Feelin’ nearly faded as my jeans

nung lumalaki ako, yung bahay namin sa talipapa ay parating puno ng musika. pag may bagong labas na mga kanta, naririnig ko na ito agad. minsan nga, hindi pa lumalabas sa merkado ay nasa bahay na’t pinakikinggan na namin. yung mga kapatid ko kasi ay mahilig sa musika at dahil bunso ako, lahat ng mga collection nila ay napupunta sa akin. kaya baby pa lang ako, may hawak na akong mga long playing records. kung taga talipapa kayo nung 1970’s at may nakita kayong batang lalaking nakahubo na tumatakbo (flapping his small dick into the wind) at may dala-dalang mga plaka – ako yon. music is like scent, malakas itong mag evoke ng mga pangyayari sa buhay mo. ok ito minsan, dahil nagpapa-alala sa iyo ang mga kanta ng mga masayang nangyari when you were growing up. minsan naman ay nakaka-inis dahil binabalik ng mga kanta ang mga pangyayaring ayaw mo nang maalala – the death of a loved one, lost love perhaps. one song that evokes a lot of happy memories is janis joplin’s cover of kris kristofferson’s classic “me and bobby mcgee“.

this is an audio post - click to play

tuwing naririnig ko ito ngayon, napapangiti ako. masaya kasi yung panahong yon na sumikat ang kantang ito dahil supot pa ako at wala pang mga responsibilidad. i could screw up and nobody would be affected… and that my friend is the ultimate freedom.


17 thoughts on “Feelin’ nearly faded as my jeans

  1. Sabi ko na nga ba ikaw yung batang takbo ng takbo sa barrio talipapa nuon. Lagpas-buko na yung ano mo nuon pero wala ka pa ring salawal at parati mong ibinibida sa amin na lagpas buko ka na pero takot ka pa rin magpatuli!

    Sa amin naman sa west ave. marami rin ala-ala ang mga lumang tugtugin nuong 70’s. Nariyan si Olivia Newton John, Donna Summers at iba pang mga seksing singer nuon na pinag-diyadiyakolan ng mga tambay pag talagang walang-wala ng local magazine na may mga litrato ng mga bomba stars nuon. Diyakolan na may background music pa habang hawak mo ang album cover sa kaliwang kamay at ang kanan’g kamay naman ay nilalaro ang lagpas bukong galit na galit nang batutita! Hay memories! Nag-kawatakan ang mga diyakolistas nuong umpisahan kaming bansagan ng “D Donna Summers trio”.

    Di pala lihim ang aming past time sa isa sa mga ate ng grupo namin na may ari ng mga plaka dahil nalagkitan yata siya sa album cover minsan ng tinangka niyan hugutin ang plaka sa cover at sumara ding parang idinikit ng super glue yung album cover kaya hayun nabuko ang modus operandi namin nuon kada alas sais ng gabi sa likod ng bahay ni E..c. Kinumpiska rin yung pinaka-mamahal naming record player. So ngayon pag nakikinig ako sa ITUNES lalo na sa “hit’s of the 70’s” at pinatugtog ang mga paborito namin nuong 70’s marami sa mga kapitbahay naming seksi ang bumabalik sa isip ko pati na si “Auring Santol”.

  2. Batjay,
    Sinabi mo na rin na ang musika ay parang amoy ng isang bagay na magbabalik ng iba-ibang klase ng ala-ala sa buhay mo. Nasa elevator ako kanina pa-akyat sa 19th floor ng isang mataas na building dito sa wilshire sa L.A. habang pinipigilan kong umutot dahil sa malaking burritong kinain kong pananghalian, ay biglang nakalma ang pakiramdam ko at di ako napahiya sa maraming eksekyutib na kasabay ko sa elevator kung sakaling sumagalpak ang utot ko sa loob ng elevator at nalanghap ng captive audience ko, dahil lamang sa pipe-in music na tumutugtog habang pa-akyat kami. Bumalik sa ala-ala ko ang mga short time motel sa pasay at pasig. Umpisa sa pag hatid ng pitsel na may yelo at tubig ng motel attendant bago niya isara ang pinto ng kaligayahan. Ang tugtog ng pipe-in music na tulad ng carpenters, anne murray at iba pang mga love songs na di mo na makuha pang isipin dahil sa utog na nangingibabaw kasalukuyan sa isip mo at ang apat na oras na dapat mong sagarin, pero ang himig ng boses ni karen carpenter at claire de la fuente ang siyang nag-bibigay ng inspirasyon sa pagtatalik na darating bago ka magkanda ulol sa pag pakipot ng darling mo. Salamat sa mga love songs ng 70’s at tuwing maririnig ko ngayon ang mga lumang himig ng 70’s ay damang-dama ko pa ulit ang ligayang naidulot sa akin ng mga short time motel sa pasig at pasay nuon. Salamat sa mga negosyanteng chinoy na naka-isip ng mga “lab shack” para sa mga malilibog na mag-siyota nuon na harinawang mga matatabang mister en misis na ngayon sa lahat ng sulok ng mundo. pis lab sa inyong lahat!

  3. Halos di ko mapigilan kantahin, mula nang marinig ko ang cover mo… pansin mo ba mylab? This is probably going to be one of my favorites, among many others, of course.

    Thank you for singing again. Labyu! 🙂

  4. thank you mylab. masarap nga itong kantahin. kagabi ko lang pinag-aralan kaya hindi ko pa ma perfect ang phrasing at ang tono. siguro with more practice, i can do more justice to the song.

    paborito ko talaga ang “me and bobby mcgee” both joplin’s and kristofferson’s versions. they are so different and yet so the same. ngayon ko lang din nalaman na magsyota pala ang dalawa a long time ago.

    labU2.

  5. fafajay gusto ko yung “i could screw up and nobody would be affected”. sa panaginip lang ‘to mangayayri i guess. masarap siguro ang ultimate freedom.

  6. sobrang nakaka-relate ako sa post na ‘to!

    i spent a large chunk of my childhood years in southern leyte, where my parents, uncles, aunties, and older cousins lived the ’70s life…even well into the 80s and 90s. needless to say, the soundtrack of my youth was saturated with songs of the beatles, queen, and the eagles. so as strange as it sounds, i could never listen to hotel california or yesterday or another one bites the dust without remembering wide open fields of golden rice, velvet-blue mountains, or star-filled skies. 🙂

    btw, growing up, here is how i thought the beatles’ ‘yesterday’ was sung… 😉

  7. ah… wide open fields of golden rice, velvet-blue mountains, or star-filled skies. when sting’s “fields of gold” plays, that’s what i think about. i remember exactly where i first heard this song – somewhere in bicol, driving to a project site – rice fields ready for harvest, blue skies and the mayon volcano in the background. in my mind, i can even smell the diesel fumes from the truck i was on.

    matagal akong na-assign sa leyte. i was a project engineer during the construction of the PNOC geothermal plants just off Ormoc City. spent many years there on and off.

  8. Bosing, music of the 70’s is for me the best of all maybe because it is the era that I grew up with. Ang dami naming nasirang plaka dahil kinakapa pa namin noon ang mga chords at nota sa gitara (wala pang internet noon na makukuhanan mo ng tabs at notations). Led Zep, Black Sabbath, Deep Purple, Uriah Heep, Grandfunk… shet, I can go on and on.

    I have always associated Me and Bobby McGee to Janis Joplin. Ngayon ko lang nalamang kay Kris Kristofferson pala yun! i always learn new things everyday! Bagay sa boses mo, sir! Ganda. Thanks for sharing.

    oh and thank you – buti naman na appreciate mo yung version ko ng kanta. medyo pinag-aaralan ko pa kaya medyo pitchy at pangit ang gitara.

  9. buti naman at natuwa ka. nakakatuwa talaga ang musika.

    kamusta na tito rolly! ako rin, the music of the 60’s and 70’s especially late 60’s and late 70’s – 1969 and 1979 to be exact. those are the two years that i really love. oo nga – gusto ko lahat yung bands na binanggit mo.

    pero medyo special yung kay joplin kasi while she was known as a hard rocking blues mama, inside she was a sweet country girl from texas.

    i’ve read her letters to her family (it’s been made into a book) – I found it hard to associate her rock and roll persona with the gentleness and sweetness of the letters she sent to her family. ibang iba.

  10. nung highschooler pa ko, palagi ang bakasyon namin pag summer e sa subic base. dun ko napanood ang first ever concert ko, that is concert ni kris kristofferson. and yes, sa edad ko na yun, i enjoyed his music.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.