nagpunta na naman ako sa laboratory kanina dahil kailangan daw ng additional test kasi nakita ng doctor na mataas daw ang potassium level ko. ewan ko nga kung bakit – siguro dahil mahilig akong kumain ng saging. bukod sa blood test ay pinakuha rin niya ako ng urine examination. yan nga ang ginawa ko kanina. naka tatlong vial nga ng dugo yung bampira doon sa testing center. kaya raw sobrang dami ng kinuha niyang dugo kasi valentines day daw bukas. comedian din yung matandang umasikaso sa akin. gusto ko ngang sapakin pero tinawanan ko na lang ng malakas. natawa rin ako sa directions ng pagkuha sa urine dahil (i shit you not this is true) naka post doon sa banyo:
“if you are male and taking a urine sample, please pull your foreskin and use the alcohol swab to wipe the head of your penis before urinating into the container”.
ang galing talaga rito sa america, ano? it is truly a vibrant democracy – pantay pantay lahat ng mga kalalakihan sa mata ng diyos, tuli man o supot.
mas natawa ako ng itry kong itranslate sa tagalog,”Kung ikaw ay lalaki at kukuha ng ihi hilahin ang lambi, buratin at punasin ang kupal gamit ang bulak na may alcohol (aray hapdi)bago umihi” tama ba?….nakakahawa ka talaga idol. ibayong ingat sa iyong kalusugan sir Batjay
arayy!!! kailangan ba talaga gawin yan? eniwey, maligayang ara ng mga puso, sir batjay! π
Taka nga ako kung bakit mataas ang potassium mo e as far as I know, wala namang pagkain dito sa bahay that could lead to that. Yun pala sa opisina ka lumalantak ng saging… hehehe π
HAPPY VALENTINE’S DAY MYLAB! LABYU!
happy valentines day din sa iyo mylabopmayn. di ko na mabilang kung pang ilan na natin ito. basta marami na. actually di naman ito masyadong importante. ang mahalaga sa akin ay yung araw araw na pagpapakita mo ng pamamahal at concern sa akin.
maraming salamat.
sa iyo rin missP. oo raw kailangang gawin, siguro para walang contamination.
ayos – maraming salamat sa translation. parang di ata maganda sa pandinig. ingat na lang diyan sa paranaque.
Magaling daw sa diabetes ang pagkain ng 3-4 pipino araw-araw to restore insulin function.
hi maria.
akala ko kakain ako ng tatlong pilipino. namalik mata ako doon ah. may iniinom din kaming tsaa na pampababa raw ng BS. siguro may pipino doon.
Ganyan din ang karanasan ko nung humingi sila ng urine sample para sa aking drug test. Yung gripo at toilet bowl ay naka-tape para daw walang access sa tubig at ma-dillute yung ihi. Ibang klase talaga ‘tong mga kano.
sure that’s a good safety precaution, para siguradong walang contamination ng laway o apple pie.
Ayos! Equal treatment nga naman!
Happy Valentine’s Day, Sir Batjay! π
hi belle. happy valentines day din sa iyo. sana masaya ang araw mo.
democratic toni.
hi misisP.
apple pie – BWAHAHAHAHAHAHA. pag pinoy, walang contamination ng pakbet o kaya menudo.
naka tape yung gripo? paano maghuhugas ng kamay?