FOUR THOUSAND HOLES IN BLACKBURN, LANCASHIRE

Ang Mabuting Balita ayon kay San Hudas

Mabuting Balita #1

itong martes ng gabi, sept 26, babasahin daw sa conspiracy garden cafe ang exerpts ng kwentong tambay book sa isang event for global pinoys sponsored ng Cultural Center of the Philippines at U.P. Institute of Creative Writing. kung mayroon kayong oras, imbis na mangulangot eh baka gusto ninyong dumalaw doon para makinig at manood. kakanta raw si gary granada at noel cabangon para may pampagana. nakaka antok kasi pag puro salita lang. mas masakit pag talsik laway yung nagbabasa. si tina nga pala ang magbabasa ng passages sa libro. malamang naman eh hindi siya talsik laway.



Mabuting Balita #2

nakapost na ang results ng sinalihan kong 15th annual Susan G. Komen Orange County Race for the Cure kahapon. kung tiningnan ninyo ang resulta, i finished 659th place out of a total of 1630 runners. ang total time ko ay 29:59 minutes, average of 9:38 a mile. hindi na masama para sa isang dating supot na diabetic 40 year old fart like me. at oo virginia, pwede pa rin kayong mag donate.

so far, may $170 $190 na akong na-raise at gusto kong magpasalamat sa mga nag bigay:

1. boss ko sa trabaho na jay din ang pangalan
2. si shirley, AKA plain jane too
3. si petite gatela, ang sunshine girl ng bay area
4. si Jim, kasama ko sa trabaho na taga North Carolina

huwag kayong mag-alala, papadalahan ko talaga kayo ng picture ko na nakahubo.

RACE PICTURE (na hindi nakahubo):

mahirap i-explain ang feeling ko kahapon pag tawid ko ng finish line. magkahalong pride at sense of accomplishment. hindi naman malayo ang limang kilometro pero para sa akin ay big deal ito. at 40 years old, ngayon ko lang ginawa ito sa buong buhay ko. huli man daw at… well, you know the cliche.

11 thoughts on “FOUR THOUSAND HOLES IN BLACKBURN, LANCASHIRE

  1. hi batjay. nag-abang ako kagabi, pinagpawisan ng malamig sa excitement, namili ng babasahin (gusto ni gary granada basahin ko yung “supot no more” pero di ko kayang panindigan with conviction)… pero naubusan ng oras ang organizers. una pa naman ako sa pila ng mga magbabasa after the contributors.

    sensya na… pero dami copies sa conspi ng book mo. nagdala ako ulit. ๐Ÿ™‚

    congrats nga pala sa yong pagtakbo. ๐Ÿ™‚

  2. hello dyezebel.

    ok lang na hindi mo nabasa yung libro. basta ok na sa akin na alam kong binabasa pala ni noel cabangon at idol gary granada ang libro ko.

    maganda ba ang benta ng libro sa conspiracy?

    hello – naz, they sell the book at conspiracy. you can have a drink and listen to good music while you’re there.

    you can also try national bookstore, powerbooks, fully booked, filbars, mag:net and booksale.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.