A FUCK YOU PHILIPPINE AIRLINES STORY

paminsan-minsan lang ako nakakaramdam ng racism sa amerika. nakakainis nga, kasi sa kapwa pilipino ko pa ito na experience kahapon. tinutulangan ko si jet na magbuhat ng mga bag pauwi ng pilipinas at hinarang ako ng isang taga PAL and in a very rude way na parang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo said, para sa mga pasahero lang ang linya sa counter (sabay finger point repeatedly sa isang maliit na sign that says “for passengers only”). to add insult to injury, pagkatapos niya kaming bastusin ay bigla siyang naging pakyut doon sa dalawang amerikano sa likod namin. sa sobrang pagkainsulto ay hindi ako nakapagsalita at naiinis ako sa sarili ko dahil ang dami kong naiisip ngayon na sabihin sa kanya na mga mabulaklak na salita na hindi ko nasabi kahapon. 

doon sa matabang lalaking ticket inspector ng philippine airlines sa Los Angeles International Airport: putangina ka, ang bastos mo. sana kunin ka na ni lord. dahil sa iyo, hinding hindi ako sasakay sa philippine airlines kahit kailan at mas gugustuhin ko pang lumangoy na lang pauwi sa pilipinas kaysa sumakay sa eroplano ninyo.

– – – – – – – –
pakinggan ang audio podcast ng blog na ito sa iTunes

83 thoughts on “A FUCK YOU PHILIPPINE AIRLINES STORY

  1. oo nga, parang canned response letter from PAL. it’s been close to a week – wala pa ring response. either napabayaan na o filipino time ang ginagamit ng relos nila sa opisina.

  2. tol,

    junnie was right parang form letter lang yung pinadala sa iyo but at least natawag mo ang pansin nila. nakakalungkot ang experience mo at yung iba pa nating kababayan. in as much as you like to support pilipino goods and services eh kung ganito naman ang maeencountered mo, mas mabuti pa nga na tangkilikin na lang ang iba. SANA, magbago na ang mga kababayan natin the soonest.

    regards…….bong

  3. welll…lahat namn tayo nakakaencounter ng ganito,,,not only in other country but here as well. Kala mo kung cno cla n kong makaasta eh ganun n lang…para bang cila lang ang magaling sa mundo…

  4. nun papunta ako dito sa us naranasan ko din ang pambabastos galing sa kapwa filipino. nakapila ko sa check in lane at ung NAIA employee sinigawan ako kasi kulang ung info. na sinulat ko sa form.nagulat lang din ako at nabigla kaya wala ako nasabi. tapos since first flight ko lang un,hindi ko alam na ung mga make up pala kailangan ilagay sa zip lock. sabi nun nagchecheck ng hand carry bag ko mamahalin daw pala ang make up na gamit ko sinabi pa nya na iwanan ko na lang daw.tapos tatawa tawa lang ung babae. sinabi ko na lang sa kanya na maghahanap ako ng zip lock.hindi ko alam bakit ganun attitude nya,ang pangit. mga make up lang naman pag iinteresan pa nya.

  5. Nung sana Taiwan ako last year, papalabas na kami ng airport sa Taipei (nalimutan ko na yung pangalan, mahirap tandaan eh) nang may nadaadan kaming isang mahabang pila. Mga bagong dating na OFW. Lalampasan ko na sana kaso may isang matandang lalaki na nagsisisigaw dun. Sinisigawan yung mga nasa pila, parang mga batang nasa kinder na dine-direct pa kung paano pumila. Tinanong ko sa kasama namin sa group na Usec ng Tourism kung sino yung nagsisisigaw. Galing daw sa Phil. Cultural Office dun (wala kasing embassy kaya yun ang tawag di ba dahil sa one-China policy). Sabi ko bakit kailangan nya sigawan yung mga OFW eh dapat nga maging matulungin sya dahil yun yung trabaho nya. Sabi nung Usec kasi daw minsan makukulit talaga yang mga OFW. Syempre kahit ngitngit na ngitngit ka, di naman ako makagawa ng eksena dun (sabi ni Tito Rolly bago ako umalis wag daw ako makigulo dun). Pero, unforgettable yun. Pinoy government official treating fellow Filipinos like second-class human beings.

  6. like 2nd class human beings – that’s exactly how i felt at the pal ticket counter. tanginangyan, siya pa galit kahit ako nagbayad ng ticket para mayroon siyang trabaho.

    after 3 weeks, wala pa rin silang reply kaya sumulat ulit ako kanina. nakatanggap na naman ako ng canned reply:

    ———- Forwarded message ———-
    From:
    Date: Mon, Sep 1, 2008 at 9:32 PM
    Subject: Fw: LAX PAL Employee Complaint
    Cc: Webmgr@pal.com.ph

    Dear Mr. David,

    May we merit your further understanding that our investigation is taking longer than expected. You are assured, however, of our full attention in our desire to reach an immediate conclusion of your concerns.

    For easy access of your file, we have assigned you REF: MNL/CPN/020908/25406. Please quote this reference code, in your future correspondence with us.

    Thank you for your patience in awaiting our subsequent reply.

    Sincerely,

    Customer Relations
    PHILIPPINE AIRLINES
    gl/

  7. oo nga. pero even if i am, i don’t deserve that kind of treatment. 3 weeks na nakaraan, mainit pa rin dugo ko.

    yung kwento mo tungkol sa experience mo sa taiwan na naninigaw, napaka typical. parati kong nakikita yung condescending, patronizing at arrogant na behaviour ng mga ibang pinoy sa mga contract workers sa singapore, manila at sa kung saan-saan.

    so what kung makulit minsan. coping mechanism lang naman yon. mahirap din buhay nila – nasa middle east, hongkong or singapore for over a year at halos alipin ang turing sa kanila. coming home must be a big relief.

  8. nakakita rin ako ng mahabang pila sa hongkong….nung minsan nag transit ako dun….ka-inis lalo na at pinoy ang mga nakapila…

    sa geneva pre naranasan ko rin na interbyuhin ng immigration officer at ipakita ang ang business documents…… pag kalahi o ka-kulay nila diretso lang…packing sheet…pag kutis betlog daming tanong

    sa PAL naman wala pa naman akong enkwentro…isa lang napansin ko….matatanda na ang Flight Attendants….compared to SQ

  9. ayoko sana pero mukha kasing lip service lang ang ginagawa ng PAL para i-adress yung reklamo ko.

    pareng jun – sarap ng may brown skin na may brown passport, ‘no?

  10. no choice pare……kung kaya ko lang mag-paputi kagaya ni michael jackson……pero di ko kinahihiya ang kutis natin……in pak, kaya nga may mga puti ang asawa ay kutis brown…kainis lang talaga pag nasa lugar ka ng mga puti…

  11. wow, grabe ha. halos pare-pareho ng kwento ang karamihan tungkol sa PAL. nakakabwiset at nakakahiya. sariling kababayan pa naman, ganyan kung umasta. twice pa lang ako nagtake ng PAL, papuntang singapore at yung isa pa-hk. so far, wala pa (sana di talaga mangyari) naman akong nararanasang pambabastos. pero kung mangyari man, di ko ito papalampasin. hindi tama mambastos at lalong hindi tamang ituring second class ang mga pinoy.

  12. The Filipino is his own worst enemy and I base that on the rudeness I’ve experienced at the hands of fellow Pinoys here. Bihira akong makaranas ng kabastusan sa mga puti. Pero madalas sa mga kapwa kong Pinoy. Malungkot but that’s the truth. It’s such a shame. Pinoys seem to love discriminating against their own. It’s not arrogance that drives such behavior but plain insecurity.

    • korek ka dyan that is the right term sa iba nating mga kapwa pinoy. mahilig man discriminate at pinaiiral ang pagka inggitero/inggitera.

      kahit yung ibang mga pinay ground crew ng emirates whether sa NAIA or sa Dubai Airport mas mahigpit pa sila sa ibang lahi kung umasta akala mo kanila emirates airlines. for example tickets with offshore categoryhas allowed for 40kg baggage allowance tatanungin ka ba naman kung saan at sino nag issue ng ticket eh meron agreement ang mga oil & gas companies like Shell, Chevron, British Petroleum, Exxon Mobil with some airlines to allow their employees for 40kg on their tickets.

  13. sarap makipag away ano? kaya lang, tulad ng sabi ng pinsan ko, i’m too much of a nice guy.

    hopefully, i’ll be fucked up enough that in the future, i’ll learn how to make a scene.

  14. unkyel batjay, kumulo ang dugo ko nang nangyari din yan sa nanay ko. hindi sa airport kundi sa sbarro. parehas na parehas sila ng order ng katabi niyang amerikano, tapos yung binigay na pagkain sa amerikano, di hamak na mas marami talaga kaysa sa binigay sa kanya. tapos todo-smile pa, todo-pa-cute. mga pakyu.

    pinagalitan ni mama yung babae, pero gusto ko talaga sapakin yon. part ng insecurity ng ibang mga pinoy yan, kala nila better ang mga puti sa kanila, at sa kapwa nila pilipino.

  15. Pingback: Being a Filipino among Filipinos. | Lifelog | Live. Love. Blog.

  16. Pingback: Reverse racism | House on a hill

  17. Ang hindi ko maintindihan bakit parati puno and PAL ? Marami namang ibang airline patungong Maynila. Ako rin boycott ko na ang PAL international. THEY TREAT PAYING CUSTOMERS WORSE THAN SHIT !

  18. nako! patay! PAL pa naman kami nagpabook papuntang Amerika itong Sept! Yareeeeh!! Nakakawalang gana naman yang mga yan. May mga kaibigan ako na ang kuwento minsan sa isang restaurant na pinupuntahan nila, masama talaga ang service pero masarap ang pagkain. Noong dinalanila yung bisita nilang galing canada–at sobrang BAIT daw ng mga servers and they were putting on the BEST show in town… Baket ganun? Dahil inaasahan ba nila na mas malaki ang tip? Labo.

  19. ay naku batjay katulad ka din ni ninoy at ng libo-libong pinoys na tumangkilik sa PAL..hindi ka nagiisa! ….isama mo na din ako..sa tagal ang aking pagtrabaho sa ibang bansa bilang isang dakilang OFW (daw) ay binigyan ko ng pagkakataon na tangkilikin ang nasabing airline kahit na lahat ng naririnig ko ay puro pagpupula at di matapos tapos na istorya ng masamang karanasan..ika nga eh binigyan ko sila ng ‘benefit of the doubt’..pagkatapos ng aking kaululan ay saka ko nasabing totoo pala ang cnasabi nila..haha..same story as mentioned previously, pag brown skinned ka dapat masungit ang dating nila at di kailangang ngitian..lahat ng hingin mo ‘wala na po’ ang sagot’..pero ang nasa likuran ko ay mga puti kaya kitang kita ko ang kaibahan ng pagtrato nila..ear to ear ang ngiti with matching fake american accent, pakarga karga ng mga puting bata samantalang pang brown skinned na bata ay parang nandidiri sila..….eto pa , nang nag-serve ng drinks eh beer lang ang pilit binibigay sa pinoys, I opted for a vodka tonic pero naka limang stewardess ako na sinabihan at nagalit bago ibinigay sa kin ang hiningi ko (kaya malamang me kung anong masamang nakasama sa ininom ko)….afterwards, nasabi ko sa sarili ko na never again…..hey guys, come to think of it..PAL is a privately owned company and it just happen na phillippine airlines pangalan nya…..ang pagsakay sa PAL ay hindi nangangahulugang natulungan mo o tinangkilik mo ang bansa mo..ang mas totoo ay natulungan mo si lucio sa pangtankilik mo …we have the means kaya we have the option to choose.
    to connie…ilan yata sa mga masamang katangian para maging phil. government official ay arogante at bastos..mapa airport o consulate office ay pare pareho sa aking observation..hindi nawawala ang nagpa power trip..parang nabad trip sa pag hitit o sa pag batak ng kung ano..last year isinamana ko ang aking pamangkin sa singapore ng ilang araw..sa immigration pa lamang napansin na ng bata ang di magandang pagtrato ng immigration officer sa isang kapwa pilipino ..namali lang sa pag fill up ng form nya pinagsisigawan na..tapos me mga asian looking na nakapila sa kanya na di din tama ang pinaglalagay sa form..ang ginawa ng officer ay tumuntong sa silya nya..pinagsisigawan ang mga kasama nya sa labas na ilayo ang mga yon sa pila at ayusin ang mga forms nila … hindi makapaniwala ang pamangkin ko sa nasaksihan nya, hindi daw dapat tratuhin ng ganon ang kahit sino..(kaya nga ang tawag sa bata ay walang muwang di ba?..hehe)…at napansin nya din ang nakasulat sa immigration counter…ba’t daw ganon ang officer samantalang ang nakasulat don sa harap nya ay ’..service with a smile’ hahahaha…only in the pilipins.

  20. Pareng Jay, I empathized with what you have experienced at LAX ticket counter. We also had a bad encounter with an indian-descent PAL employee outside the counter going back to manila on Sept.13. Siguro PAL security officer yun. Ang dami kasi namin check in baggage mga 10 tapos kasama ko pa family ko and parents-in law. Paulit -ulit at minamadali nya kaming pinapupunta dun sa x-ray security baggage counter e wala naman kaming kasunod sa likod. Syempre di namin kaagad maligpit yun mga baggage sa trolly kasi ang dami nga kasi. Ang dating nya sa akin e para kaming stupid na hindi makainitindi ng ingles at nakita ko pang nag side comment pag alis ko. Sasagutin ko sana kaya lang pinigilan ako ng wife ko. For info, personnel manning the check in counters at LAX are employees of 3rd party agencies contracted by PAL.

    Anyways all of us are entitled to our own opinion..peace. My wife works as flight attendant in PAL. Hindi naman lahat ng PAL FA ay a-holes. In defense of my wife, excellent mag trabaho ang wifey. Maraming siyang inuuwing certificates from PAL attesting to the commendations by pinoy passengers during her flights which makes me proud as a husband of course. There was one time nga na pinahiram pa ni wifey ng shirt ang isang babaeng pasahero kasi nasukahan ng anak nya during the flight. Na share ko lang po mga kababayan… peace po.

    At totoo po, karamihan po ng FA sa international ay senior na kasi lahat ng new and young recruits ay sa domestic flights ang punta as training ground. Seniority kasi ang pinaiiral sa PAL. Pero madami na rin young FAs sa international kasi na-upgrade sila from domestic due to increasing international flights. Pero people kung nasakay na kayo sa quantas, super gurang na ang mga FAs, may mapuputi na nag mga buhok hehehe.
    Peace sa lahat.

  21. i have also the bad day with PAL. this is not related to your topic but i just want someone to discuss about this.

    i bought the ticket at the bacolod silay airport for manila-bacolod flight. i wrote it on the piece of paper “manila-bacolod, last flight, march 31”. the ticket agent offered me the lowest fare which naturally i grabbed the chance.
    she booked me on the said flight & advised to me to go on the cashier to pay for the ticket. the said ticket was not hand over to me directly. i proceed to the cashier and he get the ticket from the agent.
    i admit negligence on my part, that i didnt check the ticket before i leave. i just get it and check in the airport as that day i was bound to depart from bacolod to manila.
    i had noticed that the wrong ticket was issued to me when i was already in manila. i get back to the ticket agent. she refunded my ticket, of course less all the penalties.
    she also explained to me that she received complains same with mine.she said passengers are normally stressed with the traffic or might busy and not to notice such thing like my complain.
    but i believe it is also the SOP that before printing out the tickets the agent should do the recap to the passenger. she also said that there might be 2-way mistakes happened. it might its my fault for giving the wrong info, we misunderstood each other or i provided the correct info & she committed the mistake.however on her end, there would be no mistake as its my responsibility to check my tickets.
    yes, the important details has been highlighted on the ticket however, isnt it better if she did the recap, explain to me & make me understand every important details in my flight. might reading it made me confused.as she had explained, “normally passengers are too busy or stressed to notice the erroneous datas on the ticket”. and exactly it happens to me.
    i asked her if it is possible for her to refund my ticket not to deduct the penalties but she didnt grant it. if she was saying there is a 2-way misunderstanding or mistake why is it on the end its all my fault. she said i should notice the erroneous datas within the ticket office for them to make necessary corrections without charges. if i had noticed it after an hour or 2, that is already subject to penalties. is she was saying she receives complains like this isnt it she’s not effective on the said post?
    my bad, i lost 2000php with this bad day transactions i made.

    1. of course i want my php2000 money back
    2. further investigate on the bacolod silay sales agent if there would many complains same with mine, meaning she needs more effectiveness on her post
    3. emphasize to do the recap about the ticket to the customer before they leave the ticket office.
    4. be approachable enough

  22. pare, para yun sa seguridad ng mgatao kaya ka hinarang…

    sa mga airport ay talagang dapat istrikto…

  23. hay lagpad ilong ang mga flight attendant ng pal, luspad pagod ang pagka puti morag pinilit cguro uminom sila ng clorox kaya ayon pumuti…dapat kunin ng pal europeans para class…taas ilong

  24. Pingback: Reverse racism

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *