GROW APPLE TREES

one sure sign na ang kakilala ninyo ay lumaki during the 1970’s pag nagsabi siya ng:

1. “toga” imbes na “sapatos”

2. “yoyo” imbes na “relos”

3. “bread” imbes na “pera”

4. “stir” imbes na “pinapaikot mo lang ata ako eh”

5. “farout” imbes na “wow, ang galing!”

6. “magkano ang score mo diyan” instead na “magkano ang bili mo riyan”

7. “toma” instead na “inom”

8. “sindihan na yan” imbes na… ano bang current name para dito.

27 thoughts on “GROW APPLE TREES

  1. Hindi ko alam, pero mas lumaki ako sa ’80s, pero yung sounds ng mga uncle ko ay natanim sa psyche ko (asin, juan dela cruz);

    ang tsikot dati … ride na ngayon
    ang haybol naman … crib na
    ang repapips naman … dude na ngayon
    ang bebot naman … ay babe?

  2. Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan,
    sinusubaybayan ko
    ang nobelang Tubig at Langis; ang Movie Especial na komiks kung saan
    kapanapanabik ang bawat eksena sa buhay ni Zuma na siya namang ama ni
    Galema. Sa komiks ang tawag sa babaeng nagbebenta ng panandaliang
    aliw ay baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English,
    hospitality girls tapos ngayon GRO.

    Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang “Give Me Five”.
    Masyado yatang pormal ang handshake kaya “Give me Five, Man” ang
    pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng kanilang
    anak na paslit ang mag-give me five. Tapos sa mga American games, naging
    High Five o “Give me five, up here!” Hindi pahuhuli ang Pinoy basta
    galing sa America. Ang “Give me five, up here” ay naging “Appear”. Halos
    lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of training, “Anak, where is
    the light; where is the moon?” Ang nadagdag, “Appear! Appear!” At dahil
    sa E.T. ni Speilberg, “Align, Align!” Again, Tuwang-tuwa ang mga magulang.

  3. Hey,I read this thepinoy.com

    Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan, sinusubaybayan ko

  4. batjay, yung “berkman” Or ” happy feet” kasama ba sa 70’s? plus rayban na “shooter”, blue jeans, long hair, dehins goli hahaha, plus john lennons glasses

  5. #8 lang ang di familiar sa akin… To be honest kahit 80’s/90’s “kid” ako, a lot of my friends, inc. me, use those terms… walang stir

  6. hi auee – hanggang ngayon naman we still use those terms. walang stir din. i know nag carry over ang lingo from the 70’s to the 80’s. we came of age during the 80’s as well and used the language of our older brothers and sisters.

  7. i’d like to teach the world to sing, in perfect harmony, i’d like to hold it in my arms, and keep it company…

    ahahahaha! yes, that’s so 70s!!! (i mean that in a very good way). i’ve seen a revival of it recently–i don’t watch tv often (almost never), so it was quite a moment for me to see the 21st-century version of that ditty (brought-back-memories-kind-of-moment).

  8. it’s the real thing – one of the most successful ad of all time. coke got a lot of publicity when they released the TV version during the 70’s. i remember this song very well, it was one of my favorites when i was growing up. i saw the new version and didn’t like it – i don’t see it anymore. siguro the reviews were bad.

  9. oo, when we were kids, inaabangan din namin ‘yung commercial na yun!

    bitaw–there was something off kilter about the newer version. it had promise, but did not pack as much punch as the orig one.

  10. sindihan na yan?sa amin sa nueva ecija pag may tumirik na sasakyan, yan ang isinisigaw sa pobreng driver…sindihan na yan!! as in bulok na kasi…yan and alam ng promdi pero baka sa taga siyudad e…”pot?”

  11. Sir Batjay,
    From your previous posts, very vocal ka sa music influences mo na mostly 70s rock and roll. Curious lang ako, with all these influences, which modern rock songs do you fancy nowadays? I mean, may certain rock band ba ngayon na okay sa’yo?

  12. nice question robbie – the music of DMB, i guess. metallica, U2, REM. although these bands are not really “NEW”. the nice thing about the artists that i like is that they are still around – springsteen, the stones, the who, deep purple, neil young, crosby stills and nash, fleetwood mac, paul simon, pepe smith, eric clapton, dylan, the eagles.

    they are not just “around” but they are still writing music to this day so they are still fresh, current and better than any of the new pop groups that have come out.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *