FISHERS OF FISH

FISHERS OF FISH nag charter ng dapor (maliit na bapor) ang opis last saturday at nagpunta kami sa dana point para sa isang afternoon fishing trip. first time ko sa buong buhay na mag fishing at nag enjoy ako ng husto. ang daming nahuli ng group namin. ang gagaling kasi mag fishing ng mga kasama ko. isang hagis lang nila at after a while mayroon agad huli. ako? wala, kamote. pero awa ng diyos, nakahuli naman ako ng tatlong pelican. hindi ko kasi alam kung paano mangisda kaya puro mga ibon lang ang kumakagat sa pa-in ko. mga sira-ulo pala ang mga pelican dito. kinukuha nila yung mga isda pag hindi ka nakatingin. mayroon ding mga seal na umaaligid sa dapor namin at kinakain din nila yung mga nahuhuling isda. naka bingwit din ako ng isa pero nakawala. gusto pa nga yatang mang-alaska nung seal dahil pinalakpakan pa ako ng bwisit nung paalis na siya. ang nasa picture nga pala ay si jeremy. siya ang nakakuha ng catch of the day – may prize siyang $150. suwerteng bata. samantalang ako eh umuwi ng may luha sa mata.

22 thoughts on “FISHERS OF FISH

  1. Di bale mylab, kahit wala kang huli, that’s one off your list of things you have to try doing, right?

    Gusto mo mag-trade na lang kayo ni Klaus… turuan mo siya mag-golf, turuan ka niya mag-fish. O kaya, turuan ka niya mag-fishing, turuan mo siya mag-golfing… nyehe!

    Labyu!

  2. Andaming isda!Hmmmm…parang ang gustong kong hulihin eh yung Jeremy! hehehe!Turuan kaya niya ako mag-fishing para pag maalam na akong sha ang i-fishing ko?

  3. sige, sasabihin ko kay jeremy na “good catch” siya. siya nga pala ang resident artist namin sa opis at ang gumagawa ng lahat ng art work sa mga publication at mga websites namin. punta ka rito, ipapakilala kita sa kanya. binata pa naman ata yon eh.

    pakiramdam ko, para akong biglang naging boogaloo.

  4. Dear BatJazz,

    nalunod na ako sa prospek op having to go to lust vegas wid yu-hindi na tuloy ako nakagawa!ehehehe!:)

  5. nye! an layo ng sagot ko sa thread na ito–nebermaynd, fishy din naman ang nilalaman ng XXXXXXX ko,ehehehe! sori po, Jay.

  6. helo der.

    ano yun, nakapara yung dapor sa gitna ng dagat habang nangingisda kayo? diba nakakahilo?

    i remember before we went fishing, kami nakahuli ng parang pang aquarium lang sa tinagal tagal, pero grabe yung mamang kasama namin, bato lang ang pain niya, and he was able to fish a 2.5 kg lapu-lapu … wataguy! pero bato yung bait can you imagine …

  7. Hi po,
    Ang saya talaga magbasa dito sa webpage mo BatJay, nakakawala ng lungkot at pagka-boring ko dito sa office..
    Sana mas marami pang nakakatuwa at nakakaaliw na mga post ang ilagay mo. Kahit ulit-ulitin ko basahin hindi ako nagsasawa… God Bless po and more power!!

  8. I remember my first trip to fish. Nang makakuha ako ng isda, nagtatalon ako. Nagtinginan tuloy sa akin yung iba, at parang inirapan ako nang makitang ang liit nong isda… 🙂

  9. hi noel.

    bored ka na ba sa office? gawa ka ng practical joke sa boss mo para sumaya diyan sa opis. pero huwag na lang at baka mapikon siya. uso kasi rito sa amin ang mga practical joke sa opisina bilang pangtanggal ng boredom.

    maraming salamat.

  10. misispi!!!

    actually, medyo naging seasick nga ako nang huminto na ang dapor sa gitna ng dagat. mas mahirap pala sa akin pag ginagalaw lang ng alon ang dapor – hindi ko nga nakain yung lunch ko dahil baka ilabas ko rin.

    bato para sa lapu-lapu. ang galing!!! yan ang sinasabing tubong lugaw.

  11. dear batjazz,
    hehehe! at 4 AM–it’s either lasing ako from your nakakatawang posts as usual or lasing lang talaga ako from my usual thursday night excursions/incursions into the masalimuot na daigdig ng tanjong pagar.or was it kilikili?

  12. Ang aga mo namang gumising Sir DengCX. nasa early morning shift ka ba diyan sa trabaho o inumaga ka lang dahil nanggaling ka sa Tanjong Pagar.

    Inggit ako sa iyo. Wala na akong good time ngayon. Baka sakaling maka bisita sa Singapore ng late November. Kita kita tayo.

  13. tutal wala rin lang huling isda,
    hindi ba bawal manghuli na lang ng pelican instead at gawin na lang adobo? masarap kaya ang adobong pelican?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *