estranghero

umalis si mel sa pilipinas nung 1978 para makipaksapalaran sa amerika bilang isang OFW. lumaki siya sa bulakan, nasa labas ang banyo at kadalasan, sa sapa ka pa kailangang magpunta para makaligo. malapit nang maging four years old ang anak niyang si robert at gusto niya itong bigyan ng masaganang buhay.

isang linggo na siya sa california nang matutunan niya na ang isang importanteng lesson: hindi mo pala dapat i-flush ang toilet bago mag shower kung ayaw mong malapnos ang iyong bumbunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *