An endless stream of cigarettes and magazines

mga bagay na nami miss ko sa pilipinas:

  1. san miguel beer lite – may nabibili rito sa amerika na san miguel pero iba ang lasa. iba kasi ang timpla ng export quality at mas maraming arte silang nilalagay. i know, kasi dati kong customer ang san miguel at tumulong ako sa pag gawa ng brewery nila sa polo at davao. ang joke nga namin nung araw eh kaya masarap ang san miguel beer na gawa sa polo ay dahil yung ginagamit nilang tubig ay galing sa tullahan river. in any case, isang case ng SMB lite na may maraming nakakamatay na pulutang pinoy, kasama ng barkadang masaya ang hinahanap hanap ko parati rito sa amerika.
  2. murang massage – may masahista rito sa amerika pero mahal kaya hindi ko pa nasusubukan. ang isa kasi sa pinakamasarap na experience ay magpa complete body massage, after a hard day. pag nasa pilipinas ka kasi, punta ka lang sa mall at makakakita ka na agad ng murang masahista. kung gusto mo ng may kasamang jakol, punta ka lang sa mas exotic na massage parlor sa quezon city. hehehe.
  3. barkada – nami miss ko ang regular naming pagkikita. nung nasa pilipinas kasi kami, lahat ng mga birthday ay sine-celebrate. parating may get together. at tuwing may get together, maraming inom, pagkain at kwento (na parating kinukwento ng paulit-ulit tuwing nagkikita kami). narito na rin sa amerika ang iba kong mga barkada sa pilipinas pero bihira lang kaming magkita. at kung magkita man kami, sandali lang, puro kainanan lang at halos walang alcohol. delikado kasi rito ang uminon at mag maneho. baka magaya ka kay paris hilton at nicole richie. hindi naman ako kasing ganda at kasing yaman nila at wala akong pekpek kaya baka makulong ako ng matagal pag nahuli ako ng pulis.
  4. pamilya – miss ko na ang mommy ko. matagal ko na siyang gustong dalhin dito para magpasyal. gusto ko lang mag enjoy siya ng husto. 83 years old na siya at siya pa rin ang nag-aasikaso sa mga naiwan kong kamag-anak sa pilipinas. hopefully, next year, makakauwi kami ni jet at makikita ko ulit siya. at dahil may visa na siya, pwede na siyang pumunta rito para dumalaw.

23 thoughts on “An endless stream of cigarettes and magazines

  1. wohoohh ! ! ! sanmig light tagal na din ako di nakakatikim….samahan mo pa ng kapalmuks, bulalo steak, tuna belly, sisig, tokwa’t baboy,inihaw na pusit at higit sa lahat ang barkada…..saraaap..

    nang umuwi ako sa pinas dalawang beses ako nagawi sa hang out natin (pepetons), una kasama ko ang batchmates natin…..pangalawa naman dinala ko dun yung mga co-parents sa notre with our kids, which I consider na bagong tropa…from then on naging bukang bibig nila ang pepetons….mura na masarap pa….

  2. oo nga pre, miss ko na yung kapalmuks, pusit, tuna belly at yung paborito kong tokwa sa peppetons. siyempre, may kasamang isang bucket na san mig light.

  3. There are places in the Deep South that reminds me of the Philippines – barkadahan, inuman sa kanto, no hurry – they have all the time in the world, etc…

    but then again, there are reasons a number of these States are the poorest of the 50…

  4. oriental tuna sashimi… parang oxymoron na double redundant. hehehe. double na redundant pa.

    hi PJ. it’s like you’re saying the barkadahan, inuman sa kanto and the slow pace of life makes a place poor. in a way, if it’s too much then you’re probably correct. lee kwan yew has this theory that places that have hot climates make the people who live in it lazy.

  5. kahit kailan, kaibigan! i know this by heart eh dati akong taga-san miguel eh…last week may mini-reunion kami ng mga barkada ko from when i was with smb…andito na rin sila sa america ngayon…siyanga pala, napag-usapan din namin ang polo at darong (davao)…back when we were all in marketing research, marami kaming tests na ginawa noon…so may kinalaman ka pala sa pagtayo nung mga breweries na yun…kakatuwa naman…

    tama ka, paulit-ulit din ang kuwento namin…siyempre pa, over bottles of beer (sila lang, designated driver ako eh!) at pulutan – hindi nga lang smb at saka walang panga ng bariles, tuna belly, pinaputok na pla-pla, sisig, buro at garlic rice…hay ang sarap isipin!!!…

  6. i love the darong plant and i have many happy memories while we were there.

    my favorite time of day was right before sunset. work is already done and i would be alone outside the front part of the plant having a cigarette while looking at mount apo in the distance. little would i know that after a year, i’d be up there working in another project.

    that was the time when all i ever wanted was to take jet to davao and stay there forever.

    kabaligtaran naman ang sa polo, i hated working there dahil ang baho at ang hirap, especially yung part na ginigiba namin yung lumang plant to make way for the new one.

  7. Tama ka pare!!! Ok sa olrayt pag may malamig na SMB kahit walang pulutan…kwentuhang sangkatutak kasama ang tropa, okay na!!! Walang binatbat yung mga beer dito, although some are good, pero iba pa rin pag SMB ang hawak, feeling mo nasa ‘Pinas ka!!! Kaya…ITAAS MO PARE!!!

  8. The title suggested you were Homeward Bound na. Next year pa pala.

    Teka, bat nung ako pumunta sa inyo nung Christmas, hindi naman San Mig nilatag mo sakin? Carlos I? Nalasing tuloy ako.

    Sarap ng feeling – hahahaha

  9. Ayan..naalala ko tuloy kung paano ako nahilig uminom noon. Hindi naman dahil masarap ang beer, eh. Trip ko lang yung tagayan sa amin sa Batangas. Yung nakaupo kayo in a circle tapos ipinapasa lang yung iisang baso nat tinatagayan ka mula sa isang pitsel ng beer. Kailangan maubos mo para maipasa na yung tagay sa katabi mo, otherwise, patay ka sa kantyaw.

    Mga tipong “Ang gabi’y lumalalim kahit di hinuhukay…” meaning gabi na ay nasa iyo pa yung baso kaya’t all the way down na dali! Haay, sabay nakaw ng tingin sa lihim na crush…aruuu!!! Those were the days talaga… :-).

  10. uso rin ang tagayan sa tambayan namin sa talipapa. minsan beer. minsan gin. minsan beer gin.

    minsan naman lambanog, lalo na pag umuwi sa quezon ang kapitbahay naming taga tayabas.

  11. well, i left philippines way too early pero natatawa ako dahil when you were talking about san mig , naaalala ko yung boy naming si kuya eddie.

    katabi lang kasi namin yung palengke. tapos kada utusan ng tatay ko yung boy namin na bumili ng kahit ano sa palengke, pagbalik niya, palagi siyang lasheeenng.

    tapos hinahigh blood ang ermats ko. ang rason ni kuya eddie namin palagi eh, bago pa raw siya makapasok sa palengke, kada kanto raw namalampasan niya, nag-iinuman yung mga “kanto” boys. eh bigay raw ng bigay ng san mig o tagay sa baso ng tanduay. eh ayaw daw niyang mabugbog, kaya tagay lang siya ng tagay!!!

    nakakaloka. namimiss ko tuloy yung kanto boys sa amin! hahah.

    la lang…share ko lang. heheh.

  12. Miss ko about Pinas at aking munting bayan sa Zambales:

    1. Magkatay ng manok at baboy-there is something poetic about it, inalagaan mot pinalaki, in the end kaya mo ring patayin.

    2. Magwalis ng kanal, there is nothing like the smell of lumot at stagnant water.

    3. Maligo sa ula at magtabo sa pagligo sa me posohan.

    4. Ang sumabit sa dyipni at bus.

    5. Ang busilak na smile ng mga pinoy kahit sira sira ang ipen 🙂

  13. Well, that’s one more dream come true… naisama mo din ako sa tuktok ng Mt. Apo… hindi man natin nagawa bago tayo umalis ng Pinas, at least bago man lang tayo lalong napalayo e nakarating ako dun. Salamat Pa ha. Maganda nga ang Mt. Apo, one of the most pristine places I’ve seen in my lifetime. But even more than Mt. Apo, it was truly wonderful to see how the things you do get appreciated and valued by so many. You make me so damn proud.

    Labyu!

  14. oo mylab, isa sa highlight ng buhay ko ang maisama ka sa itaas ng mount apo. matagal na kita kasing gustong dalhin doon. una, para makita mo kung gaano kaganda sa itaas ng bundok na iyon. and of course, para makita mo yung ginawa ko roon.

    labU2

  15. naapektuhan naman ako ng post mo… 🙁
    Now & again when I think of retiring in Pinas my biggest worry is that most of my friends will be overseas. Chances are most of my family will be abroad, too. I know I’ll be happier there but it still won’t be the same Pinas I left years ago.

    I’m sure you’ve already made mental plans on your mum’s impending visit to the US of A.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *