you for dropping by angelica.

    sana natagpuan mo ang kasagutan sa loob ng tansan ng beer. hehehe. minsan ginagamit yang pick-up line pag gusto ng mga contractor sa pilipinas na makuha ang mga project. it’s a ephemism for asking a customer out to get special favors – i.e. “sir, hanapin natin ang kasagutan ng mga tanong mo sa loob ng bote ng beer”.

  2. Sana gumawa ka ng groups para sa mga manginginom, tapos isang malaking inuman dito sa manila. masaya yun. amabagan syempre..hehe..astig blog mo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *