FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE

FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE - maraming salamat ulit kay polo!


ang ganda ng picture ko ano? salamat ulit kay polo, sa sobrang dami nga ng nagawa niya ay nakabuo na ako ng “The 1001 Lives of Mr. BatJay” web album. ganito pala ang hitsura ko kung bigla na lang akong maputulan ng pototoy at tubuan ng pekpek at boobs. ang problema lang sa picture na ito ay para akong character sa mga painting ng mga ancient egyptians. naka tagilid kasi ang ulo ako at parang may partial stiff neck. actually, sa biglang tingin, para akong na possess ng demonyo. naalala nyo ba yung twisted na ulo ni linda blair sa exorcist? pero, ayos na ayos ano? ang pinakagusto ko actually sa picture na ito ay ang pilantik ng daliri ng mga dancers. pagmasdan ninyong maigi, brothers and sisters: magaling ang coordination ng kembot at daliri, hindi ba?’nga pala – wala akong boss ngayon (nag mahjong kasama ang mga kaopisina ko) kaya pwedeng magpakendeng-kendeng at pasayaw-sayaw.

39 thoughts on “FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE

  1. NINAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    ayos ba sa sayaw – pwede na ba akong mag “walk like an egyptian”. tingnan mo yung ulo ko, hindi gumagalaw – parang ancient egyptian painting ano? MWAHAHA.

    mag aaply na nga ako sa alibangbang. buhay pa rin ata ito nang huli kong madaanan sa harap ng farmers.

  2. fafajay, yang giling na ganyan…uso yan dati nung 80’s. body language yata ang tawag. if i remember it right si frida fonda ang magaling dyan.

    sino naman pala yang partne mo dyan?
    buhay pa ba ang alibangbang? di ba dead na yun?

  3. Naalala ko tuloy nung bata pa ako at mahilig magbuhos ng asin sa nga linta sa garden namin.

    Teka, “linta” rin ba ang Tagalog sa “slug”, parang “leech”?

  4. nasa gitna ako ng pag-iisip ng malalim ng bigla kong bisitahin ulit tong blog mo para makatulong sa pag iisip, at laking tulong nga nito.. hagalpak ako sa kakatawa hahahahahahahhahaha

    hapi wik-end sa inyo ni jet!

  5. BatJazz! Mwahahahaaa! ang “Giling-giling” naman! lumabas na naman sa ilong ko(sa kabila naman) yong 35 cents kung kape(nagtitipid ako,e)! mwahaha–muntik ng mapunit ang tonsil ko from where it’s hanging sa kamwahahaha! it’s another ngala-ngala buster, that giling queen routine op yors…

  6. siyempre. panay kasi ang lagay ko ng lotion. parang pareho doon sa ginagawa sa mga biktima ng serial killer na si buffalo bill doon sa pelikulang “silence of the lambs” – “IT PUTS THE LOTION ON ITS SKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN”

  7. grabe da best ka talaga batjay, kumpleto na naman ang araw ko hahaha! naalala ko tuloy yung batang Hapon na ipinatong sa ulo ni doreimon dahil nakasimangot siya sa picture πŸ˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *