I’d poison guppies, and when I was done

dear unkyel batjay,

pupunta po ako sa dentista mamayang hapon at gusto ko pong malaman kung ano po ang mga kailangan kong gawin, bukod sa mag tooth brush, para naman po di ako kahiya-hiya sa dentisa ko.

maraming salamat at lubos na gumagalang,
gentle reader


dear gentle reader,

sa aking personal na experience, malaking bagay na mangulangot muna bago magpunta sa dentista.

ingat,
unkyel batjay

15 thoughts on “I’d poison guppies, and when I was done

  1. Tumpak… nyahaha!!!
    Maganda na maligo ka muna, hot shower dapat para lumabot, tapos isinga mo na lang at di mo na kailangang kalikutin pa.

  2. ginoong batjay, dahil sa kawalang magawa ko sa mga oras na ito ay hindi sinasadyang dalhin ako ng tadhana sa iyong site, nakakatawa ang mga kuwentong tambay na sinusulat mo, dahil diyan ipagkakalat ko sa ibang mga tambay ang kalokokhang ito. tnx (-_-)

  3. Mr. Batjay, pakidagdag na rin iyong pagbunot ng mga buhok sa ilong na medyo lumilitaw na. May mga ibang lalake kasi na hinahayaang humaba ang mga iyon para maging bahagi ng kanilang bigote. Baka sinusuklay pa nga eh.

  4. Korek! Kailangan presentable tayo. Ako sinisigurado ko pang hindi mag sipilyo at mag iwan ng tinga bago pumunta sa dentista. Para mag enjoy naman sya sa kakalinis ng ngipin ko.

  5. kasi baka imbes na ipin ang bunutin o linisin ng dentista eh yung ilong mo ang mapagdiskitahan. sabihin mas kailangan ng ilong mo ang tulong. hihihi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.