Good friends, good books and a sleepy conscience: this is the ideal life

CLICK TO ENLARGE: from left to right - Sassy, Tito Rolly, Belle and BatJay

isa sa highlights of the week ang makasama ang mga hinahangaan kong mga bloggers – from left to right: si sassy lawyer, si tito rolly, si makatang belle at ako. dumalo sila sa munting salo salo sa aking version ng house on a hill sa antipolo. ang galing… parang pelikula ni dolphy ang nangyari – maraming kwentong may drama, may action, may kantahan, sayawan at punong puno ng katatawanan. eto ang mga quote nila:

TITO ROLLY: “Ang sarap ng buhay pag walang iniintindi no? You have a wondrful house. Thanks for accomodating us during our lunch. Ang saya saya. At ang food, ang sasarap. Naubos yata yung Carlos I ni Jay e dadalawa kaming uminom. First time i’ve been drunk for a long long time. Thanks again and happy birthday.”

BELLE: “ang galing talaga ni kuya batjay. naturuan niya akong gumamit ng chopstick sa pamamagitan ng kanyang world famous kulangot excercises.”

SASSY LAWYER: “Sorry there aren’t more (PHOTOS). Conversation was too good (hilarious) to stop and take more photos.”

JET: “enjoy ako kasi nagustuhan ni sassy at belle ang aking tiramisu

29 thoughts on “Good friends, good books and a sleepy conscience: this is the ideal life

  1. Uy nasarapan din ako sa tiramisu ha. Sarap talaga lahat ng inihanda nyo. Si Belle kaya nag papractice ng chopstick tulad ng itinuro mo? Gagaling talaga yun.

    thanks ulit. sa uulitin. hehe

  2. nice .. kakaingit naman dude.happy xmas ulit sa iyo. pansin ko lang din yung plant na nasa ulunan nyo diba talampunay yan? is that the same plant na nakakaadik?

  3. ANG DAMI DAMING PAGKAIN ate Ca T – may lengua, barbeque, pepper streak, caldireta, tiramisu. tapos ang saya saya ng kwentuhan. ibang klase talaga pag kasama mo ay mga matatalinong kengkoy. very stimulating ang conversation.

  4. Ack, at talagang naka-post ang pic! Haha. Saya, di ba? Kaka-miss talaga. Thanks sa company, laughters and all, Jet, Atty. Sassy, Tito Rolly, and Kuya Jay! It was priceless! Sana maulit muli. I’ve been busy here since I arrived home for vacation. Merry Christmas to all! Siempre, tuwang-tuwa ako at marunong na ako mag chopsticks! Lol. Thanks, Kuya Jay! 😛

  5. Batjay, maraming mas controversial na topic kaysa sa aso mong si fekfek. hahahaha

    KElan tayo dito sa bahay? Wag lang 26 at 27 at may party dito. Wag din 30 dahil sa Cabalen tayo nun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *