Everyone has talent

1. kaya kong itaas ang kanang kilay ko

2. napapagalaw ko rin ang tenga ko

3. kaya ko ring pagalawin ang magkabilang pisngi ng pwet ko pero mas malakas ang galaw ng kaliwang pisngi (siguro dahil left handed ako)

4. pag tulog ako, nagigising ako kasi naririnig ko ang sarili kong humihilik.

5. sa umaga pagkagising, kaya kong gawing korteng tent ang underwear ko.

24 thoughts on “Everyone has talent

  1. Bosing, I can do 1, 2 and 4. kaya ko ring itaas ang kaliwang side ng ilong ko, at… kaya kong pagsabay-sabayin ang taas isang kilay, galaw ng tenga, at isang side ng ilong. hehe

    Ang talented natin no?

  2. hihihi. my talent pales in comparison to yours. kayang abutin ng thumb ko yung wrist ko. teka, lahat ata kaya yun 😛

  3. talent ba yung magising ng 2pm pag weekends? eh yung multitasking, as in may ka-text, ka-chat, ka-email at sabay nakikipag usap sa phone?

  4. Yang korteng tent na underwear, me picture yan ah…

    are you sure na-mention mo na lahat ng multi-tasking body parts mo, koya jay? hehehe

  5. Hmmm…. let’s see.

    Kaya ko ring magising sa hilik mo… hehe

    Kaya kong magbabad sa internet maghapon na hindi napapansin ang oras.

    Kaya kong maglaro ng SIMS magdamag ng hindi inaantok.

    Kaya kong uminom ng tubig ng nakayuko (pangtanggal ng sinok).

    Yun lang e. Wala, talagang mas talented ka saken mylab… hehe. Labyu!

  6. Hey Bat Jay,
    I love your site. Do you have a 10 minute tagalog lesson so I can understand the filipino parts of your site. I will tell all my friends. Oh, well o.k. so nobody to tell.

  7. hmmm. ako kaya ko yung number 4. dati nga nagalit ako dahil may naghihilik sa lecture. ako pala yun.

    grabe batjay. pede ka na pang ripley’s!

    ganda umaga.

    hi jet!!!!!!!

  8. ripley’s believe it or don’t. narito na si jet, jessie. makakarating ang “hi” mo. pag nakasakay ako sa sasakyan (where else) minsan nagigising ako sa hilik ko.

  9. hi ruby.

    hehehe… para sa akin talent na magising ng 2pm ng weekends. matanda na kasi ako and i always wake up early – especially during weekends. nanghihinayang kasi ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *