A FUCK YOU PHILIPPINE AIRLINES STORY

paminsan-minsan lang ako nakakaramdam ng racism sa amerika. nakakainis nga, kasi sa kapwa pilipino ko pa ito na experience kahapon. tinutulangan ko si jet na magbuhat ng mga bag pauwi ng pilipinas at hinarang ako ng isang taga PAL and in a very rude way na parang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo said, para sa mga pasahero lang ang linya sa counter (sabay finger point repeatedly sa isang maliit na sign that says “for passengers only”). to add insult to injury, pagkatapos niya kaming bastusin ay bigla siyang naging pakyut doon sa dalawang amerikano sa likod namin. sa sobrang pagkainsulto ay hindi ako nakapagsalita at naiinis ako sa sarili ko dahil ang dami kong naiisip ngayon na sabihin sa kanya na mga mabulaklak na salita na hindi ko nasabi kahapon. 

doon sa matabang lalaking ticket inspector ng philippine airlines sa Los Angeles International Airport: putangina ka, ang bastos mo. sana kunin ka na ni lord. dahil sa iyo, hinding hindi ako sasakay sa philippine airlines kahit kailan at mas gugustuhin ko pang lumangoy na lang pauwi sa pilipinas kaysa sumakay sa eroplano ninyo.

– – – – – – – –
pakinggan ang audio podcast ng blog na ito sa iTunes

83 thoughts on “A FUCK YOU PHILIPPINE AIRLINES STORY

  1. nakakalungkot na kababayan pa natin ang gumawa sa ‘yo nito. maganda siguro kung maiparating ito sa namamahala ng PAL para madala-dala naman sila.

    i don’t think i will fly with PAL internationally kahit na maganda naman ang 1st experience ko sa kanila nung nag-Roxas City kami. sobrang marami akong bad stories na naririnig about their international operations eh.

  2. never fly PAL on international flights especially the flights from the US. they treat the filipino passengers (who basically pay for their salaries) like shit. dahil lang brown ang kulay ng balat ko doesn’t mean that fucking overweight guy has to treat me bad. ang masama nga eh pareho lang kami ng kutis.

  3. napansin ko rin nga ung discrimination ng mga taga PAL na yan noong nasa saudi pa ako. kung i treat nila mga kababayang OFW doon parang…. wala lang.kaya hindi na rin ako umulit pang sumakay sa hinayupak na Plane Always Late na yan eh..

  4. ok nga sana kung late lang ang eroplano, pero yung bastusin ang mga customer nila, parang counter sa negosyo na umaasa sa goodwill at patronage ng mga tao.

  5. Tangnang empleyado ng PAL iyan ,ayan talaga ang hassle iyon sarili pa nating kababayan ang mangbwibwisit sa iyo..at least cool ka pa rin you dont utter that f word in his damn face..ang hirap magtimpi sa ganyan mga sitwasyon..He brought down the entire PAL with his bad behavior eh kakulay naman natin siya kaya lalong bad trip…

  6. Jay, hindi lang dyan nangyayari yan. Kahit sa Pinas, lalo na sa tourism business. Para bang mas may priority ang dayuhan kaysa sa kanilang kababayan. Nakakapikon isiping “second class” citizen ka sa sariling bansa.

    As for PAL, mabuti nga’t wala nang flight sila sa KSA. Kung tratohin nang mga “glorified waitresses” nayan ang mga kababayan natin sa economy class parang hindi tao.

  7. mayroon atang reverse racism – eto yung masamang treatment ng mga pinoy sa kapareho nilang pinoy dahil it gives them a feeling of power.

    siguro naging biktima rin sila ng ganitong treatment in the past and they just want to pay it forward.

  8. sana kinuha nyo po pangalan, pwedeng sumulat o itawag sa matatas sa pal at ireport. kaya nila ginaganon ang pilipino kse madalas, kibit-balikat nalang. di pwedeng i-tolerate nalang po ang ganyan, kse kung ganon po, edi parang sinabi mo na, ‘okay lang yang ginagawa mo sa akin.’

  9. sinabi mo! sa 17 years ko dito sa amerika, almost every year umuuwi ako. 2 beses lang akong sumakay ng PAL (yung 2nd time only because it was an emergency) dahil sa asar. biglang nagkaka- attitude problem pag kapwa pinoy ang kaharap. para bang foreigners (esp. whites) lang ang me karapatan. smells like colonial mentality to me. never mind that OFWs are singlehandedly propping up the Philippine economy. these f’ing ingrates should be worshipping the ground OFWs walk on.

  10. E kahit kelan naman nakakainis yang PAL eh. Parati pang late!
    Nung nasa Davao ako, akalain mong na-late sya ng 6 na oras. Bwisit! At talagang nakakainis yang mga ganyang pinoy ha. Sarap batukan.

  11. nakakainis nga, mas nahihirapan pa ako sa pinoy na airline.

    kakagaling ko lang sa canada the same day that this happened, lahat ng naka encounter ko na empleyado ng mga airline sa trip ko ay mabait.

  12. its a blessing in disguise na rin siguro na hindi kayo nakapagreact sa sobrang gigil sir…at least hindi kayo nagstoop-down sa level nyang walang modo right there and then….
    my dad being an overseas worker in saudi has experienced the same “you’re nothing but a second rate….” treatment from PAL last year nung pabalik na sya ng saudi(i think wala na syang choice kundi magbook ng flight sa PAL dahil wala nang available sit sa saudia air)yun bang tipong “ay papuntang saudi at economy class ka lang so hindi ka importante aasikasuhin ko muna yung mga foreigner”type of atittude mapapamura ka tlaga ng malutong na P*&%^ina nila…..hindi madaling magalit ang tatay ko but he said the way he was treated by that employee really got to his nerve….. what made it worse is sa sariling bayan pa nangyari sa kanya..shitty planes,shitty service,shitty employees.. no wonder hindi pinagpapala ang PAL

  13. naranasan din namin yan bossing dyan sa PAL sa LAX kaya alam ko yung feeling na sinabi mo na para kang tanga. hindi rin kami nakakibo ng asawa ko siguro dahil sa gulat na ba’t ka ginanon tapos KABAYAN pa!

    imagine from iowa pinilit naming mag PAL, ilang lipat ng eroplano tapos ganon lang aabutin mo? mula non di na kami nag PAL.

  14. baka yung mga taga Los Angeles na PAL employees ay mayroon talagang attitude problem. sabi sa akin ng nag check-in kay jet, marami daw nagrereklamo doon sa matabang inspector na nambastos sa amin.

  15. This is why I only ride Cathay Pacific.
    Not only am I treated like any other passenger, I am also treated to some eye candy; their flight attendants are a lot hotter! ARF!!!

    When I did the ‘tour the Philippines’ thing, I used Cebu Pacific a lot.

    No PAL for me.

  16. sos! papa batjay me mga taong ganyan talaga feeling nila mas superior xla kesa saten….nakakabastos! na exp ko na dn po yn sa Lax….kaya hnde na din kame sumasakay ng pal e`relax lng papa batJay ma hahigh blood ka lng….n e weiz mangangamusta sana ako kse tagal ko nang hnde nkakadalaw sa dito sa site kya lng mukang alm ko na sagot sa pangangamusta ko lolx!

  17. Sabi nga ng character ni Nicole Kidman sa isang ambassador sa movie na The Invasion ‘when you say something about a person, I don’t see the person you were talking about but a reflection of yourself’. (Or something to that effect.) Nicole is a psychiatrist in the movie.

    I always believe that words that comes out of a person’s mouth is a reflection of his personality. Kaya nga dapat we’re careful with the words we say kasi we’re revealing something about ourselves every time we speak.

    The way I look at the airport scenario, I can imagine an insecure person trying to make himself feel good (by power tripping) dahil he obviously feels lowly about himself which was proven by his reaction to the puti. In short, there’s nothing wrong with you. Naging biktima ka lang ng power tripping niya. You should applaud yourself because it’s hard to keep your cool sa ganitong scenario.

  18. kala ko ako lang ang ayaw sumakay ng PAL, After my 2 experiences with PAL and their stewardess, di na naulit. I would rather fly with Korean Air and China airlines. Very polite ung mga stewardess at not to mention mga bata at magaganda sila (hehehe) di tulad nung sa PAL na stewardess kayo na ang ang mag judge(!!!!!!!). Keep it cool di lang ikaw ang binastos ng mga kaPALmuks.

  19. siguro iba ang training guidelines at rules and regulations ng PAL kaya ganun ang mga empleyado nila… bastos,racist at mayayabang…and they excel in showing it huh?

    hehehe nakita ko na rin ang mga stewardess ng PAL mga on the way to senior citizenship…wala man lang mga bata kaya puro stiff…ala Miss Tapia

  20. ako wala pa namang bad experience sa PAL dahil almost never ko sila sinasakyan, pero yung ate ko galit na galit din when she took her 3 kids to manila some time ago… nag air canada sila from montreal to vancouver tas PAL na from vancouver to manila.. back then, the youngest was still a baby, so at one point, she changed the nappies and put it inside the barf bag and asked the flight attendant to dispose it, since my sister was also looking after her 2 toddlers apart from the baby and she can’t afford to leave her seat to dispose the nappies herself. aba, ang walangyang FA refused to do it and had the nerve to snark at my sister! e di syempre pinagalitan sya ng ate ko, saying that what she was asked to do was part of her duty, at hindi sya model para rumampa at magpa-cute lang sa “runway”. ayun, natauhan, sumunod din. napansin ko lang na quite a few numbers of pinoys in the airline industry tend to ride on their high horses!

  21. nung nanjan ako sa amerika ilang taon na rin ang nakalipas, naka experience din ako ng racism sa kapwa Pinoy. sa LAX din yun. employee ng immigrations. akala kasi yata nila, magti- tnt lang ako, kaya kung maka sigaw sila, walang pakundangan. tinanong ko siya kung bakit galit siya, sabi niya mali daw kasi yung form na pinirmahan ko na immigrations form. kailangan daw ako sumama dun sa isang immigrations officer sa kabilang linya. sus! yung lang naman pala, di niya na kailangan magsisisigaw pa, diba? nakaka inis at nakak hiya sila. panira sa magandang pangalan ng pinoy sa ibang bansa.

  22. nung pabalik rin kami sa california from manila, sinita kami ni jet dahil may dala kaming burong talangka para sa pinsan niya. buti na lang at mabait na pinoy yung nasa customs kaya ok lang.

  23. Mukhang hindi lang PAL employees ang mayabang…may kaibigan akong minaltrato ng isang kahero sa Goldilocks! Eh mataray kasi ang kaibigan ko, kaya hindi pinalampasan ito; in true dramatic fashion, tinuro niya ang daliri niya sa kahero at sinigawan niya ng “You’ll never have my business again!” sabay tapon ng bayad niya sa counter.

  24. meron akong 3 airlines na galit na galit….ang Korean – kung saan ipinaghiwalay kami ni Misis at binump of siya dahil free ticket daw, United (kung saan naman, 16 hrs kaming ipinagantay) at Philippine (hindi lang late, sobrang late pa kamo) – Air Lines…kapag nagsama sama, eh talagang ganyan silang 3! K – U- PAL!

  25. 16 hours? packingsheet!

    ayaw ko sanang kumampi pero sa singapore airlines talaga kami ni jet loyal. minsan nagsisisi tuloy ako na lumipat kami rito kasi di na ako nakakasakay ng SQ.

  26. so true… pag biz trip sq ang sinasakyan ko… ganda ng service nila… parating nakangiti ang mga flight attendants… sa pal me experience ako na nakasabit lng ung earpiece ng cel sa leeg ko sinita pa ko ng lalaking attendant… nakasimangot na sinabing bawal daw gumamit ng cel sa plane… buti meron ng mga budget airlines at nagkaron ng ibang options pauwi sa pinas…

  27. PAL sucks anyway. Its true. They took out first class because its not very first class like. How bad can that get? And Singapore airlines is my favorite! They always gave me toys when I was a kid. I miss them!

  28. Ang tagal kong naging airline employee diyan sa LAX. 14 years of which with Northwest Airlines. Marami ding mababait na mga pinoy na nagtra-trabaho diyan sa LAX kaya lang eh merong mangilan-ngilan na mga gamol at super kupal ang mga pag-uugali. Natiyempuhan mo lang ang kumag na yon Batjay. Ang PAL eh contract lang ang mga empleyado sa ticket counter diyan sa LAX. Hindi sila directa sa PAL… kung sino pa yung mga ‘wannabe airline employee’ yun pa minsan ang kung mag-a aasta eh akala mo kung sino na!

    I know na it’s tough ngayon sa pamilya dahil sa pagkawala ng mga mahal natin sa buhay. Cool ka lang pare at wag kang mag pa stress sa walang kwentang hinayupak na matabang korikong na yon… maaayos din lahat yan. For the meantime… murahin natin ang buwakanang inang PAL na yan. Condolence na lang diyan pards… you got my prayers!!!!!

  29. maraming salamat sa pakikiramay bossing.

    ironic na yung unang nakaharap namin na taga Philippine Airlines ang pinakabastos sa lahat. nagtatrabaho ako sa customer support and that’s the worst that can happen.

  30. talaga naman ang ugali ng kapwa natin.bakit ganun?..tang inumin naman o wag milo.
    di dapat PALampasin yan,dapat turuan ng leksyon,para di na matularan.

  31. tol,

    i remember in my previous comment to you when you were telling us that so far almost lahat ng pinoys you encountered in your trips ay mababait but unfortunately nakatagpo ka ng UNGAS. if i were in your shoes, HINIYA ko rin ung hayop na PAL inspector na iyon by shouting at him on top of my voice (ung bang halos mapatid ang litid mo) at ipapamukha ko na sa ticket naming pasaheros nanggagaling ang suweldo niya. ang idea ay mag-iskandalo ka para makatawag ng pansin sa boss niya. this type of person don’t deserve respect kahit na pinoy pa siya. masama pa nga ung nagpigil ka ng galit, buti di ka inatake sa puso. as a seasoned traveller, i have never fly PAL because iniiwasan ko makaencounter ng gaya ng na experience mo dahil mas napakasakit kung kapwa pinoy mo ang hihiya o mangaapi sa iyo. now, you have learned your lesson. lets wait kung meron mangyari sa protest letter na ipinadala mo sa PAL management.
    good luck bro!!!

    as always, all the best……………bong

  32. nagreklamo kami doon sa nag check-in ng bag ni jet. tinawag niya yung boss ng matabang bastos at sinabihan kung ano ang nangyari. sumulat din ako sa PAL after the incident at sumagot yung customer support nila. eto yung sulat:

    Dear Mr. David,

    Thank you for the message we received apprising us of your recent experience with us. At the outset, please accept our regrets for the disappointment you may have felt as a result.

    A request for feedback from the offices concerned had been initiated to provide us with the full circumstances of the reported incident. The handling Customer Management Officer will further communicate with you for the resolution of your concerns, as soon as we complete our reports. Meanwhile, you are assured of our most preferential attention.

    Sincerely yours,

    RAUL O. FONTANARES
    Manager-Customer Relations
    Philippine Airlines

  33. May naranasan din akong ganyan, pinadala ako ng company ko para mag buy-off ng makina dahil urgent at sa di malamang dahilan ang ticket ko ay Business class. pagpasok ko palang sa eroplano tinuro na kaagad sa akin ang lugar papunta sa likuran (economy) at Laking pagtatatka ng mga matronang PAL stewardess dahil sa business class ako, katabi ng mga puting executives samantalang ako pinoy na pandak at hindi naka business suit. Hindi nakatiis ang isa ta tinanong ako kung ano ang gagawin ko sa pupuntahan ko at parang pinagdududahan ang pagkatao ko.
    Sinagot ko na lang siya ayon sa kanyang kamang-mangan.

  34. Kainis yan ha. Ganyan din ako pag nabigla ako, di ako maka-respond tapos nagbo-boil over ang inis ko for days on end. Laging nasa isip ko “dapat ganito sinabi ko”…

    Sa Pinas madalas akong ma-discriminate dahil kung magdamit ako e parang dukha, as in butas butas na pantalong, tsinelas, kupas na t-shirt… Kaya madalas yung mga sales clerk binabastos ako… Ang nakakatawa, inglesin mo lang nang kaunti nagkakandarapa na sa ‘yo. Hello?!

    Anyway I’m glad you managed to get it out of your system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.