Funny thought I felt a sweet summer breeze

ano ba kailangang gawin para mag improve ang memory?

napansin ko kasi, nahihirapan akong ma-retain ng mga bago kong natutunan. nag decline ito nang mag turn ako ng 40 years old. minsan nga nakakahiya dahil hindi ko maalala ang mga pangalan ng mga tao kahit araw-araw kaming nagkikita. ok lang sana sa pilipinas dahil kalabit, “hoy” at saka “pssst” ay ok nang pangtawag sa mga tao. pero dito sa amerika ay malaking problema dahil baka magulpi ka pa pag nangalabit ka na may kasama pang sitsit at “hoy”, tulad ng ginagawa ng maraming mga pinoy na kulang sa pansin.

memory pa lang naman ang problema ko, tenksgad. wala akong dinadaing na major problem. tigas titi pa rin kaya hindi ko pa kailangan ng kulay asul na tableta at hanggang ngayon ay malinaw pa rin ang mga mata ko kahit araw-araw akong nagjajakol nung binata ako (ngayon, every other day na lang). may effect ba ang pagjakol sa memory? di ko sigurado. parang nabasa ko na ito sa isang magazine dati kaya lang hindi ko na maalala kung saan.

35 thoughts on “Funny thought I felt a sweet summer breeze

  1. nung bata pa ako, mahilig na akong sumubok. kaya susubukan ko na mag comment dito sa bago kong blog.

    HELLO WORLD. it’s a fucking great day today.

  2. hindi naman siguro apektado ng masturbation ang memory mo. Pwera na lang kung tuwing mag eejaculate ka e me kasamang utak. Kung ganoon, e nakakabobo rin ang pagjajakol.

  3. makisabat na nga po.
    sa aking palagay ay hindi naman resulta ng pagjajakol mo ang memory loss mo, at marahil ay dala lamang ng stress. Ganyan din ang sitwasyon ko at merong magaling na gamot na nirekomenda yung aking doctor, talagang effective. Hayaan mo’t i-email ko sa iyo ang pangalan as soon as matandaan ko kung saan ko tinabi yung bote.

  4. salamat na lang dennis.

    actually hindi ko na ito kailangan dahil mayroon na akong gamot para sa memory loss na binigay sa akin ng doctor ko. halos puno pa nga ang laman ng bote kasi parati kong nakakalimutang inumin.

  5. Ato, anung nangyari sa dati mong url? Puro “Problem loading page” at kundi ko ginugel ang nicanordavid, di ko alam na bago na pala. Pinaskel mo sana sa 57th Freeway 😉

    Ngayung lang ako nagkument pero enjoy ako sa blag mo! Mapuan din ako at SoCal boy din.

    Salamat po.

  6. lumipat po kaya medyo naligaw yung mga dating address. inaayos ko pa’t baka next week ay ok na.

    pwede sana magpaskil sa 57th freeway, kaya lang di ako dumadaan doon. maraming salamat sa pagdalaw schoolmate. hanggang sa muli mong pagbalik.

    ingat!

  7. unkle b., pareho tayo. i have trouble remembering names, especially those of celebrities! 🙂 to paraphrase something i once heard (maybe in a movie): “i remember names, i remember faces, i just don’t remember which ones goes with what”.

    what i’ve found useful, especially at work, is when i meet someone for the first time, i use his/her name in the conversation at least 5 times (ex. “anne, right?”…”ok, anne, do you still need more information from me?”…”see you around, anne!”…and so on). it works most of the time, but there are still moments when i’m stumped. during these times, i just say honestly…”i know i’ve met you before, but i just can’t remember your name.” people are usually happy to supply their names naman. pwera na lang kung 10 times na mangyari yun, ibang usapan na yan, hehe.

  8. Ay ako talaga inaamin ko na lang. ‘I’m really sorry but I have such a poor memory. May I have your name again, please?’ Usually naman, on the 2nd or 3rd encounter, memoryado ko na ang pangalan nila. Plus, it helps that where I work, we always wear our IDs… hehe.

  9. lumipat ka na pala kuya… hehehe!

    naku, parang ako yata e makakalimutin na rin… wala ako pa ako sa 40 ha! paano na kaya kung dumating ako sa age na yun??? baka pati sarili kong name e hindi ko na rin matandaan! hahahahaha! ayyy… poor me!!

    maganda araw sa inyong dalawa ni te jet!! God bless lagi kuya…

  10. I listened to DZMM Radyo Patrol earlier and according to their Health News, from the studies conducted by German scientists/specialists, nice odor and scent improves the capacity of the memory. How are they related? I don’t know. Try it anyway. 🙂

  11. nice odor improves memory. hmmm… if that’s true then bad odor makes you forget. that will probably explain why i have poor memory. i’ve had all those countless encounters with people who don’t like to take a bath.

    di bale rho, pagdating mo ng 40, wala ka nang pakialam kung may magalit sa iyo kasi madali mo itong makakalimutan.

    hi petite. may napanood akong comedy na ginamit yang mention the name 5 times para hindi makalimutan – “bob” yata yung pangalan nung bago niyang kakilala kaya nakakatawa.

    MYLAB! oo nga, sa mga conference namin pag nakita ko yung mga dati kong nakilala from the previous year na nakalimutan ko na ang pangalan, ang ginagawa ko ay kakaway muna ako sa malayo. pag medyo malapit na ay sisigaw ako ng “HI!” tapos babasahin ko ang nameplate kaya may pause ng kaunti, tapos… “John”.

  12. naku.. ganyan talaga pag “thunder” na.. buti na lang ako di pa ako.. ahhh..ehhh…… uhmmm.. ano nga ba ang sasabihin ko..
    balik na lang ako mamaya may gagawin pa ako eh..heheheh

  13. ahhm., ehh.. kababasa ko lang ulit ng libro moh kanina.., paulit-ulit ko na un binabasa.., may kasunod na ba yung libro mo? kelan ko mabibili sa market?

  14. I’ve read the book just last week. Binili ko ung book sa Nat’l Bookstore sa SM North. Last piece na sya at ala man lng cover na plastic. Hehe. On my way home, i browsed over the pages. Very entertaining and I even found myself giggling inside the jeepney na puno ng passengers. Buti na lng at nasa unahan ako beside the driver kaya konti lng ung nkapansin. I tried to contain my laughter. Hehe. Anyway, that’s the reason kaya andito ako ngaun. Dahil dun kaya ako naging aware sa site na to. Hope may sequel ung book. Teka, sino ba talaga si Gentle Reader? Puzzle p dn sya para s kin. 🙂

  15. maraming salamat sa pagbili ng libro. buti naman at nagustuhan mo. sorry kung walang plastic cover – tama ka, malamang at yun na nga ang last piece. ingat at salamat ulit sa pagdalaw.

  16. I’M BACK!!!! hehehe wala lang, type ko lang masulat dito….ano ba yung gamot mo sa memory loss, ipapainom ko sa mommy ko….

  17. Hi Batjay,

    Sabi ng Nanay ko noon nahihirapan akong mag memorize noong high school eh kumain daw ako ng maraming isda at saka mani, yon isda siguro totoo dahil sa omega 3. pero yong mani, sinubukan ko pero sumaki tiyan ko eh.

    MM

  18. kala ko binlak na sa china ang website mo kuya jay kaya di ko ma-access, na puzzle nga ako kasi baka kasing sikat na ng wikipedia ang site mo kaya na irate ang masters of the singkit, di pala. nag iba lang pala ng address.
    dito ako ngayon sa pinas for visa renewal and will be returning to china next week. magandang hapon(phil.time)

  19. hey louie.

    welcome back home. nag iba lang ako ng domain. iniisip ko kasi eh ilagay na ang website sa tamang address. kailan ka babalik?

    ingat.
    jay

  20. good afternoon ulit kuya jay,

    yup, it’s good to be back home even for a short while, one week vacation lang kasi. I will be returning to shanghai by monday then will have to go back to changchun, jilin on tuesday.

    sabagay, mas madali na ngang tandaan kung kentongtambay.com na kaagad.

    btw, natandaan ko dati, me nakita ako picture mo sa company profile folder ng I**** na nasa office namin dati, am formerly from San Mig Metal Closure kasi, tignan ko nga kung nasa box ko pa sa garahe hehehe. bata mo pa doon sa picture hehehe.

    musta na lang dyan sa cali and musta rin sa wife mo.

    regards, louie

  21. ayos.

    taga laguna ka pala. nag abot ba tayo doon sa planta? hindi ko na maalala pero kung nag-abot man ay malamang makilala kita sa mukha. sandali lang kami sa metal closure at yung isang lithography line lang ang ginawa namin na medyo malaking project.

    ingat sa byahe.
    jay

  22. di talaga ako taga laguna, bale dun lang sa lithography ako nagwork, sa muntinlupa ako umuuwi.
    di tayo nag abot sa planta, nakita ko lang nag picture mo sa file folder kasi nag reresearch ako last year for the automation upgrade project for our lithography line #3.

    just got my renewed visa this morning as well as my ticket so balik china na naman sa monday.

    regards. sana mapapirmahan ko yung KT book na binili ko someday.

  23. ako nga kuya makakalimutin na at 25..paano kaya pag 40 na ako??naku nakakatakot namang isipin..ahehhe.. dati good naman ang memory ko pero nung sunnod sunod na ang anesthesia ko dahil sa pagpapabunot ng ipin..don ko napansin na naging makakalimutin na ako..ibang iba na ang memory ko ngayon keysa sa dati..huhuhu.kakalungkot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *