ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

natutuwa lang ako sa outpouring ng support galing sa mga ka opisina ko all over the world na nagpadala sa akin ng mga mensahe ng pagmamalasakit. bagay na di ko inaasahan sa kanila. siguro mabait akong tao. o kaya nakukyutan sila sa akin. hehe. and in a gesture that moved me, my boss went out of his way today… while going to the airport on the way to india, binili niya ako ng dalawang kahon ng “essence of fish with american ginseng“. diniliver niya ito sa flat namin at inabot kay jet. sinama pa niya ang kanyang asawa para ituro kay jet kung paano ko ito iinumin. ang essence of fish daw ay isang magaling na gamot para magpahilom ng mga sugat, sabi ng mga intsik. sinubukan ko kaninang tunggain ang isang bote. masarap naman.

maraming salamat din sa inyo mga kaibigan namin na nagpadala ng mga mensahe at nagsulat ng mga blog tungkol sa nangyari sa akin. salamat din sa mga kaibigan kong dumalaw sa akin sa hospital.

pero siyempre, ang first prize sa TLC ay mapupunta kay jet. buti na lang at nurse ang asawa ko. at least alam niya kung papaano ang mga gagawin na procedure sa akin. siya ang nagpapaligo sa akin nung di ko pa kayang tumayo. siya ang naglilinis ng sugat ko araw-araw. kung wala siya, wala… nagkanda letse letse na siguro ako. nakipag away pa nga siya doon sa mga intern sa ER na mabagal kumilos. sabi ko nga sa kanya eh cool lang siya.

si jet rin ang katabi ko habang kinakalikot ng isang doctora ang aking pwet. nasubukan nyo na bang ma rectal probe? tangina. one of the weirdest, most humiliating and helpless experiences ko sa loob ng hospital. muntik ko nang sapakin yung doctora. instead, nasabi ko na lang ng pabiro: “doc, huwag nyo na pong ulitin ang ginawa ninyo ha!”

nagsimula na akong mag trabaho kanina. hopefully tuloy tuloy na. pero sa tutuo lang, di pa ako makalakad ng mabilis at naka alalay pa rin ako. ano kaya at mag file ulit ako ng extended medical leave? hehe.

12 thoughts on “ESSENCE OF FISH

  1. hey fafa jay… sorry to hear about what happened. Was goin to try and visit you or call ate jet but i lost her number. nasira yung phone ko eh and i lost all my numbers. 🙁 i’m glad that you’re ok now. i really wished i could visit you guys.. or at least met up with you while you were here.

  2. Tama ka, it’s definitely humiliating to have someone give you a digital rectal exam, lalo na kung di ka naman sanay na ginaganyan. Tapos, babae pa pala ang gumawa. Anu kaya hinahanap nila? Prostate enlargement? Polyp?

    Swerte ka ke Misis mo, pare ko. The best consolation a patient can have in a torture-ridden place like a hospital, is a loving wife or relative.

    Alalay ka nga lang. Gagaling yan agad. Kumain ka ng madaming kalabasa, green and leafy gulays, oranges, calamansi, for your Vitamin A and C. These will hasten healing. Wagka muna masyadong mag-strain, like lifting weights and avoiding constipation.

    Get well, amigo! =)

  3. Alam mo mylab, di ko kinukwento sayo, pero nung nasa ospital tayo, I had a dream. I’m not sure if it was a pleasant dream or not… probably a logical dream if there was one.

    In the dream, you were also confined in a hospital but for some mediocre reason like a toothache. And we were fighting. You were telling me, ‘Why don’t you stop being my nurse and just go back to being my wife?’

    I told you something like, ‘If I went back to being your wife, I’d be crying all the time, and that wouldn’t do either of us any good.’

    Hehe… maybe it was God’s way of telling me that I was doing something right. Or that in time, we’d be looking back at all these with a smile, remembering the good it brought us, getting tougher for the bad.

    Yesterday was a first… you went through the whole day with your wound dressing dry… no drainage!

    The wound is closed.

    You’ve rocked through this like I asked God.

    Cheers!

  4. ay, naalala mo si Akong na chinese boss ni Sharon? nakita ko yan sa powerbooks sa Greenbelt. Syempre linapitan ko. Pa cute pa ako at “hi, aren’t you that guy…?” hehe Uy ha, happy sya kasi may nakakilala sa kanya! He asked me if I enjoyed it. hehe Tawag tuloy sa akin ni Junnie, nanglalapit ako ng extra! hehe

  5. sana tuloy tuloy na ang recovery mo. 🙂 makakahinga na kayong dalawa ng maluwalhati.

    yang kung mangarap ka’t magising ang dahilan kung bakit ko na-discover ang blog mo. buti na lang. 🙂

    at champion din ang crying ladies.

    o sya, pahinga nang husto.

  6. Hey, I liked Crying Ladies and had a great laugh. Lalo na yung ending na akala mo ano ginagawa ni Sharon, yun pala actress sa isang karaoke. That was hilarious pero more than anything, it was a story of hope. Hope you get well soon!

  7. hi doc emer,

    sa ER ako ni rectal exam ng isang babaeng doctor na mukhang enjoy sa ginagawa niya. hehe. siguro prostate enlargement nga ang tinitingnan niya. inikot niya ang daliri niya sa loob, north, east,west and south. tapos tinanong kung masakit daw or uncomfortable. hindi naman masakit, pero talagang uncomfortable naman talaga. hanggang ngayon mag phantom sensations pa ako ng daliri sa loob ng pwet ko.

    oo nga swerte ako sa misis ko. bukod sa RN siya talaga eh tunay na maasikaso pa.

    mukhang mabilis nga ang healing ng wound. last week at malalim pa ang sugat pero ngayong week at completely closed na. di pa rin ako nagbubuhat ng mabigat at di ako masyadong gumagalaw. salamat sa payo – kumpleto ako as vitamins at sa mga gulay courtesy of my wife.

  8. hi AnP. nabasa ko nga sa previous blog mo yung tungkol sa pag bump in mo kay akong. hehehe… lapitin ka talaga ng mga showbiz extra ano? nagpa autograph ka ba sa kanya?

    hi jessie. iniisip ko nga last week kung sino ang ka chika ko sa “kung mangarap ka’t magising”. naalala ko nga na ikaw yon. nabili mo na ba yung VHS? pa copy naman…

  9. hi yasmin. thanks for the well wishes. ok nga ang crying ladies. kaya lang, di ko pala ito natapos dahil nakatulog ako. hehe.

    hi tanya. worried nga si jet sa iyo dahil di ka raw sumasagot. sayang. sana nagkita kita tayo kahit man lang sa hospital.

  10. hellomylab. di na kailangan pang sabihin sa iyo ng diyos… you were really doing things right. proof is my wound which has been healing extra fast. ang galing mo talagang mag-alaga sa akin. maraming salamat. di ko nga talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. lab U. jay

  11. i am watching Kung Mangarap Ka’t Magising right now on a local cable channel here in the province.

    i happen to really love this film… the story and music.
    so i tried looking it up on the net… for a possible copy or reading some reviews about it and then i came across your page.

    coincidences. yun lang. hehehe

    ingat. sana makabalik ulit ako dyan sa singapore for a vacation.

    feedback pls at markmarcus1@yahoo.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *