ORLANDO MAGIC

good evening from orlando.

habang sinusulat ko ito, kumakanti sa john melloncamp ng pink houses sa concert sa new york. galing.

kagabi, party namin sa invensys. kumanta ng isang set si huey lewis and the news. galing din. iba talaga pag live – magaling din ang showmanship nila at enjoy lahat. nalasing nga ako. hehehe… sobrang tuwa ko, dami ko tuloy nainom. heehee. naka 8 corona ako at 2 malaking basong scotch and soda. pag gising ko umaga na!

uwi na ako sa singapore bukas. di ko pa rin nakikita ang labas ng hotel. anakngpusakuting talaga! 9/11 ngayon dito. puro nga remembrance kanina sa conference. during lunch, binigyan kami lahat ng american flag na pin (teka nga suot ko pa rin hanggang ngayon, matanggal na nga) at flashlight. 2 minutes silence, pinatay ang ilaw tapos bukas lahat ang flashlight. kahit di ka involved sa tregedy, mag-sesenti ka kapag dalawang libong tao na tahimik, tapos puro ilaw. tindig balahibo ko.

sa tv rin – puro reminders ng 9/11. di ko nga alam kung overload sa coverage. sa mga namatayan, mahirap siguro kung bawat tingin nila, reminded sila sa nawalang mahal sa buhay. i guess, this is the way the USA confronts its tragedies.

sige – next email ko siguro nasa singapore na ako. see you in manila in 2 weeks. kita kita tayo – magluluto ako ng pepper steak sa bahay! happy birthday to mon sa linggo. tawag na lang ako sa cell phone ni kuya bong. happy birtday rin kay lucas (anak ni kuya bong)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *