For all eternity I think I will remember that icy wind that’s howling in your eye

kanina, nag empake na si jet ng mga damit ko. hindi po niya ako pinalayas. dinala ko lang dito sa opisina kasi nagdecide na nga ako na starting monday ay magbibisikleta papasok sa opisina. nakahanda na ang lahat – may sabon, conditioner na at shampoo (paano daw bang bumili ng shampoo sa cebu? sagot: “mayroon ba kayong sham-puday? “). ang lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa ilalim ng aking work table. wala namang daga rito kaya safe ang aking seksi polka dot bikini brief (awa ng diyos, hindi pa naman ito nagtututong). may kasabay na akong taga rito na dutchman (dutchboy siya nung siya’y bata pa, pero hindi ko alam kung magaling siyang magpintura. naku nagiging corny na yata ako). matagal ko na siyang nakikitang nagbibisikleta papasok. in his case though, nakabihis na siya at hindi na naliligo. hindi ko alam kung ano ang amoy niya pag malapit at ayoko itong malaman. some things are better left un smelled. so starting next week pag nagawi kayo ng east coast ng singapore at may nakita kayong isang lalaking golden brown na nagbibisikletang parang sira ulo sa ilalim ng matinding init ng araw… ako yon.

16 thoughts on “For all eternity I think I will remember that icy wind that’s howling in your eye

  1. For a while there, akala ko pinalayas ka na ni jet e. Aba, bukod sa biking mo till the wee hours of the morning ng Friday aaraw-arawin mo na rin? Aba, mukhang bibisikletahin mo na lang ang pag-uwi sa pilipinas a? hehe

    Maganda yun, matipid. Ilang araw kaya kung magagawa nga yun, ano?

  2. Good luck sa pagbibisikleta Jay! Ilang buwan lang Pinoy Black Stallion ka na! Wowwiiieeee!

    Wag kalimutang magsuot ng bright colors at bulaklakin para kitng-kita ka sa kalye at di ka banggain ng ibang mga sasajyan!

  3. Ingat ka lang sa mga crazy drivers, Perskasin. Singaporeans are such repressed people, I wouldn’t be surprised if some of them take out their everyday frustrations by running the odd biker off the road.

  4. thank you BoyetB. sana naman hindi ako masyadong mabilad ng husto. i plan to leave really early – around 7am . in singapore that time is still is a bit dark. tapos i normally leave the office at around 6pm. sunset na kaya not too hot.

    i have this orange hawaian shirt and neon yellow spandex shorts. ok ba yon?

  5. hey tito rolly.

    baykingkingan talaga. akala ko rin pinapalayas na ako. hehehe. wala na yung saturday biking group ko. na dissolve na kasi yung group leader ay nagkaroon ng problema sa shop niya. long story pero ang suma ay ako na lang magisa ulit ang nagbibisikleta and i do it every weekend morning. mga 2 oras na average na 20KM. di pa ako naghahanda ngayon kasi umuulan since last night. yan lang ang kalaban ng bike – ulan. bummer.

    pwedeng mag bike papuntang pilipinas actually, you go up via malaysia, tawid ng ferry to sabah. ride all the way north. then ride another ferry to mindanao. ride all the way up till you reach manila. sa tingin ko, kaya ko ito ng 1 month. maganda sana kaya lang delikado sa kidnap.

  6. keep us posted how you are doing. At least with biking you will get home earlier but wont you bemore tired? uhmm… just avoid putting any ,lotion (esp oil) on so it wont burn you (more?) …best to use sunblock…as long as there is a shower there – you should be fresh and clean at start of work. GOod luck Jay.

  7. hi g.

    welcome back. i will keep you posted. i will be going to work in a few hours time. excited na nga ako. i have been biking every night for a few months now so i definitely won’t be too tired. my usual routine before this biking to work thing is a 2km jog in the morning and then a 9km bike run in the late evening. i will probably leave home earlier – around 7am. during this time, there’s still no sun. it’ll be great.

  8. i know a lot of people who never had the time to learn to ride a bike. there is one who was so poor that his parents didn’t have the money to buy him a bike. but he managed to finish college and work in a great company. now he has a son whom he loves so much. in a few years time, he will be able to buy him a bike. life has come full circle for him and this time, nasa ibabaw siya ng kanyang gulong ng palad. bakit ko na naikwento ito? hehehe. wala lang. i love come from behind stories kasi. nag digress ako, big time.

    anyway, salamat sa pag comment – marami rin akong mga kaibigan who bike during the winter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *