GIVE A HOME TO THE FLEAS IN MY HAIR

nung isang linggo, nag-ahit ako ng buhok sa katawan. simula sa dibdib, papunta sa tiyan at pababa hanggang sa dako pa roon. nahihirapan kasi ako sa bandage na pinangtatakip sa sugat ng aking appendectomy. kumakabit ng husto ang tape sa buhok ko at pag tinatanggal, talaga namang mapapa mura ka sa sakit. di ko nga alam kung paano natitiis ng mga kababaihan ang pagbunot ng buhok sa kung saan saang parte ng kanilang mga katawan na hindi naaarawan. aray. naisip ko pa lang, nangingiwi na ako. ok nga nung naahit ang buhok sa aking katawan. pinagmamasdan ko, para akong baby. hehe. sige na nga, baby hippopotamus. actually mas malapit yung hitsura sa bagong katay na baboy.

ano palang plural ng hippopotamus? hippopotami? eh bonus? boni! eh hocus pocus? hokay pokay! i digress. mahaba na ulit ang buhok ko sa katawan at pinag-iisapan ko ulit ahitin. may bandage pa kasi ang sugat ko at pinapalitan ito araw-araw. sigurado pag hila ng tape bukas ng umaga, magigising ang mga kapit bahay dahil sa lakas ng nagmumura ng isang bagong operang pinoy OFW sa singapore.

18 thoughts on “GIVE A HOME TO THE FLEAS IN MY HAIR

  1. hello ate kiwi P. ngyehehe. di masyadong gagana ang solution mo kasi pag inahit mo ng gabi, tutubo na agad ang buhok pag gising mo sa umaga. kailangan walang buhok pag lagay ng tape. so, kailangan sa umaga ahitin bago lagyan ng bagong bandage. pero maraming salamat sa suggestion mo. akala ko sasabihin mo eh langgasin ko ang sugat ko gamit ang pinakuluang dahon ng bayabas.

    hi paulding. thanks for the comment na joke. may magandang kuto joke si jet kaya lang kailangan in person ito sasabihin dahil with action. hehe. kaya di ko mabanggit dito.

  2. ka ibet. yan nga ang matagal ko nang binabalak eh. sa version ko naman ay duct tape ang gagamitin ko. ang gagawin ko eh pupuluputin ko ng duct tape ang buo kong katawan. tapos, after 1 day, ipapatanggal ko ang tape ng bigla bigla. hindi lang buhok ang tanggal doon. sigurado pati balat kong kutis betlog ay kikinis at puputi. kaya huwag na lang, mahal ko ang aking kayumangging kutis.

    hi justice. thank you sa tip. hmmm… mukhang gagana. makabili nga ng baby oil para gentle on the skin. ngyehehe. pwede bang coconut oil?

  3. hi rolly. mas mahirap nga ngayon dahil habang tumatagal nagiging raw ang aking skin around the vicinity of the wound. more than three weeks na ang pagtanggal at paglagay ng tape. nagsusugat na siya at makati parati dahil irritated.

  4. Eh, gaano ba karami buhok mo sa katawan? Nai-imagine kita pag tanggal ng tape… parang ‘yung bunso ko nung 8 years old, band-aid lang parang tino-torture.

    I-wax mo, he he he

  5. bwahahaha… narinig ko na yang wax na yan galing kay ate mona (http://monaveluz.com/). she has a great site by the way. ang latest entry niya ay tungkol sa body waxing kung saan ko nakuha yung idea ng blog entry na ito. wala nga lang akong idea kung ano ang “waxing”, pardon my ignorance. hehe.

    yung sugat kasi nasa lower abdominal area. marami akong buhok sa tiyan at masakit pag nabubunot ng tape.

  6. sir, may nabibiling bandage na may kasamang lubricant para di dumikit sa sugat…i just forgot what it’s called…pero yun ang ginagamit noon nung tatay ng anak ko nung ma-operahan siya. you can buy it over the counter at any pharmacy.
    as for plucking unwanted hair…i’d rather shave everyday! masakit talaga mag bunot…ouch!

  7. hi joyce.

    actually, mayron akong nabiling ganoon na medyo high tech nga na bandange. ito yung type na water proof kaya pwedeng ipang ligo. problema eh mali ang specs ng doctor at masyadong maliit. di ko tuloy nagamit. hehe. pagtyagaan na lang yung old style bandage at tiisin ang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *