ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

ISANG project engineer ako all throughout the 1990’s kaya kung saan saan ako napupunta sa iba’t ibang parte ng pilipinas upang magtayo ng kung ano anong mga planta. maraming mga pagkakataon na ang assignment namin ay nasa bundok. sa katunayan, ang picture na ito ng dalawang shaolin master na engineer na naka kung fu pose ay kinuha sa itaas ng bundok sa bacon, lalawigan ng sorsogon, bicol region. kasama ko ang aking kumpareng si constantino (ang pangalan ng napangasawa niya ay elena, i shit you not. kaya sikat sila pag may mga santacruzan). ang isang problema pag tumira ka sa bundok ay ang pag ligo. minsan naglalakad kami ng malayo sa paghanap ng water source. at malamig ang tubig sa bundok. parang galing refrigerator na halos umurong ang pototoy mo sa lamig.

nakakatawang balikan ang mga napagdaanan namin sa trabaho. ngayong medyo matanda na ako, iniisip ko kung ano ang nainom ko ng araw na ito at pumayag akong makuhanan ng ganito. nabasa na ba ninyo ang “lord of the flies“? isang grupo ng mga batang lalaki marooned in an island. left on their own, they start to manifest animalistic behaviour. sa tingin ko ay tutuo ito – tingnan niyo na lang ang nangyari dito. dalawang lalaking tumira ng matagal sa bundok. naligo isang araw ng naka brief, nakakita ng camera kaya biglang nag pose na parang mga shaolin monks. kundi ba naman mga sira.

65 thoughts on “ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

  1. hi jenn, ang reyna ng orchard road at ang future miss canada.

    oo, wala nang pag-asa kay constantino. isa pa kuripot yon. hehehehe. baka mainis ka lang. alam ko naman na reyna ka rin sa mga santacruzan at muntik pang nagig isang miss canada. what can i say beauty and brains. that is hard to beat.

    oy, alam mo ba na yung isang kasama mo sa bintan ay familiar ang mukha. yung babaing may brace. nagkantahan kami nung weekend at naroon siya. maganda ang boses ha. kailangan mainvite ulit kasama kayo para pwede tayong mag singalong and along and along.

    ingat!

  2. hi Leah.

    salamat sa pag invite sa akin na mag dinner ngayong gabi. galing ninyo talaga to think about me. alam naman ninyo kasi na wala si jet kaya maraming salamat talaga.

    enjoy ako sa masarap na pagkain sa pasir ris park at doon sa mga bagong kilalang mga kaibigan. sige hanggang sa uulitin na lang.

    ay bukas na nga pala ang whore fun night sa geylang. awright!

  3. hi jop. muntik ko nang nakalimutan – oo aakuin ko na. ako na lang ang star model ng tiktik at burikak magazine.

    maganda nga ang “lord of the flies”. the film adaptation is not bad as well. you should try to rent this when you’re free.

  4. sige! sige! magsing a la la la la long tayo minsan! grabe yang si chris (naka braces) pakalat kalat at madaming nagsasabi sa kin na familiar siya (incl. leah!)

    tangna kuripot pala yang si consti..yoko na jan! balik na ko sa yo, if you’ll accept me again! heee

  5. si jet lee yung isa… tapos yung isa si monsour?

    ahehehe….

    Sir nic, nagpapasalamat ako sa isang binibining blogger na nagkwento tungkol ke batjay sa kanyang blog din. šŸ™‚

    hay… nakakwala ng stress ang blog mo..lalo na kung tinitignan ko yung picture ng dalawang karatista… magiiba kaya ang mood kapag boxers ang gamit nila? ahehehe

  6. hello jenn, ang karaoke princess at future miss canada ng orchard road.

    next time kayong mag sing a long, sabihan ninyo kami. baka di nyo alam, ako ang tom jones ng east coast ng singapore. hehehe. i sing a mean “delilah” at “gangrene grass of home”. ah si chris pala. hehe… actually magkasama kami ni leah nang makasama namin si chris. nagkita kaming lahat sa flat nina cherrie. may kasama siyang medyo kwelang babae na mahilig sa showbiz tsismis. at oo nga pala, magaling ding kumanta si chris. hehe. pag nagkita kayo, sabihin mo sa kanya, ako yung kumanta ng “total eclipse of the heart”.

    jay

  7. hello batjay and hello to all!

    nawala saglit sa aking isipan ang website na ito. kung di pa may nag pop-up sa aking e-mail, malamang na di ako makakapunta dito. maraming salamat kung sino man ang namangha sa kilig-to-the-bones naming katawan ni batjay (hehehe). sa ngayon, di pa rin naman gaanong nagbago. lumaki ng konti ang mga masel dahil sa exercise. baka lang po may magtanong kung sinong herodes ang nag comment. ako po si constantine, a.k.a. ting or stan (pangalan ko ngayon sa bago kong trabaho). di daw kasi maintindihan ng mga kano ang ting or constantino kaya ginawang stan. puro kase telepono ang usapan namin ng mga kliyente kaya hirap minsan mag-imagine kung ano nangyayari sa kabilang linya. boses lang nya naririnig mo.

    naalala ko tuloy yung mga happy moments namin sa mga lugar na napuntahan naming mga projects. parang ang sarap ulit-ulitin. di lang nakunan pero marami pang mas malala kesa dito… kung nakunan lang ng piktyur kung papano ako hubuan ni batjay ng shorts (kasama ang walang garter na underwear), malamang mas marami ang tumili (bwahahaha).. mabuti at may alala kaming makikita hanggang pagtanda namin..

  8. o pare, nagbalik na naman siguro ang pagiisip mo sa mga magagandang ala-ala natin sa kung saan-saan. oo nga ano – kung ilang beses pala kitang nahubuan sa harap ng maraming tao.

    hehehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *