FIRST DAY OF SPRING AT AKO’Y NADAPA (wala namang spring kasi sa singapore eh)

nakakatawa ang umaga ko. hahahahaha. nadapa ako sa pag-akyat sa escalator dahil sa pagmamadali kong habulin ang train papunta sa office. pahiya ako. naka porma pa naman ako (bago ang long sleeved shirt ko!). hahahahahaha…. yan ang napala mong gago ka!oo na… “oo ate”, “oo ate”, puro na lang ako “oo ate”.

napahiya ako sa harap ng maraming tao. ako yun! ako nga yung tumambling sa escalator kanina sa may tanah merah station ng singapore MRT. mabungi sana kayong mga nangiti sa akin! makalbo sana kayong mga humalakhak (kahit babae pa kayo!) hehehehe… di na ako tumingin sa likod ko, baka mapa-away pa ako pag napikon ako sa mga tumatawa. hehehe. deadma na lang. di lang naman ito ang first time kong malaglag. maraming beses na akong nadadapa, natatapilok, nahuhulog, natutumba, etc. etc. etc.

ang pinaka memorable ay dito rin sa singapore nangyari. turista pa lang ako nuong year 2000, kakadating ko lang sa siyudad from the US, kaya may jet lag pa ako. ako namang gago eh nakipag-inuman sa isang bar sa orchard road, kasama ang iba’t ibang pinoy at isang aussie na malakas uminom. sa sobrang antok ko eh ako’y nakatulog at tuluyang sumandal sa silya. huli na nang malaman kong bar stool pala ang aking inuupuan. nagising na lang akong nakahiga sa sahig (at nakataas ang paa – “VICTORY JOE” position) habang ang buong bar ay nakatingin sa akin at humahalakhak. hehehe… bobo ko no?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *